[19.1] Hospital (The Past)

45 4 0
                                    

[Two years ago]

Kahit halos wala nang ibang tunog ang naririnig sa sobrang lakas ng kulog at ulan ay pinilit pa rin ni Theo na mapuntahan ang isang lumang building. Kanina pa nila ni Raz hinahanap ang bastardang anak. Pero nang matunton ang kinaroroonan nito gamit ang mga cctv cameras ng mga nadaanan nito ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Sa totoo lang ay sobra-sobra ang pag aalala niya.

Oo nga't totoong sinasadya niyang ignorahin ang bastarda niyang iyon ngunit tiwala siyang hindi ito mapapano dahil nasa loob lang ito ng mansyon.

Nang mapasok niya ang gusali ay nagmamadaling hinanap ng kaniyang mga mata ang dalagang anak. Delikado ang lugar na iyon para sa mga batang kagaya nito.

Nagkatinginan sila ni Raz. Hindi nila magawang tawagin ito dahil wala itong pangalan at ni minsan ay wala silang binigay na tawag para rito. 

Tila ngayon lang ito nagtaka kung paano ito nakakapasok sa eskwelahan sa ganoong situation o kung nakakapasok nga ba talaga ito. 

'Kung hindi pumapasok sa eskwelahan ang bastardang iyon, saan ito nagpupunta sa tuwing umaalis ng mansyon?

Otomatikong napuno ng mga negatibong ideya ang utak ni Theo. Tila ba pagdating sa bastardang anak na ito ay mabilis pa sa alas-kwatro kung makapagbigay ng konklusyon na may ginagawa itong mali.

"PA!!!" naputol sa pag-iisip si Theo nang marinig ang tawag ni Raz. Tila nagpapanic ito kaya agad din siyang pinuntahan ni Theo.

Nakatalikod sa kanya si Raz at nasa bisig nito ang bastardang walang malay. Basang basa rin ito ng ulan dahil wala namang bubong ang likorang parte ng gusali.

Nanlalamig si Theo sa nasasaksihan. Hindi niya alam kung papaano gagalaw. Tila may bara sa kanyang lalamunan na pati paghinga ay di niya magawa ng maayos.

"Hey, wake up!", paulit ulit pa na sabi  ni Raz at yugyog sa kapatid ngunit wala silang nakuhang reaction mula rito. Sobrang putla nito at tila hindi na humihinga.

Sinubukan nitong hanapin ang pulso ng kapatid pero bago pa man niya magawa ay binuhat na ito ng ama and patakbong tinungo ang kotse. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Di na alintana ng dalawa ang ginaw gawa ng mabasa sila ng ulan. Naghihintay sila sa labas ng emergency room dahil sa maka ilang beses na pagwawala ni Theo sa tuwing titigil sa pagtibok ang puso ng bastardang anak habang ginagawa ng mga doctor ang examinasyon upang malaman ang totoong kalagayan nito.  

Hindi makapirmi si Theo sa upuan kaya palakad lakad na lamang siya sa pasilyo . Inaalala niya lahat ng nangyari dati.

Nung panahon na naaksidente ang kanyang asawa kasama ng driver at secretarya nito. 

Kung paanong namatay ang kanyang asawa at ang driver nito ngunit nakaligtas ang secretarya. 

Kung paano niya isinisi ang lahat sa secretarya , ngunit wala namang basehan ang sisi niya rito dahil sa pare-pareho ang mga itong napuruhan sa aksidente. Sadyang sinuwerte lang ito at may pulso pa nang makarating sa hospital

Kung paano mas umigting pa ang paniniwala ni Theo na kasalanan nga ng secretarya ang pagkamatay ng kanyang asawa nang may mangyari sa kanila.

Kung paano niya kinulong ang dating sekretarya ng asawa nang magtangka itong Tumakas at magtago dahil sa nagdadalangtao na pala ito. Lantaran niyang inihahayag noon na ayaw niya sa dinadala nito. Kaya kahit di man niya pinapagutoman ang babae ay hindi rin niya ito pinapatingin sa doctor kung kamusta ang kalagayan ng bata sa sinapupunan nito. Ni hindi niya ineexpect na magkakaroon ito ng komplikasyon sa pangangak na kina sanhi ng  pagkamatay nito. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lorem Academy (School of Elites) : Healing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon