[16] Rank

130 7 7
                                    

Author's note:

Another short update. Sorry, Guys! Ang dami kasing nangyari. Ibinalik din ang ECQ dito sa amin pero may office pa rin kami kaya medyo busy talaga. Within the week pa rin naman di ba? 🤣🤣✌✌

~~~~~~



Panlabing-anim na Kabanata


Ax's POV


"Ax!" nakalabing reklamo ni Mona. "Why aren't you paying attention? Kanina pa kita tinatanong ah."


Pota ang ingay! Bangasan ko 'to eh!


Nandito ako ngayon sa mall dahil may ipapabili na naman si Mona.


Tangina naman kasi! Ba't umupo upo pa malapit sa amin ni pipe yung Montevales na yun. Naalala ko tuloy na tatlong taon na yung Rank 1 yung bobong yun. Tapos tingin pa ng tingin sa pipeng Rizette pala ang pangalan. Sabay pa silang lumabas ng Auditorium. Tsk! Di ba alam ni pipe na babaero yun?!


Halos masiraan pa ako ng bait sa pagpapatahan dun. Umiyak ba naman ng halos kalahating oras. Ni hindi nga namin alam kung bakit umiyak yun. Ano na lang kaya pag nagpaloko yun kay Montevales.


"Makakapatay ako."


"What?!" napukaw ako sa pag-iisip nang marinig ang nakakairitang boses. I thought Mona would be a good distraction pero parang mas lalo pa akong naiirita sa pagmumukha nito


"Di ka pa ba tapos jan?!" iritable kong tanong. Nakanguso ito ngunit wala na ring nagawa nang tumayo na ako.


Itinapon ko ang credit card ko sa mukha nung isang sales lady na kanina pa ako tinitingnan. Kamuntikan na nitong hindi masalo. Tumalima na ito at agad pinrocess ang mga kinuha


"Let's go," pinal kong sabi sabay talikod.


"Ax, wait!!" di ko na siya pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. May pera naman siguro siya. Magtaxi na lang siya.


~


The fuck?! Shit! Shit! Shit! Bakit ko ba kasi naisipang kumuha ng test na yun?


Pagkarating ko ng academy ay nakalagay display na sa malaking electronic board ang mga mukha ng mga nag top sa assessment test kada year level at nakabalandra ngayon ang mukha ko sa third year.


Bad trip!


Kinuha ko ang paso sa kung saan at ubod ng lakas na itinapos sa screen!

Lorem Academy (School of Elites) : Healing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon