[17] Shopping

134 8 7
                                    

AUTHORS NOTE:

SORRRYYY!! I have no valid excuse... Katamaran lang talaga ✌️✌️ Matagal ko na sana natapos to nung nalibre na schedule ko pero mas inuuna ko kasi magpahinga muna kesa magsulat.

Merry Christmas and Happy New Year, Guys 🥰🥰🎉🎉🎇🎆

~~~~~~~~

Masayang nag lalakad ang ang labindalawang taong batang babae habang hawak ang plastic ng dalawang pirasong piniritong manok.

Noong nakaraang buwan ay namataan niyang nangongolekta ng mga lata ang mga batang nakakasalubong niya. Doon niya nalamang maaari palang maibenta ang mga iyon. Hindi kasi siya nabibigyan ng kahit piso kaya hindi niya din talaga alam na kinakailangan pala talaga ng pera para makakain. Maaaring iyon ang rason kung bakit hindi siya sinasabay nila Sir Theo, Sabina, Madam Dalia, at Kuya Raz sa hapag kainan. Dahil wala siyang pera.

Kanina lang ay natyempohan niya ang lumang appliance sa tambakan. Ang alam niya ay mahal ang benta sa ganun kaya binuhat niya iyon kahit may kabigatan at buong pwersang dinala sa pinaka malapit na junk shop. Ang perang nakuha ay napagdesisyonan niyang ibili ng piniritong manok. Balak niyang ibigay ang isang piraso sa kaibigan.

"Siguradong magugustuhan ni Whiskey 'to."

Nang siya'y ilibing ng buhay ni Madam Dalia ay saka niya napatunayang hindi naman pala galit sa kanya ang aso. Ito daw kasi ang naghukay sa kanya at ang tumawag sa Tatay Edgar, na siyang guard ng mansyon, para tulungan siya. Magmula nun ay parati na itong nakabuntot sa kanya at tila pa nga nakabantay sa bodega tuwing natutulog siya. Minsan nga'y tumatabi pa ito sa kanyang matulong. Nakakatuwa. Halos di na rin niya nararamdaman ang sakit sa loob niya sa sobrang saya. Tila nagkaroon siya muli ng "Ate Yan-Yan". Pinagkaiba lang ay di siya nito kayang ipagluto. Sa halip ay may mga pagkakataon na pinupuntahan siya nito sa bodega bitbit ang lalagyanan nito ng pagkain na may lamang kalahati ng pinagkainan nito. Pero di niya iyon makain dahil pinagbawalan siya ni Tatay Edgar dahil para lamang daw sa aso ang mga pagkaing ganoon.

Natigil siya sa pag-iisip nang makarinig ng pag putok kasabay ng isang ungot.

Whiskey!!

Patakbo niyang inakay ang bodega at nadatnan sa labas non ang kanyang ama na may hawak na isang itim na bagay na nakatutok kay Whiskey na nakahandusay. Nasa likod ng ama ang mga bodyguards nito.

Lorem Academy (School of Elites) : Healing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon