[5] New Student

219 4 0
                                    

"Happy Birthday🎶
Happy Birthday🎶
Happy Birthday to you🎶"

Sumasabay sa tono ng kanta ang ang mahihinang palakpak ng anim na taong gulang na batang babae habang nagtatago sa loob ng bodega.

Ngayon ang ika-siyam na kaarawan ng kanyang Kuya Raz at may party na nagaganap sa labas. Mahigpit siyang pinagbawalang sumilip o lumabas man lang ng bodega.

Nililibang na lamang niya ang sarili sa pakikinig ng mga ingay na nanggagaling sa di kalayuan.

'Panu kaya nalalaman ng isang tao kung kailan ang birthday nila?' tanong niya sa kanyang sarili.

Nakakapagtaka kung paano nalalaman ng mga tao ang kanilang kaarawan. Samantalang hinihintay niyang malaman kung kailan ang sa kanya. May ilang ulit na rin siyang nagtatanong sa mga katiwala ngunit pero ang sabi lang ng mga ito ay malalaman rin niya iyon sa takdang panahon. Kaya't nag desisyon na lamang siya sa si Sabina ang gawing palatandaan. Kung magdiriwang ng kaarawan si Sabina ay iniisip niyang kaarawan niya na lang din. Tutal ang sabi naman nila ay magka-edad lang naman daw sila.

Mula sa madilim na bodega ay rinig na rinig niya ang masasayang tawa at palakpakan ng mga batang bisita. Pati mga pagkaing handa ay amoy na amoy niya.

Pumikit siya at nag-umpisa na namang mangarap ng katulad ng ganoong senaryo. Kung saan maraming bisita at maraming handa. Kung saan kinakantahan din siya at binabati ng happy birthday.

Ang kanyang utak ay puno parati ng mga imahinasyon na alam niya namang hinding hindi mangyayari sa reyalidad. Dahil sa oras ng pagmulat ng kanyang mga mata, ang natatanging posible niyang mahiling ay ang magkaroon pa ng tira para sa kanya mula sa masasarap na handa ng party na iyon.

~~~~~~~~~~~~~

Panlimang Kabanata

Nakakamangha na ang dating tahimik na classroom ay rinig na rinig ngayon ang kaingayan kahit nasa malayo pa lamang kami.

"'Pag may nang-away ulit sayo sabihin mo agad sa akin. Ako na bahala dun", seryosong bilin ni Kuya nang marating namin ang pintuan ng classroom. "Wag ka papagutom may sandwich ka jan sa bag mo", dagdag pa nito.

Tango lang ako ng tango. Pag angat ko ng tingin ay nakita ko sa likod ni Kuya yung kung di ako nagkakamali ay ang Professor ata. Mukha itong estrikta pero ngumiti ito ng ubod ng tamis ng harapin ito ni Kuya. Sa di ko maipaliwanag na kadahilanan ay pinapaalala nito sa akin si Ate Nurse.

"Sige na, pumasok ka na", paalam naman ni Kuya.

Pagpasok ay kapansin pansin ang katahimikan. Ang mga mata ng mga kaklase mo ay nasa gawi ko. Maaaring sa professor sila nakatingin pero nakakailang pa rin. Kahit na gusto ko sana sa harapan para makita at marinig ng husto ang professor ay naiilang ako sa mga tingin nila kaya agad akong dumaan sa gilid papunta sa likoran.

Marami mga bakante sa likoran kaya marami ring pagpipilian.

Nang makahanap ako ng mauupuan ay tuluyan na ring nakapasok ang Professor.

"Good morning everyone", paunang bati ng professor. "I suppose, we have a new student..." nakatingin ito sa akin na nakataas ang kilay.

Oo, new student ako para sa kanilang lahat. Dito daw kasi, ang mga estudyante, ay magkakasama na kindergarten pa lamang. Sabi ni Kuya ay madalang lang ang magkaroon ng new student dito at madalas scholar pa o kung di naman ay mga Gold Card holder. Kaya daw kahit anong mangyari ay wag ako magpapaapi at isumbong ko agad sa kanya pag may nagtangka.

Lorem Academy (School of Elites) : Healing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon