[15] Cry

107 6 3
                                    

Author's note:

Sorry, Guys! Super busy lang talaga ako last week kahit ngayon. Susubukan ko na lang gumawa ng another update within this week. Susubukan ko talaga!

~~~~~~~~~


Panlabinlimang Kabanata


Ax's POV


Ang kapal ng bungo ng pipeng yun! Lalapit lang pag may pagkain pero di kami pinapansin pag wala. Tratuhin ba naman kaming ref. Siya na ngang nililibre, siya pa tong nang iignore.


Mag-wa-one week na niya kaming iniiwasan at pinapansin lang pag may pagkaing dala. Bwiset!!


Papunta ako ngayong auditorium dahil dito daw kukuha ang mga di nakakuha ng Assessment Test last time. Wala sana akong pakialam eh pero yung pipeng yun di na naman mahagilap. Tsk! Paimportante!


May dala akong dalawang box ng doughnut.


Ilang bandehado pa ba ang ipapakain ko sa kanya, mamansin lang?!


Bad trip na bad trip akong napapakamot ng ulo. Pasalamat siya't---bakit nga ba? Ba't nagtitiis akong hatiran ng pagkain yun? Ano ako? Delivery boy?! Food Panda?! Shit! Nabudol na naman ako. Kailangan ko na atang maghanap ng pari.


Tatalikod na sana ako nang makita ko na siya. Parang bulang naglaho ang pagkayamot ko. Ang saya saya ng ngiti niya.


I found myself walking towards her.


"Hey! Kukuha ka rin ba ng Assessment Test? Tara!" kita kong nabigla siya sa pag akbay ko.


Ilang segundo lang ay tumungo ito at nag akmang lalayo. Kaya mas hinigpitan ko ang pagkakaakbay sa kanya at itinaas ang pain kong  doughnuts. Nang makita niya ang dalawang box na hawak ko ay di na rin siya pumalag.


She kept looking at the boxes, ni hindi niya ako nililingon.


Gusto kong mag wala!


I never felt so worthless! Mas matimbang pa sa akin ngayon itong doughnuts na 'to. Pabagsakin ko kaya lahat ng kompanya ng doughnuts dito sa Pilipinas! Tsk!


~~~~~~~~~~~


Lorem Academy (School of Elites) : Healing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon