Author's note:
Fun fact:
This song is one of my inspirations nung sinisimulan ko pa lang gawin ang plot ng kwentong ito... years ago--more like half a decade ago (opo matagal ko na itong iniisip pero ngayon ko lang naisulat talaga dahil sa pandemic).
It's a Christian song...
When she cries by Britt Nicole.
~~~~~~~
May ngiti sa mga mata ng siyam na taong gulang na batang babae habang sunod sunod ang pagsubo sa pagkaing dinala ng ate Yan-Yan niya.
"Hinay hinay lang para cute ka pa rin tingnan sa camera... tsaka marami pa akong nadalang ganyan dito," nakangiting paalala ni Yan-Yan sa bata habang tinuturo ang video camera sa sulok. Gaya ng dati ay parati nitong vinivideohan ang bata para may remembrance ito paglaki.
'Kung sana lang ay may pakialam sila sa kanya'
Nilagay ni Yan-Yan ang mga pagkain sa pinakatagong lugar ng bodega.
Dalawang taon na rin ang lumipas simula nang makilala niya ito. Matapos nun ay halos linggo linggo na itong bumibisita sa kanya.
"Ate, sarap po 'to!!" sabi niya kahit puno pa ang bibig.
"Masarap? Yaan mo pagpapraktisan ni ate lutuin yan tapos parati kitang dadalhan ng mas marami."
"Sige po!!!" excited niyang sabi habang nagpapatuloy sa pag kain.
"Malapit na ang bakasyon kaya di nanaman ako makakadalaw sayo," sabi nito. "Next week, magdadala ako ng maraming pagkain ha!"
Tumango tango lang siya. Malungkot siya sa tuwing di nakikita ang Ate Yan-Yan niya. Ito lang kasi ang kumakausap sa kanya ng hindi galit. Kahit ang Kuya Raz niya ay tila naiinis na rin sa kanya at ayaw siyang nakikita.
Natigilan siya nang marinig ang mga yapak ng takong. Kilala niya kung kanino ang mga iyon.
"A-ate..." pabulong niyang tawag kay Yan-Yan.
"Hmmh?"
"Ate, tago ka," may takot na sa kanyang tinig.
Halos di na siya makahinga sa takot.
Alam niya ang mangyayari pag nakarating na nga ito sa bodega. At lalong mas lala pa kung makikita ni Madam Dalia ang Ate Yan-Yan sa loob kasama siya.
Nang makita ang pagtataka nito ay siya na mismo ang humila dito patayo upang itago ito.
BINABASA MO ANG
Lorem Academy (School of Elites) : Healing Her
Teen FictionShe's a girl with no name. Literal na di siya nabigyan ng pangalan nang siya'y ipanganak. She doesn't even have any documents to prove her own existence. She was born in a family who only sees her as a scandal. Isa lamang siyang sekreto na dapat ita...