Impit ang mga hikbing pinapakawalan ng anim na taong gulang na batang babae. Sumisinghot singhot din siya dala ng hirap sa paghinga dahil sa sipon. Inuubo din siya ngunit pilit niyang nilulunok ang pag-ubo sa takot na magalit ang kung sino man ang maka rinig.
Nilalagnat siya ngayon.
Sobrang bigat ng ulo niya. Mainit din ang nararamdaman niya sa kanyang mga mata.
Di siya sigurado kung ano ang gagawin upang maibsan ang kabigatang nararamdaman.
Napagalitan siya kanina sa di malamang kadahilanan. Basta na lamang siyang sinisigawan ni Madam Dalia kanina. Ang akala niya nga'y pati si Sir Theo ay galit sa kanya pero nakatingin lang ito.
Natatakot siya na pag may makaalam na masama ang pakiramdam niya ay baka magalit ng tuluyan ang mga ito sa kaniya.
Isinandal niya ang likod sa pinakasulok ng kwarto. Di siya makahiga ng tuluyan dahil mas nahihirapan siyang huminga.
Pumikit siya at sinubukang itulog ang nararamdamang.
Sana bukas... okay na siya.
~~~~~~~~~~~~~~~~
Pansiyam na Kabanata
Maaga muli akong gumising para makahingi ng baon sa kusina para sa anim na tao.
Masaya pala magkaroon ng maraming kaibigan. Kaya pala si Kuya parating maraming kaibigang dinadala dito sa mansyon noon.
Oo nga pala! Di ko pa nasasabihan si Kuya Raz na salbahe si Kuya Gab. Dapat alam ni Kuya para makapag ingat siya.
BINABASA MO ANG
Lorem Academy (School of Elites) : Healing Her
Fiksi RemajaShe's a girl with no name. Literal na di siya nabigyan ng pangalan nang siya'y ipanganak. She doesn't even have any documents to prove her own existence. She was born in a family who only sees her as a scandal. Isa lamang siyang sekreto na dapat ita...