Tahimik ang batang si Yan-Yan na nakamasid sa birthday party ng nag-iisang tagapagmana ng mga Montevales si Raz Angelo Montevales. Today is his 10th birthday at may napaka ingrandeng selebrasyon. Puno ng musika at masasayang tawanan ang paligid kahit na taliwas iyon sa kasalukuyang nararamdaman niya.
Hindi naman niya ito kaibigan at napipilitan lang din siyang dumalo.
Kung siya ang masusunod ay mas gusto na lang niyang magluksa sa loob ng bahay. Ngunit kailangan niyang magpanggap na ayos lang siya. Alam niyang nag aalala na sa kanya ang mga magulang niya kaya't nang sabihan siya ng mga ito na umattend sa party na iyon ay pumayag na siya kahit pa labag sa kanyang loob.
Kakamatay lang ng kanyang nakababatang kapatid na si Miracle Angel.
Halos lahat ng nakakakilala sa kaniya ay alam kung gaano kalapit sa kanya ang kapatid. Kaya't siya ang lubos na naapektuhan nang mamatay ito.
Napatingin siya sa kanyang kamay na may hawak na kwintas na gawa sa nylon. Di niya pa tapos iyon. Apat na letra pa lamang ang naroon; M-I-R-A. Tinatapos niya ang kwintas na iyon habang inooperhan ang kapatid. Gusto niya sanang gawing reward pagkagising nito. Ngunit di na niya iyon natapos nang ianunsyo ng doctor na wala na ito.
Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang musika. Paingay na rin ng paingay.
Parang masusuka na siya. Gusto niyang lumayo. Gusto niyang umiyak. Pero di niya kailangan ng awa nila kaya pinipigilan niya.
Maaawa lang naman sila pero di nila maiintidihan.
Dinala siya ng mga paa sa isang sulok kung saan kapansin pansing di dinaraanan o pinupuntahan ng mga tao. Ito ata ang bodega ng mansyon.
Sino nga ba sa mga bisita ang tatambay sa bodega?
May ilang minuto na rin siyang nakasandig sa pader malapit sa nakasaradong pinto ng bodega nang may narinig siyang bahagyang kaluskos na nagmumula ng loob ng bodega. Pababayaan na lamang sana niya nang marinig niya itong muli na nasasabayan pa ng mahinang ungot na tila nasaktan ang kung sino man ang nakagawa ng ingay mula sa loob.
Sinubukan niyang iawang ng kaunti ang pituang di pala nakalock at sumilip sa loob ng bodega. Madilim masyado sa loob kaya't wala siyang nakita.
Mabilis niyang ipinalabas ang dala-dala niyang flashlight mula sa kaniyang backpack. Pinalabas niya rin ang kanyang video camera na ilang araw na rin niyang di nagagamit magmula ng mamatay ang kapatid. Mahilig siya sa pagvivideo ng mga pangyayari upang gawing remembrance noong nabubuhay pa ang kapatid.
"Papasok tayo ngayon sa bodega sa mansyon nila Raz Montevalez--" pasimula niya habang tinututok ang camera at flashlight sa dinaraanan papasok.
Napakadilim ng kwartong ito. Inilibot niya ang flashlight at camera sa buong sulok nang may mahagip na pigura.
BINABASA MO ANG
Lorem Academy (School of Elites) : Healing Her
Novela JuvenilShe's a girl with no name. Literal na di siya nabigyan ng pangalan nang siya'y ipanganak. She doesn't even have any documents to prove her own existence. She was born in a family who only sees her as a scandal. Isa lamang siyang sekreto na dapat ita...