Simula Part 3

265 4 0
                                    

Hindi makatulog at pabaling baling lamang si Theo habang iniisip ang pagpapalayas niya sa kanyang bastarda.


Dis oras na ng gabi at alam niyang delikdo ang kanyang nagawa lalong lalo na't talamak ang kidnapping ngayon. Ngunit 'di niya napigilan ang galit nang sabihin sa kanya ng mag-inang Dalia at Sabina na nakita raw nila ang batang yun na umalis sa eskwelahan kasama ang isang lalaki.


Masyado pa itong bata para magkanobyo idagdag pa na hating gabi na ito naka-uwi.


Ilang sandali pa ay biglang sumagi sa kanyang isipan na katorse anyos siya noon nang una siyang magkanobya at ang unico hijo niyang trese pa lamang nang magkanobya. Napahilot na lamang siya ng kanyang sentido. Kung tutuusin ay mas malala pa siya kesa sa batang iyon.


Gusto man niyang aminin na napasobra ang naging reaksyon niya ay tapos na at napalayas na niya ang bastarda. Ilang ulit na rin niyang naipangako sa sarili na aayusin na niya ang pakikitungo sa bata ngunit parati itong nababale sa tuwing naaalala niyang anak ito ng babaeng yun. Gusto man niyang tratuhin ito ng tama ay di niya magawa dahil sa kasalanang nagawa ng ina nito.


Sa unang tingin ay aakalaing napakadali lamang sa kanyang tratuhin ng ganoon ang batstarda ngunit lingid sa kaalaman ng iba ay parang pinipiga ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita at naririnig niya ang pag iyak nito--na madalang lamang nangyayari dahil hindi naman iyakin ang batang iyon. Kahit sa pagsampal niya rito kanina ay di niya ito nakitaan ng luha.


Natigilan siya nang mapagtantong di niya man lang hinayaang makapagpaliwanag ito. Naunahan siya ng galit kaya di na niya naisip na pagsalitain pa ito. Naalala niya ang itsura nito kanina at nagtaka. Sa totoo lang ay ngayon lamang siya nakakita ng babaeng nakikipagdate sa ganoong ayos--pati na rin ang pa-ika-ika nitong lakad. Ano man ang rason ng batang iyon sa pag-uwi ng hating gabi ay hindi pa rin tamang palayasin niya ito dahil lang sa sinabi ng mag-inang iyon.


Agarang siyang bumangon upang puntahan ang batang 'di niya alam saan uumpisahang hanapin.


ITUTULOY...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Lorem Academy (School of Elites) : Healing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon