Game 23:

7 0 0
                                    

23.

Blaize's POV

Busy ako sa pagtype sa phone ko dahil katext ko si Dk. Wala ako sa mansion dahil pinauwi ako saglit nila Papa. Kakauwi lang nila yesterday from their business trip. Tumawag pala sila sa mansion, kaso nagkataon na nasa yatch kami ni Dk.

Katext ko si Dk na nagrereklamo na binubully nanaman siya dahil wala ako. Wala daw siyang kakampi. Mga baliw talaga yon sila. Nawala lang ang tingin ko sa phone ko ng marinig ko ang boses ni Papa.

"Ano ba yan, nandito nga pero nakangiti naman sa phone niya. Pano naman ako?" natawa ako dahil parang bata si Papa. Lumapit ako sakanya at nagmano, pinabalik naman ako nito kinauupuan ko kanina at umupo sa upuan across sakin.

"Kamusta Pa?" tanong ko sakanya. nag thumbs up ito at idinipa ang mga braso sa sandalan ng upuan.

"Okay naman kami, nakapag tour din kahit papano after business matters. Di na nga kami nag abala ng pasalubong kasi alam naman naming na makakapunta ka din don. Bumili nalang kami ng ilang remembrance ulit, alam mo naman ang mama mo" napailing iling ito.

"Ikaw kamusta ka naman? Kayo ni Dk? Balita ko umuwi si Saider, nasabi samin ng parents niya na gusto ni Saider maiarrange sakanya si Dk. Alam na ba niya yon?"

Tumango ako. "Kagabi niya nalaman Pa, pagkauwi naming galing sa port. Nagpadala ng sulat si Saider. Syempre nagulat si Dk, halos hindi nanaman nga umimik nanaman. Buti nalang nakausap ko kaagad"

May kakaibang kislap sa mata ni Papa. Pero di ko maintindihan kung ano yon.

"Anong balak mo? Ipaglalaban mo naman diba?" mahina akong natawa sa sinabi niya.

"Ipaglalaban ko nga, pano kung ayaw naman sakin nung ipinaglaban ko?" umayos ng upo si Papa, pinagsalikop ang mga kamay at pinagkrus ang mga hita. Seryoso itong tumingin sakin.

"Ayan tayo e, Miyoshi ka tas susuko ka nalang. E wala ka pa nga ata ginagawa. Lagi ka nalang kasi nag stay sa lane niyo ni Dk na tamang close lang kayo. Mahina ka, alam mo sabihin natin na ipinaglaban mo siya or tinulungan at least she would be free diba. Gugustuhin mo ba na matali siya don sa nakakatanda niyong childhood friend? Kaya mo ba makita na umiiyak siya? Hindi diba. Anak, it's a matter of risking. Sabihin na hindi ka magbenefit don pero hindi mo alam ang pwedeng mangyari diba. Maaaring once she's free you can still have a higher chance diba. Pero once na natuloy ang sakanila ni Saider" nagcross ang mga braso nito.

"Tapos, wala nang chance. Pero syempre galaw galaw Blaize. Pag babagal bagal ka, baka maunahan ka ng iba. Yes, it's not a competition but would you let yourself suffer kasi hindi ka nagtry? Love is always a painful thing. Love is worth risking. Love would make you happy or not but at least you've tried. May lessons naman palagi kasama pag sa Love. Ikaw nasa sayo naman yan, basta ako I'm rooting for you. Basta wag ka lang gagawa ng ikakasama ng loob ni Dk at namin. Yang what if na yan, nako wala lang yan. Bat hindi mo nalang itry diba? There's no harm naman. It's either you'll fail or not"

Napabuntong hininga ako at napatango tango sa sinabi ni Papa, cannot argue. He knows it, napagdaanan na niya kay Mama e.

"Pa, paano mo nasabi na si Mama na yung gusto mo makasama habang buhay?" tanong ko sakanya.

"Ang bata mo pa para isipin ang pag settle down pero sige. Total maiintindihan mo naman ako, alam mo bang nung edad mo kami ng mama mo on and off. Wala atang araw sa isang buwan na hindi kami nag aaway. Hanggang sa napagod, naghiwalay. Sabi ko pa noo, ayoko na siyang makita nor makabalikan ulit" he smiled.

"Ilang years ang lumipas syempre, nakagraduate kami. Napasa ng lolo mo ang kumpanya sakin. We remained as friends ng mga tita, tito mo at ng mama mo. Hanggang sa isang araw sa isang formal party na dinaluhan naming mga magulang niyong Royal Fam, don ko narealize ang laki pala ng pinakawalan ko. I saw your mom came with another guy sa party, inggit na inggit ako noon. Di ako nakatagal noon sa party, umalis ako iniwan ang mga magulang ngayon ng mga kaibigan mo. Akala ko okay na ako, kasi biruin mo ilang taon din yon. I was wrong, then to make the story short. I courted your mother for nth time. Nareject sa una, sabi niya may gusto siyang iba. Hindi ako sumuko, actions do speak louder than words pero pinagsama ko ang action at ang words to prove na handa ako magsettle with her. Months, years." Napailing iling siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Game Consoles, Love Controls (On Going)Where stories live. Discover now