Game 8:

22 2 0
                                    

8.
Blaize's POV

I woke up a bit early than the others. Himala ata to. Napailing ako sa naisip. Tumayo ako sa kama at nag inat inat. Ginising ko na rin si Rocky at Alex na katabi ng kama ko.

Nauna akong pumasok sa banyo para maligo. I felt the warm water on my body. Napapangiti ako sa mga naiisip ko. Especially what happened yesterday.

Natigil ang pag iisip ko ng may kumatok sa pintuan ng banyo. Tsk.

"Doshite?!"

"Di lang ikaw gagamit ng cr! Nauna ka lang nagising ganyan ka na! Bilis! Ang sakit na ng tiyan ko!" Tss, nagmamakaawa na si Rocky sa labas. Feel na feel ko pang maligo dito e!

Binilisan ko na ang paliligo, ang ingay ingay ni Rocky! Paglabas ko nakita kong namimilipit siya sa labas ng pintuan. Pagkakita niya sakin ay tinulak niya patabi para siya ang pumasok. Bastos.

Pumasok ako sa walk in closet para magbihis ng uniform. Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto.

"Gising- oh? Gising na kayo? Si Blaize?" Naririnig ko si DK sa labas. Dali dali akong nagbihis. Belt? Hala nawala pa.

"Hoy!" Nagulat ako. Tsk. Humarap ako sakanya. Kainis sabi na e buti nalang nakapag pants agad ako.

"You look like a dumb! Hahaha!" Nakasandal siya don sa hamba ng pintuan. Mukhang nakaligo na din dahil naka uniform na agad.

"Wala kong pang itaas pa. Tas nandyan ka. Baka naman no?"

Lumapit siya sa kinatatayuan ko, she's examining the whole closet. Napaka kulit talaga.

"Bakit? Nakapants ka naman na a. Pang itaas lamang ih. Edi mag polo ka. Tsaka" she gazed at me.

"I wanted to see kung may bunga nga ba yang pag wowork out mo. Psh. Mukhang wala naman" sabay turo niya sa katawan ko. Nahihiya akong tinakpan yon ng tuwalyang nakasabit sakin. Tinawanan naman niya ko.

"Lakas nanaman ng topak mo e no." Naiiling nalang ako sa pinagsasabi niya. I have a toned body! Tinuyo ko nalang ang buhok ko habang tinitignan siyang mag ikot.

"Grabe. Ang kalat kalat niyo. Closet niyo ba talaga to?" Iniisa isa niya sa pag kakaayos ang bawat damit. Paano ba naman may hindi nakatiklop o nakalaglag sa pagkakasabit. Nang makalapit ulit siya sa side ko e binuksan niya aparador sa tapat ko.

"Please, ipaalala mo sakin na ayusin ang mga gamit dito. It's a mess!" Di na lamang ako umimik at kinuha ang polo ko para isuot. Kelangan ko mag tuck in.

"Dk. Kelangan ko mag tuck in. Dun ka na dali."

"Oo na oo na. Hmp. Suplado, wala naman katago tago dyan no. Hahaha" lumakad naman siya paalis. Luka luka talaga.

Saktong harap ko ay nakita kong nandun siya sa mga collections ko ng pabango.

"Ako pipili a" tumango nalang ako inayos ang damit ko.

"Thank you nga pala." Napangiti ako. Nakailang beses na ba siya kahapon magsabi non.

"Ginamit mo na?"

"Yep! Bango bango nga ih! Daya mo pano mo nalaman na gusto ko yon? Nakakahiya."

"Matagal ko nang gustong bilihin yun. Nawawalan lang ng oras dahil di ko mabili nang magkakasama tayo. E nawala pati kami nitong nakaraang buwan kaya di ko na nabili. E kahapon lang naman tayo pumunta ulit sa mall, I grabbed the chance na. Buti nga kahit limited edition e abot ako." Lumapit ako sakanya at inabot niya sakin yung perfume na napili niya.

"Ayan gamitin mo. Di masyado matapang unlike dun sa iba. Geez!" Sabay hawak sa batok niya na para g kinikilabutan. Baliw talaga.

"Ehem! Excuse me! Magbihihis na din ako! Pwede?" Napatingin kami ni Dk sa pintuan ng makita si Rocky sa labas at nakatapis lang.

Game Consoles, Love Controls (On Going)Where stories live. Discover now