18.
Blaize’s POVTahimik lang buong maghapon si Dk, walang kinakausap samin. Nakita ko naman na kinakausap siya nila Rook pero marahang iling at tango lang ang isinasagot nito. Kung di pa ata pinagsabihan ni Vj ay hindi lalayuan ni Rook si Dk.
Hinayaan ko lang siya. Ayoko din na mainis siya nagyong araw dahil sobrang daming nangyayari sakanya ngayon, pagkatapos niyang umiyak kagabi. Alam kong napapagod na din siya. Mag iisip nalang ako ng paraan para matulungan ko siya at makahing hinga din kaming lahat.
Nakita ko naman na pumasok si Rave, di ko pinahalatang nakatingin ako sa bawat kilos niya. Dahil nga tulala si Dk ay di niya pansin si Rave. Bigla naman akong tinawag ni Alex kaya nawala ang tingin ko sakanila.
Habang nag uusap kami ay may narinig kaming sigaw sa tabi ko at pag ipod ng table. Agad kaming napatingin ni Alex kila Dk. Si Dk nakatingala kay Rave na nakahawak sa batok at may apologetic na mukha.
“Dude, nakakagulat ka naman. Ang lamig neto” napatingin naman ako sa hawak ni Dk. Binggrae?
“Sorry hehe, tulala ka kasi. Inumin mo na habang malamig pa. Dala ko yan pauwi galing Korea” umupo ito sa upuan niya sa katabi lang din ni Dk.
“Ah kaya pala absent ka nung nakaraang linggo” sabi naman ni Dk.
“Ang tingin po natin ay medyo iiwas kasi baka mamaya may bumulagta na diyan” agad akong napaiwas ng tingin dahil sa sinabi ni Vince.
“Bat kasi di pa umamin” dagdag pa ni Gab. “Tigilan niyo ko ha, kayo talaga kahit kelan e. Oh Alex ano nga ulit yon” bumalik nalang ako sa pakikipag usap kay Alex, pero di ko maiwasan na mapatingin padin kay Dk. Di naman sila nag uusap ni Rave, Blaize tigilan mo nga.
‘selos ka lang e’ napailing naman ako dahil sa sinasabi ng utak ko. Normal naman magselos a, valid naman yon kasi may feelings ako. Hanggang selos nga lang.
“Iyang mukha pag nabura bura nako” narinig kong sigaw ni Vj. Nakatayo silang dalawa ni CH sa harap ni Dk.
“Bored na bored na ko” padabog nitong inilapag sa table niya ang ubos na pinag inuman niya. Nag ring naman ang bell hudyat nang pagtatapos ng klase. Tumayo ako sa kinauupuan ko ang isunukbit ang bag, ganun din naman sila Gab na kausap ko lang kanina.
“Bat kayo nagsusukbit ng bag? Magcutiing tayo?” pinitik ni CH sa noo si Dk. “Yang utak mo palutang lutang, wala na tayong klase. Nasabihan ka naman a, ikaw pa ang di nakakaalala? Dude, where on earth are you?” Tinapik ko nalang si CH.
“Uwi na tayo” agad naman tumayo si Dk sa kinauupuan niya. Sumabay ito sakin sa paglalakad. Habang naglalakad sa hallway ay tahimik lang ito pero pag nililingon ko siya ngumingiti ito sakin.
“Okay ka na?” she hummed. “Better kesa kagabi” dahil sabay sabay ang labasan ng estudyante ay medyo nagpahuli kaming labing dalawa para iwas siksikan. Naramdaman ko naman ang pagkapit ni Dk sa braso, hinayaan ko lang.
“Just date!” napalingon kami sa sumigaw, pati na rin ang ibang estudyante na nasa hallway ay napalingon. Sa boses palang parang kilala ko na kung sino, si Vince. Tama naman ako dahil nakapamewang ito at nakatingin sa may bandang braso ko kung san nakakapit si Dk.
“Hindi pwedeng dahil sa siksikan kaya nakakapit ako ha, issue ka a!” balik sigaw ni Dk.
“Just date! Date!” napapikit nalang ako dahil sa matinis na pagsigaw nito, napaka agaw attention talaga nito. Nang humupa ang dami ng tao sa hallway ay saka kami nagpatuloy maglakad. Narinig ko nanaman na sumisigaw si Vince na may kasamang tawa. Parang manok e, nagulat nalang kami sa biglang pagdaan nito sa gitna namin ni Dk.
YOU ARE READING
Game Consoles, Love Controls (On Going)
Novela JuvenilRoyal Fam? Kings? Is this a Royalties? No, they're more than that. They're teenagers. Teenagers? Yes, they race, they play games. Gamblers? *chuckles* No, they are just the brave ones that the fortune favors. "Audentis Fortuna Iuvat" Cover: Ap...