Game 10:

23 2 0
                                    

10.
Rave's POV

Di niya ko pinansin. Bakit? Di niya ko nakita? Bakit? Malabo ba mata niya? Bakit?

"Earth on Rave! Wiwiwiw!" Nagulat ako kay Graeham. Pansin! Binatukan ko nga.

"Gutom na ko! Tagal naman ng serving dito" sabi naman ni Colin sabay sandal sa kinauupuan niya. Nag expect sila ng mabilis na serving e kung sa fast food chain nalang kasi kami.

" I heard Blaize is in Canada" that got my attention. Yung sinabi ni Hyde. Kung ganon di niya kasama kanina si Blaize. Bakit di niya ko pinansin? I mean, kumaway naman ako. Teka, bat ba affected ako. Baliw!

"It's your time para makausap siya. You know, about the situation. Maybe" suhestiyon naman ni Rook. Hindi, wag ka magpapadala sa sinasabi nila. Mas maganda kung formal na mapag uusapan.

"You look bothered? Kanina ka pa simula nang dumating tayo dito sa mall. Any prob?" Napabuntong hininga ako sa tanong ni Colin. Di agad ako nakasagot dahil dumating na yung foods na order namin. Pagka alis nung waiter ay saka ako nagsalita.

"I saw her earlier. Nabobother ako kasi di niya ko pinansin o di niya ata ako nakita."

"Damn! Are you really into her?" Di ko pinansin yung tanong na yun ni Rook. Don't ask me that because I don't know!

Colin chuckled.
"In denial pa ata. I thought you wanted to talk to her? Kelangan ba talaga personally? Sa school? When everyone is around?"

"I think it's better if personal. It's business matter after all" then he just shrugged at di na nakipag argue. Tuwing makikita ko siya lagi kong naalala yung nangyari sa Dungeon. Looking back, di ko ineexpect na siya at si Dark King ay iisa. From her name DK tsk. Medyo tanga lang.

Di naman ako nagalit nung nalaman ko na iisa siya at si Dark King. Natuwa pa nga ako. Bakit nga ba di ko napansin na pag may race si Dark King wala siya? Akala ko naman sobrang busy niya lang na tao. Before kami lumipat sa RU, I knew her and her group. Kilala ko na siya before everything happened. Dahil sa business, but not only that. I saw her before that made me like something I cannot explain. Baka may disorder na ko...

Kumain nalang ako baka maagawan pa, baboy pa naman si Rook pagdating sa pagkain. Matapos kumain ay binayaran namin iyon at lumabas na. Mga tinamad lang naman kasi sila magluto e kaya napagastos pa. Kuripot na kung tawagin wala naman problema don.

Nag aya sila sa kung san. Basta ako nakasunod lang. Pumunta kaya kami sa bahay nila? Ano naman sasabihin ko? Hindi, saka na. Kakausapin ka naman non pag kelangan na talaga. Baka mastress lang siya. Tama! Ganun nga.

Binilisan ko ang lakad at humabol don sa anim. May mga napapatingin sa gawi namin habang naglalakad. Maingay kami e. San ka nakakita lalaking magaslaw sa daan, I'm pertaining to Rook and Graeham. Makulit din naman ako, sobra. Wala lang talaga ko sa mood ngayon.

"Tara? Tara?" Ha? San? Nagtataka kong tumingin sakanila.

"Basta. Ako na magdrive" Colin said while grinning. Binigay ko naman yung susi at sumunod nalang sakanila. Pagkarating ng parking lot ay sumakay sila sa kotse ng di sinasabi sakin kung san pupunta. Napilitan nalang akong sumakay sa shotgun seat.

"Just chill at hayaan mo na si Colin ang maging driver ngayon. Relax at malalaman mo mamaya kung san tayo" yan ang sagot sakin ni Clarence. Eto luko luko din to e. Nakakatakot sila mag plano.

Yung mga ngiti nila putek. Habang nasa daan nagiging familiar sakin yung dinadaanan namin pero di ako umimik. Baka eto lang talaga yung daan sa pupuntahan namin. Kinakabahan talaga ko. Kinuha ko nalang yung cellphone ko at naglaro habang sila nagheheadbang sa pinatutugtog sa kotse. Mga adik talaga.

Game Consoles, Love Controls (On Going)Where stories live. Discover now