19.
Dk’s POVDi makapaniwalang napasandal ako sa swivel chair. Ako natalo? Totoo?
“Ano yon? Yun na yon Dk?” sabi ni Vj na nasa tabi ko.
“Wait, shut up. Ayaw mag sink in sakin” Sa totoo lang okay lang naman, pero may pustahan kami ni Rave at di ko alam kung ano yung kanya. Biglang nag ring ang phone ko na nasa table katabi ng computer. Dinampot naman ito ni Rocky.
“Si Rave” sabi nito. Nagtatanong mga mata nito kung sasagutin ba niya.
“Wag, wag muna. Mamaya, pakshet” napahagod ako ng buhok dahil sa mild frustration.
“Di ka naman nademote okay lang yan” sabi ni Blaize na sinang-ayunan naman nilang lahat.
“Walang kaso sakin e, kaso kasi” huminga ako ng malalim, wala naman nagsalita sakanila at parang nag aantay ng susunod kong sasabihin.
“May pustahan to e, we placed a bet” sabay sabay naman silang nagpapalatak, nakarinig ako ng “bakit mo ginawa yon”, “anong pumasok sa isip nitong batang to”, “teh okay ka lang ba ha”
Nang medyo tumahimik ay tinanong ako ni Blaize.
“Anong bet niya?”“Hulaan ko di niya sinabi, kasi gusto niya pag nanalo nalang siya saka niya sasabihin” para akong ewan na nakangiti ng pilit na tumingin kay Gab. At dahil don ay umangal nanaman sila. Isa isa ko silang tinignan. Si Rocky at Gab ay napakamot sa ulo. Si Kent ay napapalo sa batok niya. Si Vince at Alex naman ay sabay na napapailing.
Si Kc, AM, BA ay napaupo nalang sa sofa sa sala. Si CH ay nakakunot ang noo at parang nag iisip, si Vj naman ay may “unbelievable” look. At si Blaize naman ay hindi ko maipaliwanag ang tingin na ibinibigay sakin.
Nag ring ulit ang phone ko kaya lahat ay napunta ang atenttion doon. Bumulong naman si Vince na ‘wag na sagutin’.
“Sagutin mo pero nakaloud speaker” sabi ni Blaize.
“Ikaw na, sagutin mo di ako magsasalita” sinamaan ako nito ng tingin pero itinulak ko siya ng mahina palapit sa table at nanatili akong nakaupo sa swivel chair. Nag swipe ito sa phone ko.
May pinindot naman ito, narinig naming lahat ang pag hello ni Rave sa kabilang linya.
“So ako nanalo, tumutupad ka naman sa deal diba. Baka di ka nanaman magsalita e kaya sabihin ko na, 7pm. Saturday this week, no next week, I’ll pick you up sa mansion niyo. It’s a date”
Nanlalaki ang mata ko sa narinig ko. Date?
Sandali kalmahan natin ang kaganapan, isang linggo palang ang nakakalipas nung last race ko, si Saider yon, tas naconfirm na talaga na siya yon dahil sinabi ni mama na nakauwi na siya. At pagod na pagod na kong magpabalik balik sa company. Kakasimula palang ulit ng week kong ito at ineexpect kong maayos ko na within this week ang dapat gawin tas next week may what the fuck. Ano to schedule ng sari saring ganap?
“Date?”
“Thought you wouldn’t answer. Yep” nagulat ako kasi nagsalita pa si Rave sa kabilang linya.
“call you back, bye” inend ko ang alam. Rude na kung rude pero ayaw mag sink in.
“Pinanganak naman ako para mabuhay at maging masaya diba?” I asked randomly. Vj hummed.
“So choice ko naman kung tatanggi ako don diba?” sumigaw si Vince ng “hai”
“May more than one week ka pa naman. Maybe that’s why next week niya binalak” sabi ni BA.
Pinakiramdaman ko lit ang sarili ko, kinakabahan ako. Pero parang yun lang naman. Walang ‘doki doki’? Ata.
‘infatuation’, lol walang kahit ano. Imagination ko lang siguro yon. Inlove inlove daw e, masabi nga kay Vj. Mga eme eme nila.
YOU ARE READING
Game Consoles, Love Controls (On Going)
TeenfikceRoyal Fam? Kings? Is this a Royalties? No, they're more than that. They're teenagers. Teenagers? Yes, they race, they play games. Gamblers? *chuckles* No, they are just the brave ones that the fortune favors. "Audentis Fortuna Iuvat" Cover: Ap...