17.2
Dk's POVNakarating kami sa dungeon 20 minutes before the race. Pagdating namin ay naghiyawan ang mga tao. Nahiya ako bigla. Bumaba ako sa motor ko at lumapit kila Blaize.
Hinubad ko ang gloves ko sabay pinagkiskis ang mga kamay ko.
"Kinakabahan ka? Si Dark King kinakabahan?"
Umiling ako sa sinabi ni Vj. "No, boi ang daming tao. Ngayon lang naman ako magrace ulit after mareveal kung sino ako, si Dark King. Duh, nahihiya ata ako"
Tinawanan lang nila ko. Iniwan nila kami ni Blaize at pumunta sila sa upuan na nakasave para samin. Hinawakan ni Blaize ang balikat ko.
"Kalma. Si Dark King ka diba, ano naman kung nakilala ka na? Kunwari nalang kami lang ang nanonood ok?" Tumango tango ako. Naglakad kami papunta sa inuupuan nila. Nakita ko na kumpleto na rin ang Kings.
Nakatitig naman sakin si Rave, oo nakatitig. Hindi niya talaga inalis ang tingin niya sakin kahit na nakatingin na ko sakanya. Ako nalang ang umiwas ng tingin.
Habang nag iintay ng oras ay tahimik lang akong nakatayo sa harap nila. Nakatungo lang din ako, minsan pinagmamasdan ko yung mga tao sa dungeon.
"May suot kang contact lenses?" Tumango ako sa tanong ni Blaize. Umingay ang mic mula sa tower. Lumakas ang hiyawan ng mga manonood. Lumapit na ko sa motor ko. Nakita ko sa kabilang side yung mga kasama ng makakalaban ko.
Di ko sila kilala, pero ang sabi sakin nanggaling sa Italy yung kalaban ko at kilala siya don as the fastest racer or Raitoningu. Bat di ko siya kilala? Aware naman ako na may iba't ibang Rai in different countries. Pero may rankings kasi yun at nalalaman namin kung sino dahil kami ang nagpasimuno nito.
"Dk." Napalingon ako kay CH. Iniabot nito sakin ang tablet na dala dala niya lagi pag ganitong event. Nakalagay don ang information ng taong kalaban ko.
"Bilis a. Bat side profile yung pic?" Tinignan ko yung information na nakalagay tungkol sa kalaban ko. Patuloy naman sa pagsasalita yung nasa tower.
Lives in Italy for almost 10 years. A Kin and Raitoningu in Italy. Beats the late Rai and Kin last January and placed in rank 9. Newest member in the rankings. Real name, unknown. But known as Sai.
"Yes, Sai. Kaya ibinigay ko agad sayo ng mabasa ko yan"
It can't be the Sai we know. Kung siya man yon, dapat nacontact na niya ko.
"Baka kapangalan lang. Knowing Sai, hindi niya trip ang mga ganto. Moto Racing is not his style. Never naman siya nag kainterest sa ganto kahit nung bata pa tayo."
Pinabalik ko na si CH sa puwesto niya kanina. Sumakay na ko sa motor ko, nilingon ko naman yung kalaban ko. Nakahelmet na siya.
May something na nagtutulak sakin para iconfirm kung siya nga yung Sai na kilala ko. Yung Sai na kababata namin. But I heard the signal to start the race.
Sinuot ko nalang ang gloves at helmet ko. I started my engine. May pumwesto na babae ulit sa gitna. Naalala ko bigla yung nangyari nung last race ko.
The flags to start are raised. Pagkakababa non ay agad agad akong humarurot palayo sa starting line.
"Bat di ka ata nagbagal muna?" Narinig kong tanong ni Blaize sa kabilang linya.
"I didn't know him yet. And fudge! He's using a Kawasaki Ninja H2R with a top speed of 249mph"
Narinig ko naman na tumawa sila sa kabilang linya.
"But you're using your baby Suzuki Hay abusa with a top speed of 248mph. It's a one number difference"
YOU ARE READING
Game Consoles, Love Controls (On Going)
Teen FictionRoyal Fam? Kings? Is this a Royalties? No, they're more than that. They're teenagers. Teenagers? Yes, they race, they play games. Gamblers? *chuckles* No, they are just the brave ones that the fortune favors. "Audentis Fortuna Iuvat" Cover: Ap...