13.
Dk's POV"Naks, simple lang ata ng porma natin a" bungad sakin ni Kent pagpasok ko ng kusina. Wash Day ngayon, kaya pwede mag freestyle ang students ng RU even the college student sa kabilang bldg.
"Simplicity is beauty hehe. Ang cute kaya ng color nude pink hihi" bigla naman hinila ni VJ ang damit ko kaya natanggal ang pagkakatuck in nito sa harapan.
"Want that. Bat ang dami mong different kinds of nude colors" inayos ko naman ulit ang damit ko.
"Buy your own, bago ko pa nahanap to no. Pabili ka kay Gab" sabay nguso ko kay Gab, ngumuso din naman si Vj. Hahaha baka.
"Blooming" sabi naman ni KC, napa-ha naman ako sabay umiling ito. Nakisali nalang ako sa paghahanda ng pagkain namin. Napansin ko naman na tahimik si Blaize. Sinundot ko naman ito sa tagiliran pagkaupo ko sa tabi niya. Tumingin ito sakin sabay ngumiti.
"Dumb."
"Dumber" sabay tawa niya. Kinurot ko naman ito kaya nagsisigaw siya ng 'aray'
"Dkkk~" tinignan ko naman siya. Nagpapacute ang loko, pinakiramdaman ko naman bigla ang sarili ko. Normal naman ang lahat, bat ganun? Wala naman dugdug feeling. Aish, stop Dk.
"Problema mo? Dumb" sabay tusok sa noo niya. Habit niya ang magpalambing, e di naman ako marunong non kaya ganto ginagawa ko sakanya.
"Cute ako? Dumber"
Tinitigan ko siya. Inaantay ko ang dug dug feeling pero wala. Feeling ko abnormal na ang heartbeat ko.
"Yes, you are. Kaya kumain ka na kasi may pasok pa"
Lalo naman lumawak ang ngiti niya sabay kumain na ito. May mga ubo naman akong naririnig, kahit wala naman mga ubo. Hanggang sa may natuluyang masamid. Pinalo palo nila ang likod ni Vince.
"Bakero hahaha"
Hanggang sa natapos ang pagkain namin ay tinatawanan ko sila. Pagkatapos mag ayos ng sarili at ng bahay ay lumabas na kami.
"Magmomotor ako!" Sabi ko sabay harap kay Blaize. Sumeryoso ang mukha nito at ngumiti lang ako.
"Okay okay. Be careful. Wag kaskasero, wala ka sa race. And wear jacket at helmet"
Napapalakpak naman ako sa tuwa. Pinakita ko sakanya ang denim jacket na dala ko.
"Yes, may jacket po. Di po bibilisan" nakangiti naman akong lumapit sa isa mga black kong motorbike. Sinuot ko ang jacket ko atsaka isinakbit ulit ang backpack.
"Ayaw mong ako na magdala niyan?" Suggestion ni Blaize. Umiling naman ako. Ayoko naman iaasa ang gamit ko lalo na at mabigat ito ngayon. Dala dala ko ang laptop ko kasi balak ko ituloy yung mga di ko natapos sa office kahapon.
Sumakay naman na sila sa sasakyan. Umalis naman na kami at pumasok na.
Enjoy na enjoy ko ang pagdadrive dahil nafifeel ko yung fresh air.Nakarating naman kami sa school ng maayos. Pagkadating ko sa parking ay may nakasabay pa ko sa pagpapark.
Dugdug. Wait, what is this feeling? Eto nanaman yung feeling ko kahapon. Tinanggal ko naman ang helmet ko at bumuga ng hangin, parang nawawalan ako ng hangin.
"You okay?"
Dugdug.
Napatingin ako sa nagtanong. Si Rave, siya pala yung nakasabay ko. Nakamotor din ito.
Dugdug.
Napahawak naman ako bigla sa dibdib. Bat ang lakas? Takte, kelangan ko na ba mag pacheck up.
YOU ARE READING
Game Consoles, Love Controls (On Going)
أدب المراهقينRoyal Fam? Kings? Is this a Royalties? No, they're more than that. They're teenagers. Teenagers? Yes, they race, they play games. Gamblers? *chuckles* No, they are just the brave ones that the fortune favors. "Audentis Fortuna Iuvat" Cover: Ap...