21.
VJ’S POV
Tahimik kaming magkakaharap na nakaupo sa library. Napatingin ako sa lalaking prenteng nakaupo sa table doon. Wala pa kaming tulog lahat ng dumating siya. Balak na sana naming matulog pagkaalis ni Blaize, Dk at Vince papunta sa company, kaso nadelay pa.“Kuya Sai” tawag ni Kent kay Sai.
“Hmm? Bakit ba ang tahimik niyo? Di niyo ba ko namiss? Ako to si Saider, di niyo ba ko makilala?” walang sumagot samin, takot na baka mali ang isagot at baka sumbatan lang siya. Hindi ako mapakanali, I think I need to speak up.
“Things have doing fine here I think? Balita ko may nadismiss na employee sa isang araw si Diane” he grabs a book na nasa table na inuupuan niya.
“Kuya, wala si Dk dito ngayon. May inaasikaso ulit.” Diniinan ko ang bigkas sa pangalan ni Dk. Napansin ata nito ang pagdiin ko sa pangalan ni Dk.
“Para namang di ako welcome dito sainyo, atsaka I’ve been calling her Diane since ipanganak siya. Remember I was the first one who met her” sagot nito at matiim na tumitig sakin.
We can notice some changes sa ugali niya. Kuya isn’t like this nung una namin siya nakilala. He was a perfect kuya para samin lahat, not until lagi namin napapansin na si Blaize ang inaaway niya pag magkasama sila ni Dk.
“What’s the point of telling us kung sino unang nakakilala? Nagbabago ang kagustuhan ng isang tao, maybe for you it’s still fine na tawagin mo siya ng ganon pero pano naman kung di siya komportable diba. Lumaki tayong magkakasama and it’s your choice that you’ve left. Kaya madami kang hindi alam ngayon” nakatinging sagot ko sakanya. He laughed.
“Feisty eh? I see, I see. Madami pala ako dapat icatch up ano” tumango tango ito.
“Anyway, nagpakita ako kasi alam kong malalaman niyo din naman na ako yung nakalaban ni Diane- I mean DK nung nakaraan. So I decide to pay you guys a visit dahil napag alaman ko na sa iisang bahay lang kayo nakatira. I never thought na dadating kayo sa point na ganto, can’t resist each other eh?” May nakakaloko itong ngiti sa labi na parang nang aasar. Gusto ko burahin yon, bat ba kami nag aalangan sagutin to e nagbago naman na ang ugali nito.
“Also I have a little party para sa pagbabalik ko? And some sort of announcement or proposal para sa Shizuka” nakakunot ang mga noong tumingin kami sakanya.
“Oh? Di niyo pa alam? Di pa nasasabi ng magulang ni Dk? Well sige sabihin ko na kasi baka di kayo pumunta sa party kas-”
“Busy kami” putol ko sakanya. Hinawakan naman ako ni Gab at parang sinasabi na tumigil ako, binigyan ko naman siya ng tama-naman-ako look.
“Right busy, school plus the businesses. Right right, I understand. So I was saying, I proposed a quite of an agreement sa parents ni Diane and they haven’t properly answered me yet because they think that it’s up to you and Dk. I don’t understand kung anong connection non sainyo”
“Daming paligoy” sabay na sabi namin ni CH pero di kami pinansin ni Kuya Sai.
“As you can see di maiiwasan ang mga problems sa isang business and I wanted to help. And as far as I know wala siyang relationship which is good”
Parang alam ko na ang patutunguhan ng sasabihin niya at kinakabahan ko. I can’t be right, please no. Nakita ko na napatayo sa upuan niya si Alex na agad naman pinigilan nila kent at KC pero nanatili itong nakatayo.
May makabuluhang ngiti si Kuya Sai. “I proposed an arrange marriage for us. Well, sinasabi ko na sainyo kahit wala siya kasi ganon din naman malalaman din niya.”
“Stop, there is no such thing as arrange marriage that will happen” sabi ni AM. Tumayo na din ako sa kinauupuan ko.
“Apparently we’re in 21st generation and I suppose that you have lost your mind to comfortably decide and ask for an answer. At mukhang oo malaki ang connection nga samin yan, dahil si Dk ang pinag uusapan dito. She’s too young to be tied to someone and even to you. And also wala ka pa sa proper age. If you would please leave this mansion right now and for your information Dk is currently dating someone” I blurted out madly.
YOU ARE READING
Game Consoles, Love Controls (On Going)
Teen FictionRoyal Fam? Kings? Is this a Royalties? No, they're more than that. They're teenagers. Teenagers? Yes, they race, they play games. Gamblers? *chuckles* No, they are just the brave ones that the fortune favors. "Audentis Fortuna Iuvat" Cover: Ap...