14.
Rave's POV"May masaya ata" sabi ni Rook pagkadating niya sa sala. May bitbit itong bowl ng cheese balls. Di ko siya pinansin. Narinig ko ang pagtahol ni Milo, lumingon ako at tinawag ito. Dali dali naman itong lumapit at tumalon sakin.
"Milo, yang amo mo natututo na lumandi" binato ko ng unan si Rook pero nailagan niya ito. Tumahol naman si Milo na akala mo naintindihan si Rook. Nakatingin pa ito sakin.
"Sinabihan ko lang siya ng ómorfi̱. Wag ka magalit, tunay kasi yun" sabi ko kay Milo.
"ómorfi̱? Greek word yun a. Teka ano nga bang meaning nun? Hyde! Ano nga meaning ng ómorfi̱?!" Sigaw ni Colin pagkarinig niya ng sinabi ko. Sumagot naman si Hyde na nagluluto sa kusina.
"Beautiful!"
Napangiti ako. Buti nalang tama ako ng sinabing language kay Dk, di niya alam agad ang meaning.
"Woah! Ang tinde! Ano? Di ka na in denial?" Parang ewan na nangungulit si Rook. Di ko siya pinansin, patuloy lang ako sa paghimas kay Milo hanggang sa makatulog ito.
"Ano bang nangyari kanina? Bat namumula yun pagdating? Parang di siya okay tuloy nung uwian. Masyado siyang tahimik" tanong ni Colin.
"Di ko din alam kung bakit siya ganun na nung pag uwi. Magkasama lang kami kanina, tumambay sa secret garden. Nag usap, yun lang"
Yun lang. Oo Rave di mo sinabi na masaya ka sakanya. Hindi talaga. Napangiti nanaman ako. Naalala ko ang sinabi ko sakanya. Para na kong baliw.
'eímai charoúmenos mazí sou' (I'm happy with you)
"Ahh! Nababaliw na siya!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Graeham, nakaturo pa ito sakin at nakatakip ang isang kamay sa bibig.
"Di yan nababaliw. Kinikilig lang"
"Magtigil ka nga Rook. Kanina ka pa a. Makakatikim ka talaga sakin ng sapak tamo" itinaas ko pa sa ere ang kamay ko.
"Chill chill. Di na mabiro e hahaha" di ko na siya pinansin. Ibinaba ko si Milo sa higaan niya. May naisip akong gawin dahil di ako mapakanali. Kinuha ko ang susi ng motor ko.
"San ka punta gabi na, magdinner na din tayo" sabi ni Hyde paglabas niya ng kusina.
"May pupuntahan lang ako saglit, babalik din ako agad" lumabas agad ako ng bahay para di na sila magtanong pa.
Third Person's POV
Nasa sala ang buong RF at nanonood ng movie. Kanya kanya naman sila pwesto don. Tumayo si CH para kumuha ng di niya alam kung pang ilang batch na ng bowl ng kinakain nila.
Pabalik na dapat siya sa sala ng mapansin ang monitor na nakakabit sa divider sa kusina. Napabalik siya doon para tignan.
"Hmm. Sino ka? Lapit pa sa cctv mg mamukhaan kita" sabi nito.
"CH asan naa!" Sigaw ni Vj mula sa sala.
"Teka! May umaaligid sa labas ng mansion!" Bigla naman nagkaroon ng mga yabag papasok sa kusina. Pumasok ang mga kanina lang ay nasa sala.
"Sino yan?" Tanong ni AM pagkakita sa monitor. Umiling naman si CH. Samantala napatitig naman si Dk, bigla itong napahawak sa may parte ng puso niya.
"What the. Anong ginagawa niya dito?" Tanong ni Dk.
"Nakilala mo? Di pa na nakakalapit sa cctv e!" Sabi naman ni Vj.
"Si Rave yan" seryosong sambit ni Blaize. Kanya kanya naman gulat na reaksyon ang ibinigay ng mga ito. Napatingin si Vj kay Dk na hindi mapakanali. Tumakbo si Dk palabas ng kusina.
YOU ARE READING
Game Consoles, Love Controls (On Going)
Novela JuvenilRoyal Fam? Kings? Is this a Royalties? No, they're more than that. They're teenagers. Teenagers? Yes, they race, they play games. Gamblers? *chuckles* No, they are just the brave ones that the fortune favors. "Audentis Fortuna Iuvat" Cover: Ap...