Game 15:

24 3 0
                                    

15.
Dk's POV

"Wala e Dk yan e, kahit di makinig wooh!"

Kung ano ano nanaman sinisigaw ni KC pagkalabas nung prof namin. Napilitan ako tanggalin ang earphones ko, napagsabihan na ko ni Blaize e.

Nasa mood ako, nung dumating lang talaga sa school ay saka lang ako nag seryoso. Gusto kong iignore yung nakakabother na feelings sa baby heart ko. Di ako naniniwala kay Vj, baka jinojoke lang ako.

"Umiiwas ka no?" Nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay Vj dahil sa binulong niya. "Di a! Parang ewan to"

"Hoy! Ano yan ha. Share share, chika niyo naman din samin yan" 

Umiling ako sabay turo kay Vj. Bala siyang tanungin nila AM, kung ano ano kasi sinasabi ih. Tumungo nalang ako sa table ko.

"Hoy. San mo nakuha sagot mo ha. Binulungan ka siguro ng mga katabi mo" ang kulit. Sinusundot ako ni KC sa tagiliran kaya napatunghay din ako ng di oras dahil sunod sunod ang ginawa niya.

Nakapikit akong humarap sakanya. "Walang bumulong sakin. Nabasa ko na kasi yon. Napaka kulit mo aa"

"In love ka?" Napamulat ako sa tanong na yon. "Ha?!" Gagi, parang ewan talaga e. Napatingin naman ako kay Blaize na tahimik lang.

"Ano nahawaan ka na ni Rocky sa katahimikan?" Tumawa naman ito. Lah, nababaliw na den.

"May iniisip lang hahaha" inilapit ko ang upuan ko sakanya. Sabay patong ng ulo sa balikat niya.

"Ano yun? Share mo naman, ayoko makipag usap sakanila. Maingay masyado"

"Maingay ka din naman a"

"No, di naman ganan no"

Si KC nakatayo at nagkukwento habang may actions. Sila CH na tawa ng tawa. May times na ipapaulit yung action kaya di natatapos ang usap nila. Kaya ayun ang ingay nila nangingibabaw. Natawa naman siya.

"Buti natiis mo kami nang ganto kami no. I mean you can choose nung lumaki tayo pero nag stick tayo lahat together" Ang random ng sinabi ko pero napaisip lang ako.

"I have my reasons to stay. Atsaka di naman na kasi kaibigan ang turing ko sa grupong to. This is what I call family.  Simula pagkabata, magkakasama na tayo. Di pa ba ko masasanay sainyo?"

Sabagay. Tama naman siya. "Sabi mo reasons, ano ano naman yun?"

"Secret. Para sakin na yun baka matouch ka masyado at matuwa sila."

"Tss. Madaya ka naman e. Di ko naman sasabihin sakanila e" umayos ako ng pagkakapatong sa balikat niya at pumikit. Nakakaantok.

"Makakatulog ka na niyan?"

"Ako pa ba. Syempre naman kaya obligado ka na bantayan ako ha. Baka mamaya mapicturan ako ng mga luka at lukong isip bata"

"Sige ako bahala sayo. May bayad to ha. Hahaha" tsk, buraot. Di nalang ako sumagot. Nararamdaman ko na medyo nalikot si Blaize pero di ako nagreklamo baka pinapatahimik sila KC.

"Blaize"

"Oh? Bakit? Maingay pa ba sila?"

Kumapit ako sa sleeve niya. "Bat wala ka pang girlfriend? Kayo?" He stiffed. Then he chuckled. "Machi (waiting)"

"For? Someone?"

"Hmm" hinimas ng free niyang kamay ang ulo ko. Inaantok na ko lalo. "Can be someone or for the right time"

"Paano mo malalaman yung right time?" Napapahikab na ko. Narinig ko na vacant naman kaya di na ko papatalo sa antok.

"Di ko din alam. Just sleep. Inaantok ka na oh"

Game Consoles, Love Controls (On Going)Where stories live. Discover now