Game 20:

6 0 0
                                    

20.
Vj’s POV

Nakaupo kaming lahat sa sala except kay Dk at Blaize na nasa kwarto sa taas. Matiim kong tinitigan ang bisita namin.

“Pumayag ba si Dk?” bulong sakin ni CH. I shrugged, ang alam ko walang sagot si Dk. Isang linggo ang nakakalipas nung may tinawagan ng lalaking ito si Dk at sinabing magdate sila. Support naman ako kung gusto ni Dk si Rave, magagawa ko diba. Pero as nakakatanda sakanya, gusto din namin makasigurado no.

Pero iniwasan kasi talaga ni Dk si Rave, ewan ko dun sa batang yon kung bakit. Ayaw niya din sagutin ang tawag nung isa, kaya laging naka off ang phone. Bakit hindi nalang niya kasi sabihin na ayaw niya.

Nakarinig kami ng yabag na pababa ng hagdan.

“Look, I didn’t answer okay”

“Nagtatalo ba sila?” sabi ni BA. Napatingin kaming lahat sa hagdanan at nakita namin na parang may sagutan nga yung dalawa.

“But he’s here. Ayan oh, inaantay ka” turo ni Blaize sa pwesto ni Rave. Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Dk.

“Wait here, may kukunin lang ako” sabi nito kay Rave. Tinapik naman niya si Blaize at umakyat ulit sa taas.

“Anong oras mo balak iuwi si Dk?” agad na tanong ni AM pagkaalis ni Dk.

“She must be here ng 9pm. Di siya pwede magpagabi” sabi ni Blaize pero hindi ito nakatingin kay Rave.

“Wait she can decide for herself right?” sagot ni Rave, may point naman siya. Pero ano naman gagawin nila sa labas? Hanggang anong oras niya balak.

Nakababa na ulit si Dk at nakasimpleng tshirt at pantalon lang ito.

“I don’t have time to change, I’ll be back at 9. Pronto”

Vince and Kent snickered. Mga sira talaga. Inaya naman ni Dk si Rave, parang hindi magdadate e. Nakaayos yung isa tas si Dk nakaganon lang.

“Rude Dk rude” bulong ni Vince pagkaalis nung dalawa sa sala. Narinig namin ang pag alis ng kotse nila.

“May gusto ba talaga si Rave kay Dk?” tanong ko sa mga lalaki. Sinamaan naman ako ng tingin ni Gab, na binalikan ko din naman ng sama ng tingin.

“Ako Gabriel wag mo sasamaan ng tingin, nagtatanong lang ako ha” napakamot naman ito sa ulo niya.

“Ohh under” sabi ni Alex, binato naman siya ni Gab ng unan.

“Alam mo pag kasi kaming mga lalaki gusto ang isang babae ginagawa namin lahat, e in his case mukhang yeah gusto niya nga si Dk. Yun lang di ko alam kung gaano kalalim, though wala naman talaga batayan kung gaano mo kagusto ang isang babae e. ang problema lang natin” tinapik ni Vince si Blaize na katabi niya.

“Itong lalaking to na hindi baga umamin nalang kesa magstay sa “sweet  but with no label” zone, ang gulo gulo niyo din kasi e. Alam naman nating lahat except kay Dk na gusto mo siya. Manhid ata ang Dk natin e” napasandal si Vince sa sofa.

Napaisip din naman ako. Ang last lang na nalaman namin, si Dk may kakaibang feeling pag nakikita si Rave pero hindi na niya ulit nasabi yon. Hindi kaya nanibago lang siya kaya ganon? Pwede, kasi kung tutuusin lumaki kaming magkakasama at malimit makisalamuha.

“Huy ang lalim ng iniisip mo” nagulat ako kay Gab na nasa harapan ko, di ko napigilan itulak ang mukha niya.

“Ano namang ginagawa mo ha? Parang baliw e” ngumiti ito sakin. Ano ba namang ngiti yan! Peste talaga, di nanaman ako makakalma.

“Umalis na nga ang may lovelife dito, please lang” sigaw ni Kent na may tingin na akala mo nandidiri. Sabay namin siyang binato ni Gab ng unan.

Game Consoles, Love Controls (On Going)Where stories live. Discover now