Game 16:

30 2 0
                                    

16.
Third Person's POV

Nag gather ang mga babae ng RF sa studio room ng mansion. It's a girl's day, sabi nga nila. Ang mga boys ay may kanya kanya rin na ginagawa since its a weekend.

Inaantay nilang pumasok si Dk sa pintuan. Siya nalang kasi ang kulang at siya kasi ang pinaka dapat nandoon.

"Madami daming ipapaliwanag ang batang yun" sabi ni AM. Tahimik naman si Vj dahil may alam siya kahit kaunti.

Dumating si Dk kaya natuon ang atensyon ng lima sakanya. "Woah, what's up with you guys?"

"Bilis upo. We need to talk"

Napabuntong hininga nalang ang pinaka bata at walang nagawa kung hindi sumunod.

"Can you explain yung mga kaganapan nung isang araw? Bat ganon si Rave? I mean ikaw bat ganon ka din? May alam ka ba na hindi namin alam?" Panimula ni AM.

"Kalma. Nakakapressure kayo e. Ganto kasi, di ko naman siya iniiwasan. May iniiwasan ako dito" sabay turo ni Dk sa puso.

"Woah woah woah. Teka! Paano nangyari yon?!" Si KC na nakatakip pa ang kamay sa bibig. Napailing nalang si Dk.

"I don't know. Basta ang alam ko I have this weird feelings simula nung nakasama ko siya. No, scratch that. Sinula nung pumunta akong school galing office. Then nung pinag pair kami sa research. The heart beats, yung mga nagpaflutter sa stomach ko. It's weird. Yung parang tuwing didikit siya sakin may high voltage ng kuryente. Nakakatakot"

"Dalaga ka na" sabi ni CH. Umirit naman si KC bigla. Pinatahimik nila agad iyon.

"Takte, wag. I mean don't say those things. Baka kasi mamaya its just an infatuation. Baka mamaya dahil di lang ako sanay sakanya. We just met. Ngayon lang kami nagiging close. It's impossible. Kaya no, walang lokohan or mang aasar. As of now, nacocontrol ko naman na yung nangyayari sakin"

"Hmm. Bakit? Bakit ayaw mo? May reasons ka siguro para labanan yang feeling mo no?" Taas babang kilay na tanong ni BA.

Hindi agad nakasagot si Dk. Napaisip ito, bakit nga ba? Reason?

"Ay, ano ba yan ha-ha. Kelangan ba ano, may reason ako ha-ha" kakaibang tingin ang ibinigay ng iba sakanya.

"E san kayo nagpunta ni Blaize?"

"We just roamed around Tokyo. It's Blaize after all. Walang issue sakanya yung date na ginawa namin. And hep" pigil agad niya nung makitang magrereact ang mga kasama niya.

"No malice. Walang ibang meaning. No issue. Zero. Nada. Nil. Kaya stop thinking anything okay?"

Di naman sila sumagot pero ang mga ngiti nila ay may kahulugan.

"May ishiship tayo. Hay, dalawa pa"

Napaisip si Dk sa ishiship. Akala niya ay may ipapadala lang sila pero hindi. Ishiship siya sa dalawang tao, mga baliw. Sa isip isip niya.

Nagvibrate ang phone niya. May nagtext. Unknown number

'Hey'

Napakunot nalang ang noo niya at hindi pinansin ang text. Ibinaba niya nalang ulit ang phone sa sahig.

"Kukuha lang ako ng pagkain sa baba"
Di na niya inantay ang mga ito na sumagot. Nang makarating siya sa ibaba ng hagdan ay nakita siya sa sila Blaize.

"Yow! Kumain na kayo?"

"Nah, busog pa ng umagahan. Ikaw? Gutom ka na ulit?" Tanong ni Blaize. Tumango naman si Dk.

"Medyo. Tsaka nakakaloka kasi sila. Parang mga ewan"

"Ano kamusta usap niyo? Need back up?" Sabi naman ni Vince. Natawa naman si Dk. "Di na. Ok naman na. Magsasabi ako pag niloloko nila ako. Kukuha ako ng foods, may ipapakuha ba kayo?"

Game Consoles, Love Controls (On Going)Where stories live. Discover now