Game 11:

21 5 0
                                    

11.
Third Person's POV

"Blaize!" Sigaw ni Dk pagkakita kay Blaize na pumasok sa pintuan ng cafeteria. Tumayo ito at tumakbo habang nakadipa ang mga kamay.

"Ah ah mukhang ewan e" komento ni Vj habang nakatingin sa ginagawa ni Dk.

"Blaize! Huhuhu!" Sambit ni Dk pagkalapit dito sabay yugyog sa katawan ni Blaize.

"What the? Akala ko yayakap kaya nakaganon" di makapaniwalang sabi ni Rocky.

"Teka. Kalma. Aray" pilit na pinipigilan ni Blaize si Dk sa pagyugyog sa katawan niya. Nahawakan nito iyon sa braso kaya natigil pero natawa siya dahil sa itsura nito.

"Ang bully nila! Tulungan mo ko! Huhuhu!" Nakanguso ito at para bang batang umiiyak. Ginulo niya ang buhok nito habang nagtatawa.

"Para kang ewan tara na don hahaha" hinila na ito ni Blaize papunta sa table nila. Hindi naman lumayo si Dk sa side niya dahil nga binubully daw siya ng mga kasama.

"Ayan sila! Lagi nalang! Isang linggo na nila kong inaaway! Blaize, leader nila ko pero di nila ko nirerespeto. Alam mo yon! Huhuhu!" Natatawa lang sila sa inaakto ng pinakabata. Kahit ang Kings dahil para talaga itong batang nagsusumbong sa kuya niya.

"Don't use your authority against us. Mas matanda kami sayo! Bleh!" Sagot ni CH. Kaya lalong umingay si Dk.

"Waah! Nakita mo na! Heh! Don't use your age against me! Yari ka kay Blaize!" At patuloy itong ngumawa. Sinubuan nalang nila ito ng pagkain para matigil.

Si Blaize ay di mapigilan ang tuwa dahil namiss niya ang kalokohan ng mga kaibigan niya. Habang pinapanood ang mga ito kung paano magtalo ay kumakain lamang siya. Late ito pumasok dahil nagpahinga pa ito. Kararating lamang nito kagabi at di na nakausap ang mga kasama sa bahay dahil sa pagod.

"Baka naman may pasalubong diyan oh!" Kantiyaw ni Kent dito. Napailing nalang siya at kinuha ang backpack.

"Yown!"

Inilabas ni Blaize ang mga binili niya.

"Ewan ko ba sainyo. Nakakapunta naman kayo don pero lagi kayo nagpapabili ng mga kung ano ano."

"Because it's much more exciting pag bili ng iba!" Dk exclaimed. Sumang ayon naman yung iba. Di niya makuhang makipagtalo sa mga ito. Medyo madami yung binili nito dahil nag request si Dk na pati daw Kings ay ibili dapat nito. Nung una ay nagrereklamo ito dahil mayaman naman sila at kayang bumili ng kung ano man ang gustuhin ng mga iyon. Yun ang rason ni Blaize pero kumontra lang si Dk. Sabi nito ay dapat maging magkasundo silang mga lalaki.

"Panay pagkain 'to. And the some of the souvenirs ay nasa bahay. Pumunta nalang kayo sa bahay mamaya" napapakamot na sabi ni Blaize kila Rave.

"Nakakahiya naman, damay pati kami" Sabi ni Rave. Dk shushed them.

"I insisted! And mehehe just wait may magaganap ngayon in 5,4,3,2"

Biglang may umingay sa intercoms ng school.

"The professors will be having a meeting. An academic meeting for the upcoming academic activities. Please be guided that no one will remain here at the University according to Ms. Shizuka. You can go now after the announcement. Arigato Gozaimas! Have a nice day." Then intercoms went off. Narinig ang mga konting pagsasaya ng mga students ng RU.

"Bat di mo sinabi?! Edi dapat di na tayo pumasok!" Reklamo ni VJ kay DK.

"Heh! Kanina ko lang din nalaman no. Late nainform sakin" tumayo si Dk sa pagkakaupo at isinakbit ang bag.

"Tara tara tara na!" Excited nitong sabi.

"San? Kakadating ko lang uuwi din pala ko. Di mo sinabi sakin" reklamo ni Blaize.

Game Consoles, Love Controls (On Going)Where stories live. Discover now