Game 6:

32 2 0
                                    

6.
DK's POV

Weekend came. Pero hindi rest ang weekend sakanila, sakanya. Kahit na panay vacant sa school e nakakapagod pa din dahil sa dami ng isipin na meron ako.

"Lady DK, malapit na pong dumating ang parents niyo" sabi nung isang Filipino maid namin. Tinanguan ko lang siya at pinalabas. Ngayon lang sila makakauwi dahil madami silang inayos overseas. Pagdating nila ay pag uusapan namin yung nangyari sa RU.

"DK, you okay?" Sabi ni VJ na hindi din halos mapakanali.

"Ayos lang. Nag iisip isip lang"

Maya maya lang ay narinig namin ang sunod sunod na pagparada ng sasakyan sa labas. Kasabay non ang pagpasok ng maids sa library para ihain ang mga pagkain. Meeting to but with feast.

Nakakatawa lang isipin dahil may mga nakahandang pagkain lagi pag ganto. Parang ito yung pang tanggal tension. Filipino dishes pa, occasionally lang talaga yung ganto. Pero hindi ko siguro ganon maeenjoy to.

"Asan ang mga bata?" Narinig ko si Mama. Tumayo na ako sa inuupuan ko para salubungin ang pagpasok nila. Bumukas ang pintuan ng library. Aakalain mong dumating ang Olympian Gods and Goddesses sa pagpasok nila. But instead of twelve, doble ang pumasok. Kumpleto ang magulang naming lahat.

Nagbow kaming lahat. Ang seryoso nila masyado. Siguro dahil na din sa pagod.

"Sit down" sabi ni Dad.

Umupo na din sila. Nakita kong hinilot ni Mama ang sentido niya.

"So about RU, Shizuka ang files?" Iniabot ko kay Mama ang files, including the financial statements.

"Are you sure na wala kang ibang pinag gagamitan ng funds ng school niyo?" Tanong ng Dad ni Blaize pagkakita niya ng reports. Kahit ako naguguluhan na.

"Wala po. And if meron dumadaan po muna ito sakin or samin bago iprocess at gastusin"

"Then bakit kelangan tumanggap ng school ng worth 100million pesos kung sobra sobra naman pala ang pumapasok na funds from you?" Pagtatakang tanong ni Tita Hoshino samin.

Walang nakaimik dahil hindi din namin alam. Madami din akong tanong kung bakit at para saan ang donation na yon? Bakit hindi man lang nagtaka ang mga Kings na ganong kalaking pera ang ipapasok nila when in fact RU is a known school. Okay lang sana kung company lang, pero pati school nadamay.

Lumipas ang oras na nag uusap usap lang sila kung ano bang dapat gawin. It's a small problem for them dahil madami naman sila. Pero may involve kasi na ibang tao. When it comes to businesses kelangan nilang maging wise katulad ng parents nila.

"Diane. The last time I went to your company it was fine. But then, I've received your Secretary's report na inutos mo. Bakit biglang bumababa ang stocks mo? May nag pull out na din na ibang stockholders. Napapabayaan mo ba ang company mo?"

Napabuntong hininga nalang ako. Isa pa tong kumpanya ko. Bigla nalang bumaba ang stocks. Na nakakagulat dahil ang ayos ayos naman nang pagpapatakbo ko dito.

"Don't worry Ma, Dad. I'll fix this problem. As soon as possible."

Tumango naman ang mga ito.
"We're not pressuring you dahil alam naman namin na nag aaral pa kayo. But be wise and attentive. Baka mamaya nasa paligid niyo na yung nangloloko sainyo. You have our trust. Atsaka di naman namin kayo pababayaan. Mga anak namin kayo."

Kanya kanyang bigay naman ng payo ang bawat magulang namin na ikinagaan naman ng loob ng lahat.

Pero kahit na ganoon hindi siya titigil hanggat di maaayos ang problemang ito dahil baka hindi niya alam may gumagalaw na pala sa likod niya ng di nila alam.

Game Consoles, Love Controls (On Going)Where stories live. Discover now