Game 17:

24 0 0
                                    

17.
Dk's POV

"Dk!"
My friends entered in my room kaya halos masira yung pinto sa pagkakabukas nila. Nakahiga lang ako sa kama at tinignan sila.

"May motor race ka mamayang gabi?!" Nakapamewang na tanong ni Vj. Tumango naman ako at ibinalik agad ang tingin sa nilalaro ko sa phone.

"Hoy bata ka!" Palo ni Vince sa braso ko. Napangiwi naman ako sa ginawa niya.

"Bakit? Sakit non aa. Ngayon lang ulit ako kakarera after nung incident no" hinimas himas ko naman ang brasong pinalo ni Vince.

"Di mo man lang kami sinabihan" napaismid naman ako bigla sa sinabi ni Blaize.

"Sasabihin ko naman right after I got the call. But someone is eavesdropping. Right Alex?"

Napaiwas naman ng tingin si Alex. Tinapos ko naman yung nilalaro ko sabay tayo sa kama.

"Manonood ba kayo?"

"In exchange?" Napabuntong hininga ako.

"Dinner treat after the race"

Napangiti naman si Vj sa sinabi ko. Kanya kanya pa sila high five sa isa't isa.

Bigla naman nag ring ang cellphone ko.

"Aish! Sino ba itong hayop na to? Kahapon pa to nagtetext at tawag e!"

Pinulot ko iyon sa kama at sinagot. Niloud speaker ko yung tawag.

"Hello?!"

"Uh. Dk?"

Tahimik lang kaming lahat. Tinignan ko yung number pero unknown.

"anata wa dare desu ka? (who are you?)"

Malalim na hinga ang naririnig ko sa kabilang linya.

"Its Rave"

Natigilan naman ako. Nakita kong sumenyas si Vj na wag kong papatayin ang tawag or ioff ang loudspeaker. Napangiwi naman ako. Chismosa.

"I have been calling and texting you since yesterday pero di ka nasagot. Are you busy?"

Napakunot ang noo ko, unti unti kong inalala ang mga tawag at text message na natanggap ko kahapon.

"Ikaw pala yon? Ah haha kala ko kung sino. May kailangan ka ba?"

Di ko alam kung yung mga tingin ba nila e may meaning o sadyang nakikinig lang sila dahil sa kuryosidad.

"Uhm. Research? Ngayon sana kung di ka busy"

Nakita kong sasagot dapat si Kent pero napigilan ito nila Vince.

"Sige, pumunta ka nalang dito sa bahay after 1 hour. Di tayo papaabot ng gabi may race ako e"

"Sige. See you later"

Di na ko sumagot at binaba ang tawag. Sinimangutan ko ang mga kaibigan ko. Kakaibang tingin kasi yung binibigay nila.

"Labas na, magbibihis ako. I'll be back an hour before the race. Sabay sabay nalang tayo pumunta."

Ipinagtulakan ko na sila palabas. Bago makalabas si Blaize ay hinila ko ito.

"Aalis ako. Sa orphanage kami pupunta. I'll just text you pag pauwi na ko" sabay tulak sakanya palabas at sarado ng pinto.

Di ko din alam kung bakit nag paalam ako. Bakit nga ba Dk? Naguguluhan din ako sa mga ginagawa ko this past few days.

"Hay nako Dk. Magbihis ka na nga"

-

"Lady Dk, may naghahanap po sainyo."

Sinenyasan ko naman ang maid namin na papasukin iyon. Baka si Rave na. Nasa kusina ako, nagutom ako pag iintay. Paglabas ko ng kusina nakita ko si Rave na nakaupo samantalang sila AM ay nakatayo.

Game Consoles, Love Controls (On Going)Where stories live. Discover now