*PROLOGUE*

12.6K 308 7
                                    

Prologue

"Guys, mauna na ko sa inyo" paalam ko sa mga classmates ko.

"Okay, ingat ka" ngumiti lang ako at tumalikod na.

Hindi na bago sa akin ang maglakad mag-isa tuwing gabi, pagkatapos ng klase. Nasanay na rin ako simula nung nalipat ang scheduled ko sa panggabi.

Ang ganda talagang titigan ng mga bituin, para silang mga diamond na kumikinang. Haaaay~ gusto ko silang makita ng malapitan.

"I LOVE YOU STAAAAAAAAAAAARS" sigaw ko habang nakatingala at nakangiti

"Shhhhhhh! Gabi na" napalingon ako nung may nagsalita sa likod ko. Pagtingin ko isang matanda. Gabi na, ba't hindi pa sila umuuwi?

"Lola bakit nasa labas pa po kayo? Gabi na ah" lumapit ako. Si Lola bigla-bigla na lang nagsasalita buti wala akong sakit sa puso kundi nasapak ko na 'to ng wala sa oras. Tsk!

"Bakit po Lola?" nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Iha mag'iingat ka kapag ika'y umuuwi. Lagi siyang nakamasid sayo kahit saan ka naroroon. Kahit ang galaw at kilos mo binabantayan niya. Hinihintay niya lamang ang tamang panahon at kapag dumating na ang takdang panahon na iyon hindi ka na niya pakakawalan pa. Ang katawan at kaluluwa mo nakatali na sa kanya, wala ka ng magagawa para takasan eto maliban na lamang sa isa. Ngunit wala itong kasiguraduhan. Ingatan mo ang katawan mo." napatulala ako sa mga sinabi ni Lola. Katawan at kaluluwa ko? Hinihintay niya lang ang tamang panahon? Kelan naman yun? At maslalo akong naguluhan sa huli niyang sinabi. Naka drugs ba 'tong si Lola. Kung ano-anong pinagsasabi wala naman akong naiintindihan.

"Lola hindi ko po kayo naiintindihan. Saan ba ang bahay niyo?" mahinahon kong sabi. Baka sampal ang maabot ko sa kanya kung sigawan ko siya.

"Basta mag-iingat ka iha!"

"mag-iingat ka"

"mag-iingat ka" paulit-ulit niyang sinasabi ang linyang iyon habang naglalakad palayo sa akin. Nakadrugs nga talaga si Lola. Kawawa naman.

Walang taong may pagmamay ari sa akin maliban na lang sa taong magugustuhan ko at mamahalin ko.

---

Hope You Enjoy Reading ^O^

I'm Meant To A Wolf (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon