Chapter 20: I'm Meant To A Wolf

2K 40 2
                                    

✶ I'm Meant To A Wolf ✶

♚♚

TWENTY

♚♚

"Odessa Pov"

"Zachael?"

"Odessa"

Napaatras ako ng makita ang presensya niya.

"Anong ginagawa mo dito?" sambit niya. Napaiwas ako ng tingin at nag-isip ng idadahilan.

"A..ahm pa..paano mo alam na nandito ako?" utal kong tanong sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Kahit madilim sa kinatatatuyan namin naaaninag ko ang puti niya at ang kagwapuhan ng mukha niya. Sa tagal ko siyang nakasama ngayon ko lang siya napuri na bukal sa kalooban ko.

"Paglabas ko ng bahay alam ko sinusundan mo ko" diretso niyang sabi. Kung ganun kanina niya pa alam na nandito ako at higit sa lahat alam niyang pinakikinggan ko sila?

"So alam mong naririnig ko lahat ng pinag-uusapan niyo?"

"Siguro" kibit balikat niya.

"Hindi ka galit?" tanong ko.

Umiling siya at unti unting ngumingiti "Ano naman ang ikagagalit ko dun? Dapat nga maging masaya pa ako" napa-iwas siya ng tingin habang napapangiti.

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Ano naman ang ikinasasaya niya dun? Dahil ba sinundan ko siya?

"Anong rason bakit nakangiti ka ngayon?" tanong ko habang nagtataka sa itsura niya na ang ganda ng ngiti.

"Kasi lahat ng mga sinasabi ko sayo totoo walang halong biro.

Natameme ako sa sinabi niya. Lahat ng pinag-usapan nila ng Ama niya ay bumabalik sa utak ko. Kung paano niya sabihin na mahal niya ako. Na hindi siya basta basta susuko. Kahit ang kapalit ay ang pagiging Alpha niya.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ko nang bumalik na sa ulirat ko. Naglakad na siya palayo sa akin.

"Uuwi na" sagot niya ng hindi lumilingon sa akin at patuloy pa rin sa paglakad.

Napatingin ako sa paligid at nakaramdam bigla ng takot. Walang tao baka may mas halimaw pa dito kesa kay Zach na nang iiwan.

"HINTAYIN MO KO" sigaw ko at nagmamadaling pumunta sa kanya.

Huminto naman siya at lumingon sa akin.

"Ang layo kasi ng iniisip akala ko dun ka na titira" natatawa niyang sabi. Tingnan mo 'to pagtatawanan pa ako.

"Hindi mo kasi sinabi na aalis ka na. Naiwan tuloy ako" seryoso kong sabi. Kitang iniintindi ko pa lahat ng sinabi niya kanina tapos mang-iiwan na lang basta basta.

Umupo naman siya pero hindi nakasayad sa lupa nakasuporta ang paa at tuhod niya.

"Salabay ka na" alok niya. Hindi ako gumalaw.

"Sakay na baka may poging halimaw pa dito agawin ka pa niya sa akin" napangiti naman ako sa sinabi niya at sumakay na. Nakakatakot nga baka may poging halimaw dito.

"Ikaw lang kilala kong poging halimaw" bulong ko.

"Alam ko. Nag-iisa lang naman akong pogi" nanlaki mata ko sa sinabi niya. Hala! Narinig niya ako?

Nasapo ko ang noo ko ng mapagtantong lobo nga pala siya at malakas ang pandinig.

Malamang abot langit ang ngiti niya ngayon habang naglalakad.

"Bakit mo nga pala ako iniwan kanina?" Tanong ko nang maalala na bigla na lang niya akong iwan at hindi ako inalok na uuwi na siya.

"Ikaw bakit mo ko iiwan?" balik tanong niya sa akin. Napakunot noo ako sa tanong niya. Seryoso ba siya?

I'm Meant To A Wolf (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon