Chapter 17: I'm Meant To A Wolf

1.8K 45 1
                                    

✶ I'm Meant To A Wolf ✶

♚♚

SEVENTEEN

♚♚

"Odessa Pov"

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kung saan ko pwedeng ialis ang galit ko kay Zach. Paano niya nagawang linlangin ako. Itago ang tunay niyang pagkatao. Isa siyang lobo- halimaw.

Pinakiramdaman ko ang tibok ng aking puso at hanggang ngayon hindi pa rin ito humuhupa. Parang nakikipag karerahan, sobra nitong bilis.

Huminga ako ng malalim at tumingala para pakalmahin ang puso. "Sige na kahit ngayonq lang. Maging normal ka naman sa pagtibok. Makiayon ka sa sitwasyon ko"

Minuto ang lumipas hindi pa rin nagbabago. Mabilis pa rin ang pagtibok. Nararamdaman ko pa rin ang inis at pagkamuhi ko kay Zachael.

Inikot ko yung paningin ko sa paligid. Baka sinundan niya ako kaya ganito na lang kung tumibok yung puso ko. Nagiging abnormal lang naman ito sa pagtibok kapag magkasama kami o kaya sa isang dahilan na hindi ko maipaliwanag. Napakaimposible kung dahilan ay gusto ko na siya. Hindi pwede.

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad at nakita ko na lang ang sarili sa harap ng apartment ni Mace. Pangalawang beses ko na 'tong pumunta sa kanya na umiiyak. Sana nandito siya. Kailangan ko nang pag aalisan ng sama ng loob.

Lumapit ako sa gate at nanginginig na pindutin ang doorbell.

"Sana nandito ka" inayos ko yung buhok na humaharang sa basa kong pisngi at nagdoorbell muli.

Nakasampung pindot na ako pero wala pa ring bumubukas ng gate.

"Iha walang tao dyan" napalingon ako sa nagsalita.

"Ano? eh sa'n naman po pumunta?"

"hindi ko alam" nagkibit balikat lang siya at tumalikod na sa akin.

Tumingin ako sa kabuuan ng apartment. Madilim ito at ni isang ilaw walang bukas. Wala talaga siya.

Tumalikod na ako at nagsimulang umalis doon.

Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sa lahat ng nasa paligid ko. Sa mga nangyayari. Bakit lahat na lang ng bagay na ayaw ko hindi tumugma sa nangyayari sa akin. Lagi na lang akong walang nagagawa kundi tanggapin. Wala laging pagpipilian.

Tumulo na naman yung luha sa mata ko.

Umuwi ako sa bahay niya. Kahit ayaw kong ihakbang ang paa ko wala akong magagawa dahil sa huli doon rin ang bagsak ko.

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Lahat ng ilaw nakapatay. Iniwasan kong hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Ayokong madatnan niya ako o makitang nasa loob ng bahay niya.

Binitbit ko yung dalawa kong sapatos papunta sa kwarto. Para akong higante kung humakbang makarating lang agad sa kwarto. Nakahinga ako nung maluwag nung pagsara ko ng pinto walang Zach na lumitaw sa harap ko.

"Kanina pa kita hinihintay Odessa" walang segundong napalingon ako sa nagsalita.

Si Zach nakatayo sa sulok ng kwarto ko. Kung saan naliliwanagan ng buwan. Hindi na ako nagtaka kung sino dahil boses pa lang niya kabisado na ng tenga ko.

"Galit ka pa ba?" Tumalikod ako sa kanya nang humakbang siya palapit sa akin. Bumalik na naman yung inis ko na nawala lang saglit.

Bubuksan ko na sana yung pinto para lumabas nung bigla niyang iharang ang kamay niya.

"Odessa Please"

"Ano ba Zachael padaanin mo ako" saad ko ng hindi nakatingin sa mata niya.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pilit na hinaharap sa kanya.

"Mahal kita Odessa. Sorry dahil hindi ko agad sinabi ang totoo sayo. Alam kong hindi ka maniniwala. At natatakot ako na baka..." napahinto siya sa pagsasalita at niyakap ako. Hindi ako gumalaw doon. Hindi ko siya binawian ng yakap.

"baka katakutan mo ako" hindi ko alam pero napaluha ako. Naiinis pa rin ako sa kanya. Pero bakit bigla na lang nawala yung takot ko na kanina halos lamunin na ang buong pagkatao ko sa itsura niya.

"Hindi ako tao na katulad mo. Isa akong lobo na kumakain ng tao pero kahit kailan hinding hindi kita sasaktan Odessa. Hindi ko naisip na saktan ka katulad ng ginagawa ko sa iba" nararamdaman ko yung bilis ng tibok ng puso niya at ganun din ako. Para silang nag-uusap na sila lang dalawa ang nagkakaintindihan.

"Zach lumabas ka muna please. Ayokong makita kita. Maslalo kong naaalala yung tunay na ikaw" at nasasaktan ako. Hindi ko na sinabi yung huling sinasabi ng utak ko.

"Pero..."

"Sige na please pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang!!" tinulak ko siya palayo sa akin at tumalikod. Pinunasan ko yung luha na patuloy pa rin sa pagtulo. Narinig ko yung malalim niyang paghinga bago buksan yung pinto at lumabas.

Kahit anong sabihin niya hindi ko pa rin matanggap na isa siyang lobo. Hindi ko pa rin makumbinsi ang sarili na hindi niya ako kayang kainin. Exemption ako sa lahat. Mahal niya ako at never na sasaktan. Pero si Zach ay si Zach hindi siya normal, lobo siya at anong mang oras pwedeng magbago ang utak niya at kainin ako.

---

Hello Guys! Sorry ang tagal ng update. Hindi man lang kasi kami binigyan ng Sembreak mga wala silang puso! hehe.

Keep on reading guys dahil matatapos ko rin 'to. Just wait and wait and wait!

Salamat sa mga nag-aadd sa kanilang reading list at pagvovote! ALDUB YOU ALL ^_^

I'm Meant To A Wolf (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon