✶ I'm Meant To A Wolf ✶
♚♚
FIVE
♚♚
'Azl Pov'
"Ishie, inaantok pa si Ate, isara mo muna 'yang kurtina" tumalikod ako sa pinagmumulan ng sinag ng araw. Sumasakit ang ulo ko at parang nabibiyak.
Kinuha ko yung unan at ginawang pantakip sa mukha ko.
"Ishie 'wag na matigas ang ulo, masakit ulo ni ate oh" inaantok ko pa ring sabi sa kapatid ko. Nararamdaman ko yung init ng araw sa likod ko at dahil dun pinagpapawisan ako.
Ilang minuto nang lumipas pero ramdam ko pa rin yung sinag ng araw sa likod ko. Umupo ako at tiningnan ang bintanang bukas.
Pero bigla akong napabalikwas at napatakip ng kumot sa katawan ng may lalaking nasa gilid ng bintana at nakatunganga. Halatang malalim ang iniisip.
"WAAAAAAAAAAAAAAH!! SINO KA? BA'T ANDITO KA SA KWARTO KO? ANONG GINAGAWA MO DITO? LUMAYAS KA!!" nakita ko siyang biglang napatayo dahil sa gulat pero agad din nakabawi at tiningnan ako ng may pagtataka.
"Kwarto ko 'to" diretso niyang sabi. Napalaki ang mata ko sa sinabi niya.
Nilibot ko ang paningin ko. May Flat screen sa harap ng malaking kama na pinaghigaan ko, may couch, computer at dalawang pinto sa right side na hindi ko alam kung ano ang nasa loob.
Walang ganito sa kwarto ko. Ibig sabihin nasa ibang kwarto ako natulog! Para akong nabuhusan ng isang tubig ng drum na puno ng yelo. Paano ako napunta sa ibang kwarto? Hindi kaya?! Hindi pwede!! Nagising lahat ng ugat ko.
Tumingin ako sa lalaking hindi ko kilala. Nakatingin lang siya sa akin habang ang dalawang kamay nasa bulsa.
"Nasaan ako? Ba't ako nandito? Paano ako napadpad dito?" mangiyak ngiyak kong tanong sa kanya.
Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi ang huli ko lang naalala ay naiwan ako sa labas habang si Mace pumasok na loob ng apartment niya at pagkatapos nun wala na kong maalala, blanko na lahat sa utak ko.
Tumayo ako sa kama. Tiningnan ko yung damit ko at laking pasasalamat ko dahil 'yun pa rin ang suot ko mula kagabi. Medyo nakataas nga lang ang laylayan ng dulo ng dress ko. Agad ko itong binaba.
"Nasa bahay ko. Nakita kita sa harap ng apartment ng kaibigan mo. Natumba ka pero agad kitang nasalo." napatingin ako sa sinabi. Masyado siyang straight forward at halatang walang halong biro sa sinabi niya.
Stalker ko ba siya? Paano niya nalaman ang mga yun?
" 'wag kang lalapit please, dyan ka lang" umatras ako ng akmang lalapitan niya ako. Kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Tiningnan ko siya ng may pagtataka. Familiar sa akin yung mukha niya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.
Nakatingin lang din siya sa akin ng seryoso.
"Aalis na ko, baka hinahanap na ko ng magulang ko"
Sinantabi ko muna ang pag-iisip sa lalaking nasa harap ko na familiar sa akin. Pati na rin yung puso ko na ang bilis tumibok.
Dali dali kong hinanap ang sandals ko. Pero hindi ko ito makita. Nasaan ba napunta 'yun? Aligaga ako sa paghahanap ng sandals ko ng mapansin ko siya na umikot sa kama at papunta sa direksyon ko. Seryoso pa rin ang mukha niya. Wala na rin sa bulsa niya ang dalawa niyang kamay at hawak na nito ang black 4 inches kong high heels.
Maslalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ano na naman nangyayari sa akin. Hindi na 'to normal.
"Eto yung hinahanap mo" abot niya sa akin ng makalapit na sa harap ko. Napatingin lang ako sa mga mata niya na hindi pa rin nagbabago ang expression.
Kinuha ko na 'to sa kamay niya bago pa malunod sa tingin niya.
" 'yang nararamdaman mong pagbilis ng tibok ng puso.." napahinto ako sa pagsuot ng heels nung magsalita siya sa harap ko. Pinakiramdaman ko naman yung tibok ng puso ko. Hindi pa rin bumabalik sa normal na pagtibok.
"...dahil sa akin yan" napatingala ako bigla sa sinabi niya.
Paano niya nasabi na dahil sa kanya? Kinokontrol niya ba ang pagtibok ng puso ko? Napailing lang ako at tinuloy na ang ginagawa.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya dahil sa ginawa kong pagbabalewala. Imposibleng siya ang dahilan nito. Hindi ako naniniwala.
Pagkatapos kong sinuot tumayo ako sa harap niya at tiningnan siya. Hindi ko pa rin maalala kung saan ko siya nakita at kung kailan.
"Imposible yun" tipid kong sabi. Kinuha ko ang pouch sa bedside table at tinalikuran siya.
Unang hakbang ko palang nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Hindi ko siya nilingon.
"Saglit lang" sabi niya pero diretso lang ako sa pinto.
"Odessa" naramdaman ko yung kamay niya sa braso ko.
Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko pa rin siya nilingon. Kelangan ko ng umuwi dahil may pasok pa ko ng hapon at baka nakauwi na sila mama. Lagot ako nito kapag hindi nila ako naabutan sa bahay.
"Ano bang kelangan mo? Hindi kita kilala kaya please lang bitawan mo ang braso ko" inis kong saad. Hindi ko siya nilingon. Nakakaubos sya ng pasensiya.
Hindi ako yung tipo ng tao na agad na nanghuhusga. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na masamang tao o rapist siya. Wala rin akong karapatan na sabihan sya ng mga negatibong salita. Wala naman nawala sakin. Walang naramdaman na sakit sa katawan. Kaya iisipin ko na walang syang masamang intensyon saakin.
"Alam kong hindi pa ito ang tamang oras para sabihin 'to sayo pero.." huminto siya kasabay nun ang pagtanggal niya sa pagkakahawak sa braso ko.
Hindi ako umimik at hinintay ang sasabihin niya
"Para sa akin ka" sa apat na salita napalingon niya ako ng wala sa oras. Hindi siya nakatingin sa akin.
Ano bang mga pinagsasabi nito? Kanina pa siya nagbibitaw ng mga salitang hindi kapani paniwala.
Tinitigan ko siya ng matagal at laking pasasalamat ko dahil nagagawa ko yun ng hindi siya nakatingin sa akin.
Natatandaan ko na kung bakit familiar siya sa akin. Kung bakit ganito ang tibok ng puso ko. Siya yung lalaki sa room.
Siya nga.
Napaiwas agad ako ng tingin ng dumako ang tingin niya sa akin.
"Wala akong oras sa mga pantitrip o panloloko mo sa akin. Kahit anong sabihin mo hindi pa rin kita paniniwalaan." tumalikod na ko sa kanya.
Wala akong oras para sabayan siya sa mga walang kwenta nyang drama. Hindi na ko nag-abala pa na tingnan ang mukha niya.
Bago ako magumpisang maglakad nagsalita ulit ako.
"At isa pa walang may pagmamay-ari sa akin. Salamat na lang sa pagtulong mo sa akin" naglakad na 'ko papunta sa pinto at lumabas na.
Pagkasara ko ng pinto narinig kong nagsalita ulit ito. Maslalong bumilis ang tibok ng puso ko. Babagal bibilis. Hindi ko na naiintindihan.
"Kahit ayaw mong tanggapin o paniwalaan lahat ng sinasabi ko sayo wala ka ng magagawa dahil yun ang nakatadhana para sayo"
BINABASA MO ANG
I'm Meant To A Wolf (Under Editing)
Kurt AdamPaano kung ang isang beses niyong pagkikita ay dapat umabot ng pang habambuhay? What would you do if you trap in a situation that you can't do nothing but to accept the fact that you are really Meant to be? Worst, not in a Human but with the WOLF...