Chapter 22: I'm Meant To A Wolf

2K 48 1
                                    

I'm Meant To A Wolf

♚♚

TWENTY TWO

♚♚

'Umstead (Alpha) Pov'

Mula sa malayo tanaw ko ang apat na lalaki na aking inutusan upang gawin ang pinaplano ko. Matagal ko na itong pinag isipan at ngayon ko balak gawin ito.

"Patawarin mo ako anak pero ito lang ang paraan para hindi malaman ng ibang lobo ang mali mong ginagawa. Batas ay batas sinusunod ko lang kung ano ang dapat gawin"

Alam na ng buong lobo na ikaw ang susunod na Alpha pero hindi nila alam na isa kang rebeldeng lobo. Nilalabag ang utos ng Alpha. Nasa batas natin na hindi pwedeng magkatuluyan ang lobo at mortal. Isa ito sa pinakamalaking kasalanan sa isang lobo na katulad natin. Kapag may unang tao ang sumubok na magmahal ng mortal patuloy na mangyayari ito sa buong pack.

Kitang kita ng dalawang kong mata kung paano nila pagtulungan si Zachael. Biglang may kirot akong naramdaman sa puso ko. Agad na akong tumalikod para iwasan ang luha na balak kumawala.

Masama na kung masama pero para ito sa katahimikan ng lobo. Hindi na pwedeng maulit ang nangyari noon. Kung saan nagkawatak watak nawalan ng pag asa at isa isang namamatay ang mga lobo.


'Odessa Pov'

Tumingin sa amin yung dalawang lalaki na nasa gilid ni Trix at Brix. Panigurado kasama nila 'to.

Nilibot ko yung tingin ko sa paligid at wala ng mga tao kundi kami na lang na anim. Wala ng ilaw ang stage na kanina lang punong puno ng kulay. Nakatayo na kami ngayon sa madilim na parte. Nag-aaninagan na lang. Ako lang pala dahil ang mga kasama ko matalas ang paningin. Kahit madilim kitang kita pa rin nila ng malinaw.

"Zachael inuubos mo lang ang oras sa kakatingin sa amin. Kilala mo naman na kami diba? Hindi na kailangan isa isa magpakilala" mapang asar na sabi ni Trix. 

"Sige magpapakilala na lang kami para hindi mo masabing bastos kami... ito si Brix ang kapatid ko na minsan na naging kaaway mo dahil lang sa sinumbong ka sa Alpha na lumabag. Itong nasa gilid ko at gilid ni Brix ay sina Ken at Vee syempre hindi mo sila kilala kasi hindi ka marunong makihalubilo sa mga katulad namin na Omega (Omega- Lowest rank of a Wolf) gusto mo mag-isa ka lang may sariling mundo kung hindi naman namimili ka ng kasama"

Biglang lumuwang yung pagkahawak ng kamay sa akin ni Zach. Napansin ko na tumingin ito sa kaliwang bahagi. Ganun pala ang ugali ni Zach noon. Kaya pala kapag pinagmamasdan ko siya napakatahimik niya lang hindi umiimik. Parang nasa ibang planeta ang utak.

"Ano Zach kilala mo na kami oras na para ikaw naman ang magpaalam kay Odesssa" biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi nila. Anong ibig nilang sabihin dun?

"May limang minuto ka para gawin yun" tumingin ito sa orasan niya at sa amin. Nakatitig lang si Zach sa kanila, hindi kumikibo.

"tumatakbo ang oras Zachael, kung tumalikod ka na at harapin si Odessa edi sana marami ka ng nasabi kesa sa kakatitig sa amin unless wala kang sasabihin" ngumiti ito sabay tingin sa mga kasama.

Hinawakan ni Zach ng mahigpit ang kamay ko at tumingin sa akin

"Ano bang nangyayari Zach? Anong kailangan nila sayo?" dire-diretso kong tanong. Pumikit ito saglit at tumigin ng seryoso sa mata ko. Hinihintay ko siyang sumagot pero nakatingin lang siya sa mga mata ko. Punong puno ng pag-aalala pero wala akong makitang takot sa mata niya kundi pagmamahal.

"Odessa" sambit niya sa mahinahon na boses. Tinutubuan na ko ng takot at kaba pero siya nagiging kalmado sa sitwasyon namin.

"Walang mangyayaring masama Odessa, huwag kang mag alala. May kailangan lang sa akin ang Alpha, baka may gusto lang siyang sabihin" nakangiti ito ng tipid. Tumango tango lang ako at bigla siyang niyakap.

I'm Meant To A Wolf (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon