Chapter 10: I'm Meant To A Wolf

3.7K 101 3
                                    

✶ I'm Meant To A Wolf ✶ 

 ♚♚ 

 TEN

 ♚♚

"3rd Pov" 

 Nakahinga na ng maluwag si Odessa nang makapasok sa loob ng bahay. Sinigurado niyang naka-lock ng mabuti ang pinto. 

Hindi maalis ang takot na naramdaman niya kanina lang. Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa utak ang itsura ng lalaking halos patayin na siya sa titig. 

Nilibot ni Odessa ang kabuuan ng bahay ni Zach na akala mo nakapikit ito habang ginagawa dahil sa sobrang dilim. Walang ilaw na bukas. Walang liwanag ng buwan ang pumapasok sa loob ng bahay dahil lahat ng kurtina ay nakaharang sa bintana.

Nangangapa siyang hinanap kung saan nakalagay ang switch ng ilaw sa sala. Nang mahanap iyon dali-dali niyang in-on ngunit na i-off din niya agad ng may malakas na kumalabog sa pinto. 

"AyHalimawKa!!" napatili siya sa gulat at napatalon. Tuloy-tuloy lang ang pagkalabog ng pinto at halos masira na ng taong gumagawa nun. 

Napansin agad yun ni Odessa kaya mabilis siyang pumunta sa pinanggagalingan ng pinto. Hindi niya na na i-on ulit ang ilaw dahil sa pagmamadali. 

 Hinawakan niya ang seradura ng pinto at dahan-dahang binuksan. Sumilip muna siya sa labas bago paluwangin ang espasyo. Nakita niyang walang tao sa labas. Huminto na rin ang pagkalabog ng pinto. 

Binabalot na naman siya ng takot na kanina lang ay nawala na. 'Sana isa ka lang na pusa na naghahanap ng butiki' bulong niya sa sarili habang nakasilip pa rin sa labas. 

Ilang segundo siyang nakikiramdam ng galaw sa labas. Tahimik na ulit kaya inisip na lang niyang isa lamang iyon na pusa na naghahanap ng butiki kahit napakaimposible dahil halos magiba ang pinto dahil sa lakas ng pagkalabog. Pinapakalma lang niya ang sarili sa takot. 

Nasa pagsara na siya ng pinto nung bigla ulit kumalabog ng sobrang lakas. Binuksan na niya ng tuluyan ang pinto para makita kung sino ba ang damuhong taong iyon. 

Agad itong napaatras at napahawak sa seradura ng pinto ng nakita ang lalaking nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kanya. Tuluyan na siyang kinain ng takot. Halos himatayin siya sa itsura ng lalaking nasa harap niya. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Halos malagutan na rin siya ng hininga. Nagshut down na ang kanyang utak sa pag-iisip. Wala siyang ibang maisip na pwedeng gawin. Ang tanging pumapasok lang sa kanyang utak ay ang itsura ng lalaking nakasakayan niya kanina lang.

Sinara niya bigla ang pinto nung gumalaw ang taong nasa harapan niya. Pero huli na dahil tuluyan ng nakapasok sa loob ang lalaki. Humakbang siya paatras  pero hindi niya na nagawa dahil bigla na lang siyang niyakap ng lalaki ng sobrang higpit. 

"Please huwag niyo po akong patayin" napaluha na siya dahil sa sobrang takot. Nanginginig at nanlalamig ang buo niyang katawan. 

Hindi nagsalita ang lalaki at nanatili lamang itong nakayakap. Naramdaman ni Odessa ang init ng kanyang hininga na tumatama sa kanyang leeg.

Nabato siya sa kinatatayuan niya ng maramdamang dumampi ang labi ng lalaki sa kanyang leeg . Ilang minuto sila sa ganung posisyon. 

Napansin ni Odessa na wala itong suot na pang itaas. Ramdam nila ang lakas ng pintig ng mga puso. Natutunaw na ang lamig na bumabalot kay Odessa dahil sa init ng katawan ng lalaking nakayakap sa kanya. Unti-unti na rin nawawala ang takot sa puso niya. Nagiging maayos na rin ang takbo ng kanyang utak na halos kanina wala itong ibang iniisip kundi takot sa pwedeng mangyari.

I'm Meant To A Wolf (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon