Chapter 13: I'm Meant To A Wolf

2.5K 64 1
                                    

✶ I'm Meant To A Wolf ✶

♚♚

THIRTEEN

♚♚

'Odessa Pov'

Napamulat ako ng mata nang naramdaman  ang sinag ng araw na pumapasok sa kwarto ko. Naalimpungatan ako dahil sa init nito. Ang sakit sakit sa ulo. Hindi ko pa masyadong maimulat dahil inaantok pa ako. Bumababa pa ang mga talukap ko.

Tumalikod ako para hindi masinagan pero dahil sa ginawa kong 'yon agad din akong napaupo sa kama at excited na tingnan ang bagay na nakasanayan kong laging makita tuwing gigising sa umaga. Nawawala na lang bigla ang antok ko at napapalitan ng kakaibang nararamdaman. Ngunit masyado pang magulo ito sa akin.

Kinuha ko ang bagay na 'yun sa ibabaw ng bedside table ko. Wala sa sariling napangiti ako dahil sa note na nakasulat doon. Hindi ko pa nagagawang punasan ang mga gilid ng mata ko pero nagagawa ko na agad ang ngumiti.

Ilang days na rin ang nakalipas pagkatapos ang nangyari nung gabing 'yun. Ang daming nagbago sa kanya. Ibang Zachael Travieso ang nakikita ko ngayon sa loob ng bahay. Kung dati masyado siyang misteryoso, kakaiba kung kumilos, walang pakialam sa paligid maliban sa akin. Pero ngayon lahat naging kabaliktaran. Halos kilalang kilala ko na siya. Wala na siyang itinatago sa akin at 'yun ang nagpakuha ng loob ko.

'Good Morning Odessa. Huwag mong kalimutan kumain paggising :)'

-Zach

Binasa ko yung nakasulat sa note. Tuwing umaga lagi na lang nasasanay ang mata ko na tumingin agad sa table at hanapin ang bagong pitas na red rose na may kasama laging note na iba't iba ang nakasulat.

Napapangiti naman ako sa hindi alam na dahilan. Nararamdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Nilagay ko yung rose sa vase kung saan andun din ang mga kasama niya. Itinago ko na din yung note. Ang hindi ko lang maintindihan bakit ko itinatago ang lahat ng mga ito sa lugar kung saan hindi makukusot o mababasa.

Isasara ko na sana yung drawer nang natapos kong ilagay sa maayos ang note nung may mamataan akong isang Bracelet. Kinuha ko yun at tiningnan ng maigi.

Familiar sa akin 'to ah? Napakunot noo ako habang inaalala kung sino ang nagbigay sa akin.

"Wala naman mahilig magbigay sa akin ng mga ganitong bagay" ibabalik ko na sana sa loob dahil hindi ko talaga matandaan kung sino ang nagbigay ng may mapansin akong puting panyo sa kasulok sulukan ng drawer. Maslalong kumunot ang noo ko.

'Oo, totoo ang forever at tayo ang pagpapatunay ng salitang 'yan'

pumasok sa isipan ko yung gabing nagkasama kami ni Zach sa Tree house. Yung gabing una niya akong hinalikan sa labi ngunit smack lang. 'Yun din ang araw ng kaarawan ko.

Napahawak ako nang mahigpit sa Bracelet. Tinitigan ko ito at napangiti ng malaki. Tama, siya ang nagbigay sa akin nito. Birthday gift niya.

"Ba't ba ako ngumingiti? Eh halos noon itapon ko na ito sa basurahan kung hindi lang ako nanghihinayang sa ganda."

Tumingin ako sa puting panyo at hindi na ako nag-isip kong sino ang nagbigay dahil naalala ko rin na siya ang nagpatahan sa akin noong iniwan ako ng magulang ko. Si Zach.

Sinuot ko yung bracelet na bigay niya. At bagay na bagay ito sa kulay ng balat ko.

"Unti-unti mo nang nakukuha ang loob ko Zach at sana kapag nangyari yung araw na hindi na ako naguguluhan sa nararamdaman ko sana hindi ko ito pagsisisihan."

I'm Meant To A Wolf (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon