Chapter 16.2: A Wolf's Side Story [IMTAW]

2K 50 1
                                    

✶ A Wolf's Side Story✶

♚♚

SIXTEEN POINT TWO

♚♚

'Author's Pov'

"Oh anak sa'n ka na naman pupunta? Madalas na 'yang pag-alis mo" tanong ng babae sa mababang boses.

Napahinto siya sa pagbukas ng kanilang pinto nung may nagsalita sa likod niya. Muntik pa siyang mapatalon dahil sa gulat. Akala niya siya lang ang mag-isa sa malaki nilang bahay.

"Kayo pala Amersha" humarap siya at ngumiti nang pilit sa ina. Sinara niya ang pinto at naglakad papunta sa kinatatayuan ng ina na may dalang bagong pitas na rosas.

"Sa'n ka pupunta anak?" tanong ulit ng kanyang ina. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa ina. Ayaw niyang sabihin ang totoo dahil kong sinabi niya ito siguradong hinding hindi siya papayagan.

"Amersha akala ko umalis rin kayo kasama si Umstead?" kinuha niya ang bulaklak sa kamay ng ina at siya na ang naglagay sa vase. Hindi siya sinagot nang ina pinagmamasdan lang siya habang inaayos ang mga bulaklak.

"Hindi na ako sinama ng 'yong Ama dahil sabi niya bantayan na lang kita" napatawa siya sa sinabi ng ina. Sa pagkakasabi ng ina nagmukha siyang seven years old na dapat oras-oras bantayan.

"Ba't ka natatawa? Kasi totoo na dapat kang bantayan oras-oras. Ano bang meron Zachael at lagi ka na lang umaalis ng bahay na hindi nagpapaalam" humarap siya sa Ina dahil nagseryoso ang boses nito.

Parang nalunok niya ang kanyang dila dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin na rason.

"Ma..." bulong niyang sambit at napabuntong hininga. Nagulat ang kanyang ina dahil sa hindi inaasahang marinig . 

Ngayon lang niya tinawag ang kanyang ina sa hindi nito pangalan. Simula nung naging Apha ang kanyang Ama lagi na niyang tinatawag ang magulang sa unang pangalan.

"Zachael Travieso may nilalabag ka ba sa utos ng Alpha?" namutla siya bigla. Nagumpisa na ring mamawis ang kanyang mga kamay. Alam na agad ng kanyang ina kapag gumagawa siya ng mali na ikakagalit ng Alpha. 

Naalala ng kanyang ina noong una nitong nilabag ang utos ng ama. Inagaw nito ang makakakaisang dibdib (Mate)  ng kaparehas nitong lobo. Hindi alam nung kanyang ina kung ano ang gagawin noong oras na 'yon. Nakita niya ang kanyang anak na nakikipaghalikan sa isang babae na hindi naman para sa kanya. 'yun yung unang beses na tinawag siya ni Zachael na 'Ma'.

Napayuko lang si Zachael dahil hindi niya alam ang sasabihin.

"Kumakain ka ba ulit ng tao Zachael?" matigas nitong tanong sa anak. Ngunit nanatili lang ulit si Zachael na nakayuko katulad noong una niyang paglabag.

"Alam mo naman na bawal sa ating lobo na kumain ng tao simula nung naging Alpha ang ama mo, hindi ba Zachael? Pero bakit mo pa rin ginawa?" may iritasyon na sa boses ng kanyang ina. Walang maisagot si Zachael dahil lahat ng sinasabi ng kanyang ina ay tama. Maliban lamang sa isa.

"Pero hindi ko maiwasan. Pagnakikita ko sila para akong isang tao na naglilihi. Gusto ko silang kainan lapain hanggang sa walang matira sa kanila"

"Pero Zachael isa 'yung mali at bawal. Gusto mo bang parusahan ka ng sarili mong ama dahil sa paglabag mo?" 

Nanlaki ang kanyang mata dahil sa narinig niyang parusa. Ni isang lobo wala pang lumabag sa kahit na anong utos ng Alpha. Dahil kung sino ang nagkamaling lumabag kamatayan ang kapalit.

Umiling siya bilang sagot. Pero nakaramdam siya ng isang matinding kirot sa ginawa niya.

"Pero Ma hindi ko na maiwasan na hindi labagin ang mga utos ni Ama dahil lumalalim na ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi lang ang pagkain nang tao ang nalabag ko kundi itong nararamdaman ko sa kanya" napanganga ang kanyang ina sa sinabi nito.

"Ano yan Zachael?"

"Ta..tao siya hindi natin siya kauri. Hindi siya lobo Ma"

"Pero alam mong bawal hindi ba pero bakit hindi mo pinigilan?"

"Hindi ko na kaya. Huli na kung gagawin ko pa" napayuko siya at napapikit ng mata.

Alam niya umpisa pa lang na bawal magmahal sa hindi nila kauri. Pero hindi na niya napigilan yung pagbilis nang tibok ng kanyang puso sa tuwing nakikita ito. Para bang tadhana na ang lumalapit sa kanilang dalawa dahil hindi niya inaasahan na makikita na lang niya bigla.

"Hindi ka katulad ng ibang lobo. Kalahating tao at kalahating lobo ka Zachael. Hindi ko alam kung paano nangyari pero isa lang ang masasabi ko gusto kong mahalin ka rin nung taong mahal mo at tanggapin ka bilang isang lobo na walang takot at pangamba" napaangat siya ng kanyang ulo dahil sa sinabi ng ina. Lumawak ang kanyang ngiti sa sinabi ng Ina. Nabigyan ng pag-asa ang kanyang puso. 

Akala niya pagbabawalan siya ng kanyang ina na magmahal ng isang tao. Nawala ang kirot na kanyang nararamdaman. Lumiwanag ang namumutla niyang mukha. Ayos lang sa kanya na umiwas sa pagkain ng tao kahit mahirap para sa kanya na pigilan. Basta 'wag lang sa taong araw-araw niyang pinagmamasdan sa tuwing aalis siya sa bahay nila.

Yayakapin na niya sana ang kanyang ina nang magsalita ulit.

"Pero kung sakaling tao nga ang mamahalin mo dapat dito maninirahan sa lugar natin. Hindi ikaw ang maninirahan sa lugar ng mga tao kundi dito sa atin. Sa mga lobo" sa isang iglap nawala ang malawak niyang ngiti. Nawala ang saya na naramdaman niya kanina lang. Parang nahati ang puso niya ng maisip na imposibleng mangyari 'yon. Nalaglag ang balikat niya kasabay nung pamumutla ng mukha.

Ang kanyang ina na ang lumapit sa kanya para yakapin siya nung hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. Nanlalata siyang yumakap pabalik sa ina.

"at dahil hindi natin kauri ang mga tao, mahigpit na pinagbabawal ng Alpha na bawal magkita o lapitan ang taong mamahalin natin kung hindi pa 'yon ang tamang oras. Isa rin 'yon sa kanyang utos" bulong ng ina sa kanyang tenga.

Naalala niya ang mukha ng taong nagpabilis ng tibok ng kanyang puso. Simula nung nakita niyang naglalakad ito sa gitna ng kalsada hindi na naalis sa utak niya ang mukha nito. Nakaukit na sa utak niya ang mukha ng babaeng kinahuhumalingan niya. Sa tuwing pipikit siya mukha nito ang makikita niya.

 Noong unang kita niya doon hindi niya maintindihin ang sarili kung bakit hindi niya maalis ang tingin sa babae. Hindi niya maihakbang ang mga paa palayo sa babae na nakatitig sa kalangitan habang naglalakad. Naramdaman niya rin ang kakaibang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. 

Lumipas ang ilang araw lagi na niya itong nakikitang naglalakad sa gabi sa gitna ng kalsada habang siya ay naghahanap ng makakain. Hindi niya maitindihan ang sarili kung bakit sa tuwing makikita niya ito hindi niya magawang patayin o kainin kahit nakakaramdam na siya ng sobrang gutom.

Nagagawa niyang tiisin  'wag lang magalaw ang babaeng pinagmamasdan niya lagi sa malayuan. 

Ito ang nagiging dahilan kung bakit madalas ang kanyang pag-alis at pagkain ng ibang tao.

  'Pero hindi ko kayang magtiis. Sa pagkain ng tao kaya ko pang pigilan pero sa kanya hindi ko matiis. Gusto ko lagi ko siyang nakikita. Napagmamasdan. Sorry Amersha'

Kumawala na siya sa yakap ng ina at ngumiti bago tumalikod at tumungo sa malaking pinto.

I'm Meant To A Wolf (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon