✶I'm Meant To A Wolf✶
♚♚
TWENTY THREE
♚♚
'Odessa Pov'
Rinig kong binigkas ni Amersha ang pangalan ng kanyang anak bago lumakad ng mabilis. Nagulat ako pero agad din nakabawi at sinundan siya. Pana'y ang ihip ko sa kamay dahil ramdam ko ang panlalamig nito.
Nang malapit na kami nakita ko yung apat na lalaki na pinagtutulungan si Zach. Kitang kita ng dalawa kong mata kung paano ipaglaban ni Zach ang kanyang sarili sa mga apat na lobo. Pero dahil nag iisa lang siya napaka imposible na matalo niya ang mga ito.
"Zachael!" biglang sigaw ng kanyang ina. Napalingon ako sa kanya.
Nanlalaki ang kanyang mata habang may mga luhang handa ng tumulo sa mga mata nito. Hindi ko siya masisisi, ramdam ko at alam ko kung ano ang nararamdaman niya sa oras na 'to.
Napalingon sila sa amin. Ngunit sa pag lingon nila bigla silang tumabkbo ng mabilis paalis sa lugar kung saan nila pinahihirapan si Zachael.
Lumingon si Zach sa amin ngunit kasabay din nun ang pagbagsak niya sa lupa. Nabato kaming pareho ng kanyang ina sa nakikita namin. Parang huminto yung oras, lumakas maslalo yung ihip ng hangin, lalong nanlamig ang kamay ko.
Isang kurap ng aking mata patuloy nang dumaloy ang luha sa pisngi ko. Isang kislap parang humiwalay ang kaluluwa ko sa pagkatao ko. Parang naglaho na ang lahat na meron ako.
Sa tagal kong pagtayo doon hindi ko namalayan na si Amersha ay nasa tabi na ni Zach hawak hawak ito. Ginigising.
Lumapit ako ng dahan-dahan na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ang daming alaala ang isa isang pumasok sa utak ko. Kung paano kami nagkita. Paano kami nagkakilala. Paano ako napunta sa kwarto niya na walang kamalay malay. Kung paano siya nagsakripisyo at piliin ako kesa maging isang Alpha. At higit sa lahat kung paano ko siya tinanggap bilang isang lobo at mahalin ng walang takot.
Pinakiramdaman ko yung puso ko ang bilis ng tibok nito. Para akong tumakbo ng napakalayo. Halo halong emosyon ang nararamdaman ng puso ko.
"Odessa"
"Odessa, lumapit ka dito" napadako ang tingin ko sa ina ni Zach na tumatawag sa akin. Nakataas ang kamay nito sa harap ko. Lumapit ako sa kanya at umuupo sa tabi ni Zach na nakahiga at walang malay.
Hindi ko na kinaya ang umiiyak ng tahimik. Sanay akong umiyak na walang nakakapansin walang nakakaalam tanging ako lang. Pero ngayon hindi ko na kinaya humagulgol na ako ng iyak at niyakap siya.
Madaming dugo sa katawan niya hindi mo alam kung saang parte siya may sugat dahil halos lahat pinaliligiran siya ng dugo.
"Zach" bulong ko sa tenga niya.
"Akala ko ba hindi mo ko iiwan? Akala ko hindi ka gagaya sa mga taong umiwan sa akin. Diba sabi mo mahal mo ko? Poprotektahan sa mga masamang lobo o kahit sa mga taong masasama. Bakit ngayon bigla mo na lang akong iiwan. Kung kailan tanggap ko na ang lahat sayo ang pagiging lobo mo. At kung kailan handa na kong mahalin ka tsaka mo naman ako iiwan. Zach naman" hagulgol ko, wala na kong paki kahit yung dugo niya kumalat na sa katawan ko.
"Ang layo na ng narating mo, ang dami mo ng sakripisyo para sa akin para lang mahalin ka pabalik, 'wag kang susuko. Ple....please Zachael." napapiyok ako at nilunok lahat ng nakabara sa lalamunan ko.
Hindi na bumalik ang mga magulang ko, hindi ko na rin alam kung asan at kung ano na ang balita kay Mace, pati rin ba ikaw Zach iiwan na din ako mag isa?
Naramdaman ko ang kamay ni Amersha na humawak sa kanan kong kamay. Napalingon ako sa kanya at tumingin ng nagtataka.
"Ano pong gagawin niyo?" tanong ko habang may takot sa boses.
Hindi siya kumibo hindi rin siya tumingin sa akin tanging sa kanan kong kamay lang siya nakapokus. Nagulat ako nung biglang humaba ang kuko niya. Hinihila ko pabalik ang kamay ko pero napakalakas niya. Napahinto ako sa iyak at napalitan ng takot.
"Aray nasasaktan po ako!!!" sigaw ko at pilit pa rin na hinihila ang kamay ko.
Napaatras ang katawan ko dahil sa gulat ng bigla siyang tumingin sa mata ko. Nagbago bigla ang kanyang anyo, nakakatakot. Unang beses kong makakita ng babaeng lobo. Nakakatakot parang si Zach nung una ko siyang nakita.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya hindi pa ako masyadong sanay makipagtitigan sa mga lobo. Nakakatakot sila kung tumingin parang ano mang oras lalapain ka nila ng buhay. Pero kahit nakakatakot sila handa akong masanay para kay Zach.
Napalingon ulit ako sa kanya.
"AAAAAAAAAHH!!" sigaw ko ng napakalakas dahil sa sakit na naramdaman ko sa kanan kong kamay. Tiningnan ko ang palad ko na may hiwa at tumutulo ang dugo ko. Napaluha ako sa sakit. Napatingin ako sa ina ni Zach, nag iba na agad ang kanyang itsura.
"Ano pong gagawin niyo?" tanong ko habang tinitingnan ang kamay ko na may tumutulong dugo.
Tinapat niya ang tumutulong dugo sa bunganga ni Zach na nakabukas ng konti.
"Ang sabi nila kung talagang nakatadhana ang tao sa lobo, kaya niyang buhayan ang patay na lobo gamit lamang ang dugo nito" kinagat ko ang ibabang labi ko nung diinan niya ang paghawak sa kamay ko.
"Odessa kung talagang nakatadhana ka sa anak ko mabubuhay siya dahil sa dugo mo" nanginginig ako dahil sa iba't ibang emosyon na nararamdaman ko.
Hindi na ako nagprotesta at hinayaan na lang na painumin siya ng dugo ko. Alam ko na nakatadhana ako kay Zach dahil sa tuwing malapit siya sa akin, nagiiba bigla ang nararamdaman ng puso ko. Nababasa niya kung ano ang nasa puso ko. Ano ang dahilan ng pagtibok nito.
"Zach anak gumising ka na!" sambit ni Amersha sa nanginginig na boses. Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya at patuloy din sa paghagod ng buhok ni Zach. Hindi siya sumusuko hangga't hindi bumabalik ang paghinga ni Zach. Hindi rin ako susuko kahit mawalan ako ng dugo bumalik lang siya.
"Zachael" mahina kong sambit. Nagdidilim yung paningin ko, hindi ko na maaninag ang ina ni Zach na nasa harapan ko lang. Nahihilo ako. Bago ako matumba sa lupa naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko at ang pagtayo ni Amersha kasama si Zachael.
Palayo sa akin, sa tabi ko.
--
Epilogue will be the next update :)
~xoxo
Meeshiean
BINABASA MO ANG
I'm Meant To A Wolf (Under Editing)
LobisomemPaano kung ang isang beses niyong pagkikita ay dapat umabot ng pang habambuhay? What would you do if you trap in a situation that you can't do nothing but to accept the fact that you are really Meant to be? Worst, not in a Human but with the WOLF...