✶ I'm Meant To A Wolf ✶
♚♚
TWELVE
♚♚
'3rd Pov'
"Salamat" nahihiya niyang sambit. Kanina pa tumatakbo sa kanyang utak ang salitang iyon ngunit hindi niya mabigkas bigkas kay Zach.
May parte sa pagkatao niya na sinisisi ito kanina dahil sa layo ng kanilang nilakad. Kahit sobrang taas pa ng araw ay hindi man lang nakaramdam ng awa sa kanya. Hinayaan lang nitong paglakarin siya ng sobrang layo.
Ngunit kalaunan bawi naman ang pagod na kanyang dinanas dahil sa ganda na ipinakita nito.
"Uuwi na tayo?" tanong niya. Napansin niya kasi na tumayo na si Zach sa kanilang kinauupuan.
Tumango ito at nilahad ang kamay sa harapan ni Odessa upang tulungang makatayo. Kahit ayaw pa niyang umalis sa lugar na yun wala na siyang nagawa kundi hawakan ang kamay nito at tumayo.
Masyado siyang nagandahan at ayaw na niyang alisin ang pagtitig sa makulay na higanteng ferris wheel. Pakiramdam niya sa bawat pagtitig niya sa makulay na higanteng ferris wheel para itong binibigyan ng saya sa kanyang pagkatao. At matagal na niyang gustong maranasan ang ganoong saya. Saya na matagal ng gustong maramdaman.
"Babalik ulit tayo dito pero sa pagbalik natin nakasakay na tayo dun" napatingin ulit si Odessa sa higanteng ferris wheel na humihinto na sa pag-ikot. Ilang oras nilang pinagmasdan ang pag-ikot nun. Halos inabot na sila ng madaling araw. Kaya napagpasyahan ni Zach na umuwi na. Ramdam nito na kahit papaano napasaya niya si Odessa kahit sa pagnuod lang.
Ngumiti siya at masayang tumango.
"Halika na?" alok nito sabay hawak sa kamay ni Odessa. Napatulala si Odessa sa lalakarin nila.
'Eto na naman kami sa nakakaubos ng lakas' Hindi pa sila nag-uumpisa sa paglakad ngunit nararamdaman na ni Odessa ang pagod.
'Ano bang pwede kong gawin para hindi mapagod. Magpagulong-gulong para mas mabilis makababa o tumalon-talon na lang' takbo ng kanyang utak.
Napabuntong hininga siya ng malalim at nanlumo dahil walang ibang pagpipilian kundi ang harapin iyon at maglakad ng dalawang oras.
'Parang life lang yan. Face your problem and conquer all your fear'
Nakita ni Zach ang ekspresyon ni Odessa habang tinitingnan ang daan na kanilang lalakarin. Napangiti ito sa kaloob-looban.
Napailing na lang ito sa nakikitang ekspresyon ni Odessa. Halata sa mukha niya ang takbo ng kanyang iniisip. Pinisil niya ang kamay ni Odessa na hawak-hawak niya. Napalingon naman si Odessa sa kanya na nakasimangot.
Nag-umpisa na silang maglakad. Wala pa sa kalahating oras sa paglalakad ngunit ang itsura na ipinapakita ni Odessa ay halos hindi na maipinta. Bigla naman natawa si Zach sa itsura niya. Humalaklak siya na maslalong ikinainis ni Odessa.
"Ba't ka tumatawa?" masungit niyang tanong.
"Huh? Tumatawa ba ako?" patay malisya nitong tanong habang pinipigilan ang pagtawa.
Pinagmasdan niya si Zach na pasulyap-sulyap sa kanya habang nagpipigil ng tawa. Umirap na lang siya at inunahan na sa paglakad.
"Badtrip" sabay sipa ng bato na naapakan.
"Sakay ka na" nagulat siya at napahinto sa paglalakad nang nakita si Zach na nakaupo sa harapan niya ngunit hindi nakasayad ang dalawang tuhod sa lupa. Nakatalikod sa kanya.
'Tingnan mo 'to pagkatapos akong pagtawanan ngayon naman aalokin niya akong sumakay sa likod niya. Mukha niya'
Hindi gumalaw si Odessa sa kanyang kinatatayuan. Agad napansin ni Zach iyon kaya siya na ang kumilos. Kinuha niya ang dalawa niyang kamay at bigla na lang sinalabay. Nabingi naman siya sa tili ni Odessa dahil sa pagkagulat.
BINABASA MO ANG
I'm Meant To A Wolf (Under Editing)
WerewolfPaano kung ang isang beses niyong pagkikita ay dapat umabot ng pang habambuhay? What would you do if you trap in a situation that you can't do nothing but to accept the fact that you are really Meant to be? Worst, not in a Human but with the WOLF...