✶ I'm Meant To A Wolf ✶
♚♚
FIFTEEN
♚♚
"Sino ka?" naguguluhan kong tanong sa kanya. 'Yun agad ang lumabas sa bibig ko sa dami nang tumatakbo sa utak ko. Ang hirap intindihin. Pagdating sa buhay niya ang gulo-gulo. Wala akong maunawaan. Masyadong malabo na parang isang putik.
"Odessa" mahina niyang sambit habang palapit sa akin.
Tinaas ko ang dalawang kong kamay para huminto siya sa kanyang ginagawa.
"Sino ka ba talaga Zachael Travieso?" seryoso kong tanong at puno ng kasabikan sa boses na malaman ang katotohanan sa kanya.
Hindi siya makatingin nang diretso sa akin. Pabaling baling sa kaliwa't kanan.
"Zach sino ka?!" ulit kong tanong. Tumaas na ang boses ko dahil sa hindi niya pagkibo sa tanong ko.
"Kilala lang kita sa pangalan at sa mga pinapakita mong galaw kapag kaharap ako pero yung tunay na Zachael Travieso. Yung pinagmulan ni Zachael hindi ko kilala." parang may tumusok sa puso ko nung na realize na hindi ko pa nga siya kilala sa tunay niyang pagkatao. Ilang buwan ko na siyang kasama pero wala man lang siyang ikinukwento tungkol sa buhay niya. Kung may itatanong man ako lagi lang siyang iiwas. Halatang ayaw niyang sagutin ang tanong ko. Or sadyang ayaw niya lang ipaalam sa 'kin ang tunay na Zachael.
"Please Zach kilalang kilala mo na ako. Wala na akong itinatago sayo. Lahat alam mo na tungkol sa akin, ibinigay ko na nga pati ang sarili ko pero ikaw..." napahinto ako sa sinasabi nang tumulo yung luha sa pisngi ko. Ba't ba ako umiiyak? Agad ko itong pinunasan para itago kay Zach. Nagpasalamat ako sa Diyos dahil hindi niya ito napansin.
"Mahal kita Odessa..."
"Mahal mo ako? 'Yan na naman tayo sa mahal mahal na yan eh. Ilang beses mo ng sinabi ang salitang 'yan Zach at ilang beses na rin bumibilis ang tibok ng puso ko kapag sinasabi mo 'yan. Mabilis mag'react ang pagkatao ko kapag nandyan na ang presensiya mo. Naniniwala ako sa tuwing sinasabi mo na mahal mo ako pero ang hindi ko maitindihan Zach bakit sa tuwing nagbibitaw ka ng mga salita na gusto mong ipaintindi sa 'kin, wala akong nauunawaan. Lahat sila laging may katanungan sa utak ko"
Naalarma at nanlaki ang mata niya nung nakita sa mata ko ang tuloy-tuloy na pag agos ng luha ko. Hinawakan niya ako sa braso pero hinawi ko lang 'yun at umatras.
"Shhhh~ Odessa please 'wag kang umiyak maslalo akong nasasaktan" may bahid ng pag'aalala sa boses niya pati na rin sa mukha niya. Pero wala akong pakialam. Nasasaktan ako sa dami ng kanyang itinatago sa akin.
Huminga ako nang malalim at pinunasan ang luha ko. Hindi ako nagsalita ng mga ilang minuto. Pinakalma ko ang sarili at ang puso ko.
Sa ganitong sitwasyon hindi dapat ako umiiyak . Hindi ko pa siya mahal at wala akong nararamdaman. Itong pagbilis ng tibok ng puso ko walang kahulugan 'to. Hindi siya ang dahilan kung bakit natutuwa ang pagkatao ko. Hindi ko siya mahal at hindi ko siya pwedeng mahalin agad. Patuloy na bulong ng utak ko pero kabaliktaran ng takbo ng puso ko.
"Kung ganun sino ka?!" matigas kong tanong sa kanya at maslalo pang in'emphasized ang salitang 'Sino'
Tumalikod siya sa akin. Nagtaka ako sa ikinilos niya pero hindi ko na 'yun binigyan pansin. Nangingibabaw ang inis at sakit sa puso ko dahil sa dami ng kanyang itinatago.
"Matatanggap mo ba ako?" diretso niyang sambit na walang hingaan. Tumingala ako para makita ang tinutukoy niya. Sa pag-angat ko ng ulo walang isang segundong napaatras ako at nanlaki ang mata. Literal na napanganga ako. Hindi ko alam ang ipapakita kong ekspresyon sa kanya. Hindi ako makahinga sa nakikita ko ngayon parang huminto yung takbo ng oras. Nakatitig lang ako sa kanya. Sinusuri ang kabuuan niya.
BINABASA MO ANG
I'm Meant To A Wolf (Under Editing)
WerewolfPaano kung ang isang beses niyong pagkikita ay dapat umabot ng pang habambuhay? What would you do if you trap in a situation that you can't do nothing but to accept the fact that you are really Meant to be? Worst, not in a Human but with the WOLF...