✶ I'm Meant To A Wolf ✶
♚♚
EIGHTEEN
♚♚
"Odessa Pov"
Ganyan ba ang mga lobo kahit buong maghapon nakaupo walang pakialam. Kahit nakaupo lang sa isang upuan at nakatitig sa malayo ayos lang. Wala ba silang pinagkakaabalahan sa buhay?
Sumilip ako sa labas ng kwarto ko at tangay ko si Zach na nakaupo sa laging spot niya kapag nandito sa bahay. Ilang oras na siyang nakaupo dyan. At sa pagkakabilang ko sa orasan pitong oras na siyang nakaupo.
Hindi ba siya nakakaramdam ng gutom, uhaw or natatae? Kung sabagay lobo siya hindi tao. Iba ang katawan niya sa katawan ko.
Sinara ko na yung pinto at nagsimula ulit sa ginagawa ko. Malapit na rin akong matapos. Isang oras na lang siguro ang pagkakabit at paglalagay tapos na 'ko.
Bakit kaya ngayon ko lang naisip na gawin 'to. Edi sana nagkaroon ako ng privacy mula sa kanya.
Ilang araw ko na siyang hindi pinapansin o kinikibo. Hanggang ngayon kasi may nararamdaman pa kong konting takot sa tuwing nakikita ko mukha niya. Kaya kapag kumakatok siya sa pinto ko agad akong pumapasok sa Cr para alam niyang may ginagawa ako.
Kahit papaano naman nakasurvive ako at nakaisip ng idea na pwedeng gawin para hindi na siya totally makalapit sa akin o makapasok pa ng kwarto ko.
Last corner at tapos na ko!
"Odessa ano 'to?!" napatigil ako sa paglalagay ng asin sa pinto nung may nagsalita sa gilid ko. At iba ang iniexpect ko na magiging reaction niya. Instead na tumakbo or masunog maslalo pang nagmukhang katakot takot ang itsura niya dahil nakakunot ang noo at gulat na gulat sa nakikita niya. Idagdag mo pa yung boses niyang galit.
"Asin, bawang at bigas" sagot ko at pinagpagan ang kamay bago tumayo.
"Anong tingin mo sa akin aswang?!" galit pa rin niyang sabi. Tumingin ako sa mukha niya. Sinusuri pa rin niya ang buong kwarto na sinabitan ko ng bawang sa mga bintana at ceiling naglagay din ako ng bigas at asin sa mga bintana at sulok. Kahit sa likod ng pinto sinabitan ko rin ng bawang.
"H..hindi"
"Hindi naman pala bakit ka pa naglagay ng mga ganyan? sinayang mo lang pagod mo sa walang kwentang bagay" tinanggal niya yung bawang na nakasabit sa pinto at humarap sa akin.
"Hindi ka ba takot sa mga yan?"
"Bakit naman ako matatakot?"
"Kasi hindi ka tao" mahina kong sabi. Sinipa niya yung mga asin at bigas na nilagay ko sa sahig.
"Hindi kami mga engkanto aswang o manananggal para matakot diyan. Wolf kami Odessa. Kinakain rin namin yang mga bawang" napabagsak ang balikat ko at nanlumo sa sinabi niya. Edi walang saysay ang mga ginawa kong 'to hindi naman pala niya kinatatakutan.
"Kaya kung ako sayo kung ano man ang binabalak mo 'wag mo na ituloy dahil sinasayang mo lang oras mo" nasa harap ko na siya ngayon at nakangiti samantalang ako nakatingin lang sa kanya. Kinuha niya yung kanan kong kamay at binigay yung bawang.
"Kung galit ka pa sa akin. Sorry" napaiwas ako ng tingin dahil sa way ng pagtitig niya sa akin para akong natutunaw na yelo.
Nararamdaman ko pa rin yung init ng palad niya na nakahawak sa kamay ko.
"Kung natatakot ka sa pwede kong gawin. Kalimutan mo na yan dahil hinding hindi kita sasaktan Odessa. Hindi ko kayang makita yung babaeng mahal ko na tinatanggalan ko ng buhay. Kaya kitang protektahan sa lahat ng bagay kahit kapalit ng buhay ko.."napahinto siya nung napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko pang maniwala o hindi. Pero sa pagkakasabi niya punong puno ng sensiridad. Pati sa way ng pagtingin niya sa akin walang halong pagsisinungalin.
"...Kaya sana 'wag mo na akong iwasan. Alam ko mahirap intindihin pero sana bigyan mo ako ng chance na ipakita sayo lahat ng sinasabi ko. Mahal na mahal kita Odessa at hinding hindi ko pinlano sa buhay ko na mawala ka" nagulat ako ng bigla niya akong ilapit papunta sa kanya at yakapin.
Naramdaman ko na naman yung bilis ng tibok ng puso ko at hindi nga nagbago nararamdaman ko rin yung tibok ng puso niya. Bakit ganito?
"Kapag malapit tayo sa isa't isa laging nagwawala yung mga puso natin. Para silang nag-uusap at tayo ang nakakaintindi kung ano yun"
"Ikaw lang Zach. Dahil yung akin iba ang sinasabi, hindi parehas yung sinasabi ng sayo" sinusubakan kong lumayo sa kanya pero maslalo lang niyang hinigpitan.
"Ayaw mo kasing hayaan kung ano ang sinasabi niya. Kinokontra mo sa gusto niya"
"Hindi. Mas alam ko kung bakit ganito ang tibok ng puso ko at mali ang iniisip mo"
"Kahit kelan hindi nagsisinungaling ang puso Odessa hindi niya ito kayang itago ang katotohanan kahit anong sabihin mo parehas tayo ng nararamdaman at parehas na isa ang tinitibok ng mga puso natin"
"Ano ba Zachael!!" tinulak ko siya ng sobrang lakas. Hindi ko na kayang marinig yung mga sinasabi niya. Hindi na madigest ng tenga ko lahat ng binibitawan niyang salita. Pinangungunahan niya ako. At konti na lang malapit na akong bumigay at maniwala. Pero hindi pa sapat lahat ng sinasabi niya.
"Ano na naman ba Odessa? Papalabasin mo na naman ako? Bakit ba lagi ka na lang ganyan?"
"Oo. lumabas ka muna Zachael please?" tumalikod ako sa kanya. At lumayo ng konti. Eto lang yung paraan para hindi ulit ako maniwala sa mga sinasabi niya.
"Odessa kung lagi mo na lang akong pinagtatabuyan hinding hindi mo ko matatanggap. Kung lagi mo na lang akong tinatalikuran hindi mo maiintindihan lahat ng sinasabi ko. Lagi ka na lang umiiwas kapag ganito na!" tumaas na ang boses niya.
Napatahimik ako. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kaya kong intindihin lahat ng sinasabi niya pero yung tanggapin kung ano siya? Hindi! Natatakot ako. Sobra.
"Odess ginawa ko naman lahat, umiwas ako, sinubukan kong iwasan lahat ng bagay na ikakatakot mo kahit pinaka mahirap na gawin ang pagkain ng tao ginawa kong iwasan pero bakit hindi mo pa rin ako matanggap? Pinatunayan ko na mahal kita pero hindi mo pa rin maramdaman"
"Odessa" tumingala ako ng nasa harapan ko na siya. Hinawakan niya yung magkabilang balikat.
"Subukan mong labanan yang takot na bumabagabag sa puso mo matatanggap mo ako" sa salitang yun parang unti-unting nagigiba yung nararamdaman ng nasa puso ko. Parang maslalong lumilinaw kung ano talaga ang gusto ng puso ko. Nagkatitigan kami ng ilang minuto. Para akong kinukumbinsi ng mata niya. Tinutulungan na alisin kung ano man ang nararamdaman ng puso ko.
"Pero Zach.." napahinto ako nang dumampi ang malambot niyang labi sa noo ko.
"Bibigyan kita ng isang araw mag-isip at magdesisyon para maslalo kang malinawan. Pero kung ganun pa rin ang nararamdaman ng puso mo. Wala pa rin pagbabago..." niyakap niya ako ng mahigpit bago ituloy ang sasabihin niya.
"Papalayain na kita kahit hindi ko gustong gawin. Maslalo lang kasi akong nasasaktan kapag nakikita kitang takot at balisa kapag kasama ako" humarap ako sa kanya at tinignan siya. Sobrang lungkot ang nakaukit sa mukha niya.
"Sorry Zachael"
BINABASA MO ANG
I'm Meant To A Wolf (Under Editing)
WerewolfPaano kung ang isang beses niyong pagkikita ay dapat umabot ng pang habambuhay? What would you do if you trap in a situation that you can't do nothing but to accept the fact that you are really Meant to be? Worst, not in a Human but with the WOLF...