Chapter 19: I'm Meant To A Wolf

1.8K 47 0
                                    

✶ I'm Meant To A Wolf ✶

♚♚

NINETEEN

♚♚

"Odessa Pov"

"Sorry Zachael" yun ang huli kong sinabi bago ako tumalikod sa kanya. Bago ako lumabas ng pinto nakita ko siyang umupo sa sahig at ginulo ang buhok. Hinihintay kong magpalit siya ng anyo pero kahit isang buhok na lumabas sa mukha niya wala akong nakita.

"Odess" bulong niya nang magtama ang mata namin. Lumabas na ko at iniwan siya sa loob.

--

Ang hirap magdesisyon sa isang bagay na hindi ka pa sigurado. Ang hirap gumawa ng unang hakbang na alam mong may taong masasaktan. Mas uunahin mo pa ang nararamdaman ng ibang tao kesa sa mararamdaman mo.

Alam ko kung ano ang pakiramdam nang naiiwan na alam mo kahit kelan hindi na ito babalik.

Isa isa ko nang tinatanggal sa hanger ang mga damit ko at mag-iisang oras na ako sa ginagawa ko pero nakaka limang tanggal pa lang ako.

Isang araw ang ginawa kong pag-iisip sa sinabi niya. At hanggang ngayon nagdadalawang isip pa rin ako. Gusto ko nang umalis dito pero parang may isang bagay na tumutulok sa akin na huwag iyon gawin.

May nararamdaman na ba ako sa kanya? O isang awa lang ito?

Napatingin ako sa gawi ng pinto ng may makitang mabilis na aninong dumaan. Lumapit ako at sinilip kung ano yun.

Likod ng isang lalaki ang naabutan ko bago tuluyang mawala sa paningin ko.

"Zachael?" nasambit ko. Anong meron ba't siya nagmamadali?

Lumabas ako at sinundan kung saan siya pumunta. Ang bilis niyang maglakad. Para siyang may hinahabol. Napahinto ako at nagtago sa likod ng poste nang huminto siya.

Nakatayo lang siya dun at parang may hinihintay. Nilibot ko naman yung paningin ko sa paligid. Parang familiar 'tong lugar na 'to sa akin. Nakita ko na ito eh. Pero hindi ko alam kung saan.

Maraming bahay pero halatang walang tao dahil nakapatay ang mga ilaw at maraming dahon na nahuhulog sa harap ng mga ito. Yung kalsada na sobrang tahimik pero may street light ngunit hindi masyadong maliwanag at yung dulo ng lugar madilim nakakatakot dahil sa mapuno.

"Anong ginagawa niya dyan?" tanong ko sa sarili.

Lalabas na sana ako si pinagtataguan ko ng may biglang lalaking lumitaw sa harap ni Zachael. Kahawig niya ito 'yun lamang pinalilibutan na ng kulay puti ang buhok niya. Ama niya.

"Alpha" sambit nito bago iyuko ang kanyang ulo.

Nagtago muli ako at pinakinggan ang kanilang usapan. Kaya pala nagmamadali siya dahil dito.

"Zachael anak, sana naman nagbago na ang takbo ng utak mo. Mahabang panahon na ang binigay namin sayo para hindi ka guluhin sana yung mahabang panahon na iyon naimulat na ng isipan mo kung ano ang nararapat sayo"

"Ama yung mahabang panahon na iyon parang katumbas lang ng isang araw para sa akin. Yung magandang bagay na matagal ko ng gustong mangyari yung matagal ko ng pinaghihirapan nakuha ko na, nasa akin na pero..."

Napahinto siya at biglang napunta ang tingin sa gawi ko kaya agad akong nagtago. Napahinto ako sa paghinga at naramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko, para na naman akong aatakihin nito.

"Anak"

"Pero Ama" narinig kong napiyok siya bago ituloy ang sasabihin.

"lahat ng yun mawawala na lang nang bigla bigla. Parang nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman ng mga tao kapag kinakain ko sila"

Sumilip muli ako nang hawak hawak na ang dibdib ko hindi pa rin ito humuhupa sa bilis. Nakayakap ang Ama ni Zachael sa kanya.

"Anak ang dami mo nang nilabag sa mga utos ko. Ikaw lang ang lobo na sinuway ang Alpha at ikaw lang din ang unang tumalikod sa pagiging isang lobo para lang hanapin yung mortal na babaeng nagpatibok sa puso mo"

"Ama si Odessa lang ang babaeng nagparamdam sa akin ng ganito, kaya kong iwan lahat kahit yung tungkulin ko na maging isang Alpha gagawin ko. Kahit yung bagay na gustong gusto ko ng gawin pero hindi pwede dahil alam ko na ikakatakot niya"

Nabato ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang mahaba niyang litanya. Ako ba ang tinutukoy ni Zach? Yung babaeng mas pipiliin niya kesa sa iba? Kaya niyang iwan lahat basta makasama lang ako?

Ako ba yun Zach? Pero bakit ako? Marami namang iba diyan?

"Zachael lahat tayo nakatadhana sa iisang tao, para lamang sa isa. Yung tadhana lang ang nakakaalam kung kanino tayo nararapat. Kahit anong pursigi ang ibigay mo para lang mahilin ka ng taong minamahal mo kung hindi naman nakalaan sayo walang saysay lahat ng ginagawa mo, para kang nag-iigib ng isang tubig ng drum na may butas"

Umiling iling ito sa sinabi ng kanyang Ama. Hindi ito sang-ayon sa mga sinasabi ng Ama.

"Alam kong magbabago pa ang desisyon ni Odessa, alam kong hindi niya ako iiwan. Mapipilit ko pa siya para hindi niya ako iwan. Nararamdaman ko mahal niya na ako pero kinakain lang siya ng takot. Parehas na kami ng nararamdaman"

Hindi ko na napigilan ang luha ko sa mga naririnig ko kay Zach. Masyado na siyang despirado. Ganun niya ako kamahal at hindi basta basta sumusuko. Pinaglalaban niya kung ano ang nararamdaman ng puso niya.

"Ang lobo ay para lang sa lobo at ang tao para lang sa tao. Hindi pwedeng maging kayo Zachael"

"Walang batas para sa akin. Si Odessa ay para lang kay Zachael. Sa akin lang"

"Tao siya Zachael at kahit anong gawin mo hinding hindi siya magiging lobo katulad natin"

Sa sinabi ng kanyang Ama nag-iba agad ang tingin niya. Parang lalapain niya ito sa sobrang talim ng tingin.

"Mas malakas pa rin ako Zachael tandaan mo yan"

Sa isang segundo nawala si Zachael sa harap ng kanyang Ama. Sumunod din na nawala ang kanyang Ama. Tahimik na ang kalsada.

Naririnig ko pa rin sa utak ko lahat ng salita na binitawan ni Zach. Ganun niya ako kamahal? Pero hindi kami pwede. Ama na niya ang nagsabi nito. 

Napaisip ako ng maalala ang salitang Alpha na binanggit ni Zach. Kaya niyang talikuran ang tungkulin na maging Alpha para lang sa akin? Hindi ba isang malaking tungkulin ang maging Alpha at higit sa lahat maraming lobo ang gustong maging isang Alpha. Ilang siglo bago lumipas para maging isang ganap kang Alpha. Pero bakit si Zach parang balewala lang ito sa kanya. Sa katunayan base sa nabasa ko pwedeng hindi na abutin ng ilang siglo para maging Alpha basta't kung kanina  gustong ipasa pwede itong ipasa. Kaya pala si Zach kahit hindi na niya hintayin ang ilang siglo o magpakahirap para makamit yun ayos lang dahil Ama niya ay isang Alpha.

Bago ako umalis dun hinanap ko muna kung ano ang mga gumugulo sa utak ko. At ngayon nga isa-isa ng lumilinaw sa utak ko. Naiintindihan ko na. 

Totoo ang sinabi ng Alpha wala pa ni isang lobo ang nagmahal sa mga mortal at si Zach lang ang unang lumabag ng batas na yun.

Hindi talaga pwede Zach.  Hinawakan ko ang puso ko at huminga ng malalim. Wala lang 'to.

Tumalikod na ako para sana umalis dun ng bigla kong nakita si Zach sa harapan ko.

"Zachael?"

"Odessa"

I'm Meant To A Wolf (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon