*EPILOGUE*

3.9K 95 9
                                    

I'm Meant To A Wolf

♚♚

EPILOGUE

♚♚

Bakit kung kelan okay na ang lahat, tanggap na ang lahat tsaka naman mawawala ng isang iglap. Yung mga nakasanayan mong bagay kinabukasan kailangan mo nang kalimutan at baguhin.

Yung akala mo yun na ang ending kasi masaya na pero hindi mo alam nasa climax ka pa lang. Pero sabi nga nila kung marami pang humahadlang sa love story niyo hindi pa yun ang ending. Paano naman kung yung taong dapat kasama mong tumahak sa love story niyo nauna nang nawala. Yun na ba ang ending? Katapusan na ba ng kwento niyong dalawa? Dapat ko na bang kalimutan lahat? Oh hintayin ko pa na baka dumating siya ulit?

Ang hirap. Hindi ko alam kung aasa pa ba ako na babalik sya or hindi na. Kung may hinihintay pa ba ako o wala na. Na kailangan ko na ba siyang kalimutan at magumpisa ulit.

Natatakot ako na kapag okay na ko, handa na kong magmahal ulit tsaka siya magpapakita, tsaka siya magpaparamdam. Kaya hanggang ngayon, tatlong taon na ang lumipas heto pa rin ako naghihintay sa pagbalik nya.

"Hoy Azl! Lutang ka na naman! Ano na naman yang iniisip mo ha?" biglang sigaw ni Mace sa harapan ko. Bigla naman akong napatingin sa kanya at napailing.

"Echosera ka! Tara na nga at umuwi na tayo" saad nya at nagumpisa nang maglakad papunta sa kotse nya. Kakatapos lang ng trabaho namin ni Mace at sa tatlong taon naming pagtatrabaho sa kompanya, nakaipon si Mace ng pera para sa kotse nya at ako naman sariling bahay.

"Wait a minute!" napahinto ako sa paglalakad nung huminto si Mace at humarap sa akin.

"Hindi pala ako uuwi sa condo mo. Dun ako sa bahay ni Boyfriend matutulog"

"Ano?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Tsk! Muntik ko nang makalimutan." Sabay palo ng mahina sa ulo nya.

"So Azl alam na this. Mag commute ka na at hindi kita mahahatid. Okay?" bigla ko siyang inirapan nung sinabi nya iyon.

"So paano Azl, mauna na ko ah?" Tumango lang ako.

"Okay" tipid kong sagot sa kanya.

"Tama na kasi ang kakahintay sa taong matagal nang hindi nagpaparamdam" pahabol nitong sabi bago pumasok sa kanyang kotse. Napailing na lang ako.

Naglakad na ko papunta sa sakayan ng jeep. Tutal malapit lang naman magjijeep na lang ako kesa magtaxi pa. Ang tagal ko na palang hindi nakakasakay ng jeep. Ang huling sakay ko nung andito pa si Zach. Kasi lagi kong kasabay si Mace umuwi or kung hindi naman taxi.

Habang nakasakay ako hindi ko maiwasan na hindi maalala si Zach. Hindi ko pa kaya, hindi ko pa kayang maghanap ng bago, hindi pa handa yung puso ko, sariwa pa sakin lahat ng pangyayari kahit ilang taon na ang lumipas. Mahigit tatlong taon na rin. Tatlong taong walang pagpaparamdam. Sa tatlong taon na yun wala akong naging balita tungkol sa kanya. Tatlong taon akong naghintay at umasa na babalik pa sya. Araw araw ko syang hinihintay, walang araw na hindi siya nawala sa isip ko. Ang laki ng naging epekto niya sa akin nung iniwan niya ko. Nasanay ako sa presensya niya. Kalahati ng pagkatao ko nasa kanya. Sa tatlong taon na yun para akong patay, hindi nakakausap, hindi makakain, hindi makatulog, sobra sobra akong nasaktan. Lagi ko siyang napapanaginipan kesyo kasama ko na daw sya nakakausap, sinasabihan ng mga sweet words.

Hindi ko alam na aabot kami sa ganitong bagay. Kung kelan tanggap ko na lahat lahat, kung kelan mahal na mahal ko na siya tsaka sya mawawala. Noong panahon na yun hindi ko alam kung paano ako muling magsisimula, saan ko uumpisahan. Kung kailangan ko na ba talagang kalimutan lahat sa amin, bitawan yung mga pangako nya.

I'm Meant To A Wolf (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon