✶ I'm Meant To A Wolf ✶
♚♚
FOURTEEN
♚♚
"Lobo?" malamig nitong sambit. Sabay kaming napalingon ni Mace sa nagsalita.
Nagulat ako sa nakita ko. Walang ano-anong lumapit siya sa akin para halikan ako sa pisngi. Nabato ako sa ginawa niya. Nakatingin lang ako sa maamo niyang mukha at sa inosente niyang mata. Ngayon lang niya ginawa sa akin iyon kahit araw araw niya akong sinusundo sa school. Kaya ganito na lang ako kung rumeact.
"Hi. Pasensiya kung hindi kita naihatid kanina" malambing nitong sabi na nagpabalik sa normal kong kilos.
"Okay lang naiintindihan ko naman. Sa'n ka ba pumunta?" tanong ko sa kanya. Nabaling bigla sa iba ang tingin niya.
"Siya ba yung kaibigan mo?" hindi niya pinansin ang tanong ko. Hindi ko na lang binigyan pansin 'yun.
"Oo. Si Mace, bestfriend ko. Mace siya si Zachael, sa kanya ako ngayon nakikitira hanggang matapos itong taon." pagpapakilala ko sa kanila. Nagkatitigan lang sila. Parang may kahulugan ang tinginan nila na hindi ko maintindihan kaya agad akong sumingit. Naniniwala ako sa salitang Love at first sight at maraming lalake dyan para sa kaibigan ko at hindi namin pwedeng paghatian o pag awayan ang isang lalake.
Ahhh! ano ba 'tong pinag'iisip ko.
"Kilala mo na siya?" tanong ko. Naputol na ang tinginan nila at sa akin nabaling.
"Hindi pero ilang beses ko na siyang nakita na kasama mo" saad ni Zach. Hindi naging komportable yung ihip ng hangin sa pagitan namin. Palipat lipat lang yung tingin ko sa kanilang dalawa. Si Mace hindi maalis ang tingin kay Zach na nasa gitna namin. Yung tingin niya parang sinusuri ang isang bagay.
"aah ganun ba" tipid kong sagot. Napansin ni Mace yung itinatago kong kilos kaya bigla na siyang nagsalita.
"Azl mauna na ako sa inyo. Huwag kang mag'aalala hindi ako galit sayo at never akong magagalit sayo dahil ikaw na lang yung taong pwede kong pagsabihin ng mga problema ko. Basta mag'iingat ka maraming nangyayari sa lugar natin na kakabaiba" bigla siyang lumingon kay Zach nung sinabi niya ang huling salita.
"Sige ikaw rin. Magkita na lang tayo bukas" tumalikod na siya sa amin at nagsimula nang maglakad palabas ng gate
"Halika na?" tumango ako sa kanya. Hinawakan niya yung kamay ko bago mag'umpisang maglakad papunta sa kotse niyang nakapark sa gilid lang ng kalsada. Ang init ng palad niya at ang sarap hawakan habambuhay..
"Naniniwala ka ba sa mga lobo?" tanong ko habang nagdadrive na siya. Lumingon siya saglit sa akin bago ibalik ang tingin sa madilim na daan.
"Ikaw?" balik tanong niya sa akin
"Hindi ko alam"
Bumagal ang takbo ng sasakyan at matagal na tumingin sa mata ko.
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga lobo o hindi. Pero dahil sa sinabi ni Mace sa mga lobo. Sila daw ang pumapatay parang ang hirap paniwalaan. Marami naman ibang rason kung bakit bigla silang nawala at ang dahilan nang pagkamatay nila. Bakit kailangan pang iparatang ang dahilan sa mga lobo na hindi naman totoo.
"Ikaw?" tanong ko. Hininto niya yung sasakyan sa gilid. Nagtaka ako nung hindi siya umimik ng ilang minuto at nakatingin lang sa mga mata ko.
"Bakit tayo huminto?" naiilang ako sa sitwasyon naming dalawa. Tumalbog ng mabilis ang puso ko nung hinawakan niya yung nanlalamig ko na pa lang kamay.
"Mahal kita Odessa at habambuhay kong ipaparamdam sayo 'yan. Oo, naniniwala akong may nabubuhay na lobo pero kung hindi mo kayang paniwalaan o tanggapin ang mga ito dahil lang sa takot...." huminto siya at huminga ng malalim. Hinawakan niya nang mahigpit ang mga kamay ko sa ibabaw ng hita ko. Napansin ko na napangiti siya habang nakatingin sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
I'm Meant To A Wolf (Under Editing)
Hombres LoboPaano kung ang isang beses niyong pagkikita ay dapat umabot ng pang habambuhay? What would you do if you trap in a situation that you can't do nothing but to accept the fact that you are really Meant to be? Worst, not in a Human but with the WOLF...