✶ I'm Meant To A Wolf ✶
♚♚
SIX
♚♚
May mga pangyayaring nakatadhana para sa atin. Maganda man ito o hindi wala tayong magagawa dahil ito ang kapalaran na ibinigay sa atin. You just need to accept and learn to appreciate. In the end you will find yourself enjoying it and already move on.
"Tahan na" hagod ko sa likod niya. Kanina pa iyak ng iyak si Mace at wala akong magawa kundi patahanin at yakapin lang siya.
Ito lang naman ang kaya kong gawin para kahit papaano maibsan yung sakit na nararamdaman niya.
Pero maslalo lang siyang humahagulgol.
"Tahan na Mace, tanggapin na lang natin. Sigurado na masaya na siya kung asan man siya ngayon" niyakap ko siya. Pinunasan niya yung mukha niyang basang basa ng luha.
Ngayon ko lang nakita si Mace na sobrang lungkot at humagulgol sa pag iyak. At naawa ako para sa bestfriend ko. Tanging advice at paparamdam lang na andito ako sa tabi niya ang kaya kong gawin.
Kung hindi nga lang kasalanan ang pagpatay matagal ko ng pinatay yung taong pumatay sa pinsan ni Mace.
Kaming dalawa na lang ni Mace ang naiwan dito sa sementeryo yung iba umalis na pati na rin ang kanyang kamag-anak at yung may kakilala kay Joshua.
"Hindi ko lang siya nakasama bago nawala, walang mga goodbyes at I miss you" sabi ni Mace na may pagsisisi sa boses.
Tumigil na siya sa pag-iyak pero bakas pa rin sa mga mata niya ang pagkalungkot.
Ngayon ko lahat naintindihan kung bakit itong mga nakaraang araw sobrang kakaiba siya. Hindi ko siya madalas kasama sa school kasi maaga siyang umuuwi o kaya naman absent or late kung pumasok.
"At ngayon kahit isang sulyap lang ng mukha niya hindi ko lang nakita"
"Shhh" hinagod ko ulit ang likod niya dahil naguumpisa na naman tumulo ang luha niya.
"Siguradong pinagsisisihan na ng taong walang pusong yun ang ginawa niya sa pinsan mo. Hindi yun papatulugin ng konsensiya niya" sagot ko sa kanya habang nakatingin sa picture na nasa ibabaw ng lapida.
Walang bangkay ang nasa loob ng kabaong kundi mga mahahalagang gamit lang ng kanyang pinsan.
Siya ang Missing na nakapaskil sa Announment board sa school. Halos one week na siyang nawawala at hindi pa rin nahahanap. Kaya ang sabi ng mga pulis at investigator ay patay na daw ang pinsan niya.
Yung babae naman na kasama niya nasa ibang sementeryo nakalibing. Bangkay lang niya ang nakita pero ang pinsan ni Mace hindi na. Tanging mga cellphone at wallet lang ang nakita dun.
Tiningnan ko si Mace na nakatingin sa picture ng pinsan niya. Hindi lang pinsan ang turing niya dito kundi matalik na kaibigan at kapatid.
Siya lang na pinsan niya ang kaclose ni Mace dahil kaya niyang sabayan ang mood ni Mace. Pinagtatanggol siya sa tuwing pinapagalitan ng papa niya. Kaya hindi biro ang pinagsamahan nila ng pinsan niya.
Ilang minuto pa kaming nagstay bago magpasyang tumayo.
"Hatid na kita?" alok ko kay Mace habang palabas sa sementeryo. Tumango lang siya.
Habang naglalakad kami papunta sa kotse ni Mace medyo hindi ako komportable maglakad parang naiilang ako. Parang may nakatingin sa amin.
Lumingon ako sa paligid at tama nga ang hula ko may nakatingin sa direksyon namin ni Mace.
Lalaking nakahood na kulay red medyo may kalayuan nga lang sa amin kaya hindi ko makita ang mukha.
Hindi ko na lang pinansin. Bumabalik na naman kasi ang nangyari sa akin noong araw na yun.
Ilang days akong hindi nakatulog dahil sa sinabi niya. At hanggang ngayon isang malaking palaisipan pa rin sa akin. Hindi ko alam kong papaniwalanan ko yun o hahayaan na lang. Pero paano kung totoo nga ang sinasabi niya.
May pagkaparehas sila sa sinabi ni lola sa akin.
"Hoy! Ayos ka lang? Natunganga ka" bumalik ako sa ulirat ko ng magsalita si Mace sa harap ko.
"Ahh? O-oo, ayos lang ako. Halika na." naglakad na kami papunta sa kotse niya.
Pagkasakay ko sa driver seat hindi ko muna pinaandar ang makina tiningnan ko muna ulit yung lalaki pero wala na siya.
Umiling na lang ako. Siguro isa sa mga kaibigan ni Josh yun.
"Anong balak mo?" napakunot ang noo ko sa tanong ni Mace. Nakatingin pa rin ako sa daan habang nagdadrive.
"Saan?"
"Sa debut mo. Bukas na" napatingin ako sa kanya kahit patuloy na nagdadrive. Debut ko na bukas. Ba't hindi ko alam. Ang bilis ata ng panahon.
Tumingin ako sa kalsada. Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ako makapaniwala debut ko na pala bukas. Nawala sa isip ko.
Lumingon ako kay Mace. Nakataas ang isa niyang kilay na nagsasabi 'wag mong sabihin na nakalimutan mo?'
*beeeeeep*
"AAAAAAAAAAAAAAhh!" sigaw ni Mace ng bigla kong naliko sa kaliwa ang sasakyan. Hindi ko namalayan sinasakop ko na pala ang daan at muntik na kaming mabunggo ng van.
Tiningnan ko si Mace na nanlalaki ang mata. Buti na lang nakaseatbelt kami.
"Sorry" sabi ko.
"Okay lang"
Ilang minutong katahimikan nakarecover na kami sa nangyari.
"Okay. So balik tayo sa debut mong nakalimutan" umpisa niya diretso lang ang tingin ko sa daan.
"Hayaan mo na ako ang mag-organize nun..."
"Ayoko!!" sagot ko bigla. Napatingin siya sa akin ng may pagkagulat.
"At bakit?" tanong niya.
"May trauma na ko sa pag-oorganize mo ng party Mace" sagot ko.
Naalala ko kasi noong bago ako mag-17 siya ang nag-organized ng party ko at hindi naging maganda ang resulta although maraming nag-enjoy at isa na ko dun. Pero Muntik na kaming magbayad ng malaki dahil sa kagagawan niya. Buti at naayos ng mga parents namin.
Akalain mo naman kasi ang venue ng party ko sa playground. Gabi ginanap kaya wala ng mga tao nun para pagbawalan kami.
Inayos lang nila, pinaganda, nilagyan ng mga upuan, lamesa, dekorasyon at iba pa para maging bongga ang party. Syempre hindi mawawala ang alak kapag may party. Ang daming nalasing, naging wild ang mga tao at nagwala.
Yun ang naging rason kung bakit muntik na kaming magbayad dahil kinabukasan nun ang daming mga kalat, suka, basag na bote. May mga iba pang nasira dun sa playground at kagagawan yun lahat ni Mace dahil siya ang nag-organized. Kaya ayoko ng maulit ulit yun.
"Please Azl! Hindi naman na mauulit yung nangyari last year, pagbigyan mo na ko. Papagandahin ko party mo. Hihigitan ko pa ang salitang bongga, kaya hayaan mo na ako ang mag-organize ulit" pagsusumamo niya. Tiningyan ko lang siya at hindi sumagot.
Lumingon siya sa bintana at nagsalita ulit "Gusto ko rin makalimutan yung nangyari" malungkot niyang sabi.
"Oo na, sige na, ikaw na. Basta 'wag ng mauulit yung nakaraan" sagot ko ng nakangiti. Lumingon siya sa akin ng nakangiti at hindi makapaniwala. Sana lang walang masamang mangyayari.
"Thank You! Don't worry, magugustuhan mo 'to" ngiti niya sa akin. Medyo bumabalik na rin siya sa dating Mace na nakilala ko.
BINABASA MO ANG
I'm Meant To A Wolf (Under Editing)
WerewolfPaano kung ang isang beses niyong pagkikita ay dapat umabot ng pang habambuhay? What would you do if you trap in a situation that you can't do nothing but to accept the fact that you are really Meant to be? Worst, not in a Human but with the WOLF...