✶ I'm Meant To A Wolf ✶
♚♚
TWENTY ONE
♚♚
'Odessa Pov'
'Mahal din kita'
"Wala ng bawian" sambit niya ng lumayo na sa yakap. Napangiti na lang ako. Hindi lumabas sa bibig ko pero ramdam ng puso niya kung ano ang nararamdaman ng puso ko.
"Ma'am Sir pwedeng pagpasunod naman kayo? Marami pa kasing nakapila" napalingon kami sa nagsalita. Tumingin ako sa bintana. Huminto na pala hindi man lang namin napansin.
"Halika na" kinuha ni Zach ang kamay ko at umalis na doon. Ang daming mata na nakatingin sa amin habang naglalakad paalis doon.
"Grabe naman makatingin mga yun. Kulang nalang lamunin nila tayo ng buo" tumawa lang siya sa sinabi ko.
"Hindi man lang natin napansin na huminto na pala yung Ferris wheel" ikot lang kami ng ikot hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng mga paa namin. Maganda yung lugar marami pang mga rides na magaganda pero ang pinaka highlight dito yung Giant Ferris Wheel maraming mga tao ang nakapila. Ibang iba kasi siya sa mga ferris wheel na nakikita ko.
"Sa pagkakaalam ko may 30 minutes ng huminto yung ferris wheel para bumaba tayo" nagulat ako sa sinabi niya. Nabitawan ko kamay niya at napalingon sa kanya.
"Alam mo na huminto na yung ferris wheel?" tanong ko. Napahinto ako sa paglalakad. Tumango siya.
"Ba't hindi muna ako niyayang bumaba? Nakakahiya tuloy sa mga naghintay. Kaya pala ang sasakit kung tumingin sa atin" napataas na lang ako ng kilay.
"Makakapaghintay naman sila pero ako hindi. Ayokong putulin yung yakap mo. Ang sarap sa pakiramdam" bigla niyang sabi habang nakangiti at yakap yakap ang sarili.
Pinalo ko naman siya sa braso. Parang ewan lang yung mukha.
"Halika na nga" sambit ko. Inakbayan naman niya ako. Hindi na ko nagprotesta. Hinayaan ko na lang. Ang init ng katawan niya.
"Alam mo Zach pansin ko kanina pa tayo lakad ng lakad. Sa'n ba talaga ang destinasyon natin?" tanong ko. Mag-iisang oras na kaming palakad lakad. Pagod na ko wala naman kaming mapag-stay-an. Masakit na rin yung paa. Nakakapit na ako sa mga braso niya dahil halos hindi ko na maihakbang ang mga paa.
Tumingala ako para tignan siya. Mukhang hindi siya napapagod at halatang walang iniindang sakit sa mga paa. Nakakaasar tuloy ang pogi pa rin ng dating niya. Subalit ako hindi ko na maiayos ang lakad ko. Tsk!
Napatingin ako sa harap namin at may dalawang babae ang nakatingin sa kanya. Hindi lang nakatingin eh, parang pinagpapantasyahan yung kagwapuhan niya. Kalandi landing dalawa. Nakakabwesit!
Tumingin ako sa kanya at nakita ko na nginitian niya yung dalawang malanding babae sa harapan namin bago tumingin sa akin.
Tiningnan ko siya ng masama at inapakan ang paa niya.
"Bakit?" tanong niya habang tinatago ang ngiti.
"Anong bakit ka dyan? Hindi ba dapat aray kasi inapakan ko paa mo?" inis kong sabi.
"Inapakan mo ba paa ko?" tanong niya. Hindi ko alam kung manhid siya o nang iinis. Inapakan ko ulit yung paa niya pero this time full force kahit masakit na ang paa ko.
"Ouch!" daing niya.
"Oh ano masakit o hindi?"
"Masakit"
"Buti naman" tinignan ko ulit yung dalawang babae sa harap ko at tinignan sila ng masama. Tinarayan nila ako bago tumalikod sa amin.
"Mga panget" bulong ko
BINABASA MO ANG
I'm Meant To A Wolf (Under Editing)
WerewolfPaano kung ang isang beses niyong pagkikita ay dapat umabot ng pang habambuhay? What would you do if you trap in a situation that you can't do nothing but to accept the fact that you are really Meant to be? Worst, not in a Human but with the WOLF...