Chapter 9: I'm Meant To A Wolf

3.7K 98 1
                                    

Nakaka-engganyong magsulat kapag may Rank ang story mo dito sa Wattpad. Kahit ang tagal mo mag-update hindi pa rin nawawala nandun pa rin siya sa Rank niya. At ako ay nag-eenjoy :)

Sana kayo rin :)

--

✶ I'm Meant To A Wolf ✶

♚♚

Nine

♚♚

Maraming kasabihan na tuwing bilog daw ang buwan may mga halimaw na nagsisilabasan, mga multong nagpapakita at malalaking hayop. Kaya may mga taong takot lumabas tuwing kabilugan ng buwan. Pero isang kasabihan lang naman ng mga matatanda yun. Ni wala pang ebidensiya na ipinakita kung totoo ba yun.

"Ba't hindi ka pa umuuwi?" napatigil ako sa pagtitig sa buwan ng may nagsalita sa likod ko. Pagtingin ko. Si Duke nakangiti .

"Naghihintay ako ng jeep para masakyan" sagot ko sa kanya ng nakangiti rin.

Lumingon siya sa kalsada kaliwa't kanan tapos sa 'kin.

"Ahh. Akala ko boyfriend mo ang hinihintay mo" mapang-asar niyang sabi habang ang laki ng ngiti. Tumawa lang ako sa sinabi niya.

"Baliw"

"Kay Rosalyn" sambit niya bigla. Nakita kong kumislap yung mata niya nung sinambit niya ang pangalan ng girlfriend niya.

"Inlove masyado, Dahan-dahan lang" biro ko sa kanya. Ngumiti lang ito at binaling ang tingin sa likod ko

"Andito na pala yung pinakamamahal kong girlfriend. Paano yan una na ko sayo. Ingat ka na lang at baka" nakita ko siyang sumilip sa kalangitan at tumingin sa buwan na bilog. Nakuha ko agad yung gusto niyang ipahiwatig.

Baliw talaga 'to. Nanakot pa. Napailing na lang ako.

Tinapik niya ang balikat ko at nilagpasan na ako. Pinagmasdan ko siyang lumapit kay Rosalyn. Niyakap niya ito sabay akbay "Namiss kita Lalove" narinig kong sinabi niya na puno ng pagmamahal. Napatingin sa 'kin si Rosalyn at ngumiti bago sila tumalikod sa 'kin.

Hindi ko aakalain na si Duke Carranco na laging tahimik sa school hindi umiimik at laging may sariling mundo ay may girlfriend. Akala ko habangbuhay na siyang ganun. Ang laki ng pinagbago niya.

May huminto ng jeep sa harap ko. Nagtaka ako nung pagsakay ko sa loob wala itong ibang pasahero kundi ako lang. Nakaramdam ako ng kaba. Tumaas din yung mga balahibo ko sa katawan. Umupo ako sa pinakadulo malapit sa labasan. Umandar na yung jeep. Humaplos sa 'kin yung lamig ng hangin galing sa labas. Niyakap ko na lang yung bag ko para mabawasan ang lamig.

Madilim ang kalsadang dinadaanan namin. Wala akong makitang mga bahay at sa tingin ko nagkaroon ng black out dahil walang ilaw ang mga street light. Tumingin na lang ako sa harap kung saan may ilaw. Sinubukan kong tingnan yung driver ng jeep mula sa rear mirror pero hindi ko maaninag dahil malabo ang salamin. May pagkaluma na.

Binalik ko na lang ang tingin sa labas ng bintana at eksaktong nakadungaw sa 'kin yung bilog na buwan. Mas lalong tumindig ang balahibo ko at bumilis yung tibok ng puso ko. Nakakaramdam na rin ako ng takot nung maalala yung mga kasabihan ng mga matatanda. Ayokong paniwalaan pero hindi ko maiwasan dahil sa mga napapansin ko ngayon.

Pumikit na lang ako at mahigpit na niyakap ang bag ko. Sinusubukan kong libangin ang utak ko para hindi maslalong matakot at hindi mag-isip ng kung ano-ano. Pero wala! Mas nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko.

Pagkatapos ng ilang segundo naramdaman ko na hindi na gumagalaw ang jeep. Hindi ko na rin naririnig yung makina nito. Bigla kong minulat ang mata at tumingin sa driver. Andun pa rin siya sa harap ng manibela. Tumingin ako sa labas kung nandito na ba ako sa bababaan ko. Wala akong makita, masyadong madilim sa labas.

I'm Meant To A Wolf (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon