Crazy Chap 03

247 13 9
                                    

Ally's POV

Ang bagal talaga tumakbo nung babaeng yun parang pagong. Nag bell na't lahat lahat wala parin si bestie Meg. Ano ba yan kalerki this! Baka dumating na si Mrs. Matilda eh. Hala si madam terror pa naman mas brutal pa kesa sa mga horror movies kapag nagpapaquiz.

Naku! Patay kang bata ka, pag na-late ka. Either CS/Detention/ basta yun na yun. Wala na akong maisip eh. Nakoooo ang tagal niya naririnig ko na yung mga yapak ni Mrs. Terror! Meg talaga pagkakupad-kupad kumilos.

Di porket nakalusot kami kanina makakalusot kami ulit ngayon. Anong paliwanag ang gagawin ko? Di pa naman ako magaling um-acting. Buti sana kung biniyayaan din ako ng katalinuhan katulad ng kay Meg kaso hindi eh. Haysss ang sarap Lord magbalat ng patatas! Nakooo ayan na

1......

2......

3......

"Hi Ally! Hoooo, napagod ako dun ah!Bakit niyo ako iniwan? Ang daya-daya niyo!"- Meg

"E kasi ang bagal-bagal mong tumakbo para kang naka slow motion. Umupo ka na bilis paparating na si Mrs. Matilda. Kulang na lang ata kanina humingi ako ng tulong sa kanunununuan ko eh... Pati ata patay eh! Patay na balat, patay na buhok, patay na kuko! Mmmmmmmm....anoooo bahh...." Sabay tanggal sa kamay ni Meg.

"Dami mo namang sinasabi. Nandito na nga eh."sabi ng bruha.

"Ano bang problema mo ha? Kita mong nagsasalita yung tao tapos bigla kang mantatakip ng bibig! Ano to bastusan? Sabihin mo lang kung may mabaho kang naaamoy galing sa bunganga ko hindi yung ganyan! Higit sa lahat busog ako kaya di ko kailangan na kainin yang kamay mo! Isa lang ang masasabi ko! Andyan na si Maaaaaam!!!!!"

Sabay ayos na kami ng upuan.

"Magandang umaga!"bati ng guro namin.

"Magandang umaga po, Ginang Matilda. Ikinagagalak po namin masilayan ang inyong magandang mukha." Asus, ganda ng greeting namin noh. Pambola lang yan. As if namang maganda talaga si madam. Hehehe.

Ang subject po namin ngayon ay Araling Panlipunan. AP for short. As usual balitaan na naman po! Walang kapagurang balitaan. Parang di ata si Ma'am nanood ng balita eh. Hindi updated sa kaganapan sa bansa... Hay nakooo baka walang pambili ng TV o ng radyo?

Hala siya nagsulputan nanaman yung mga kasamaan sa utak ko. Nako di ko namalayaan na mag qu-quiz na pala.

"O guys lam na dis ahh! Mag-nestie tayo. Share-share!"-Brie

"Nagreview ba kayo?"- Julie

"Nako basic! Nganga us!"- Ally

"Nako wala akong nireview noh. Wag niyo kong tignan ng ganyan!" -Meg

"Nakagawian!" -Sabay kindat si Brie

"Oo nga where's the cheating arrangement?"- Sabat naman ni Julie

"Ok class one seat apart! No books and notebooks are to be seen on your desks!"-Ani ni Mrs. Matilda. Hahaha. Parang ang sungit ng dating ng pangalan ni madam pero totoo naman eh, mabagsik siyang teacher.

Hala pano na yan! Bahala na nga si Batman, Superman, Spiderman at Wonderwoman! Lahat na ng may MAN isasali ko na.

"Get 1 whole sheet of pad paper!" utos ni Mam.

Nakooo! Wala akong papel. Hehehe. Di naman talaga ako nagdadala eh. Marami kasi niyan si Meg. Siya palagi ang may pinakamaraming dala sa amin. Buong bahay ata nila eh dinadala sa dito sa school.

"Uy Meg, alam mo na. Pahingi isa lang."sabi ko sabay bukas ng palad na parang nanlilimos.

"Hala! Wala din akong dala. Meg pahingi din ako." sabi naman ni Brie.

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon