Crazy Chap 23

46 6 6
                                    

Crazy Note:

Salamat po guyths for supporting our story. Namiss niyo ba si Ally, well pagbibgyan ko muna siya. Okay Ally, this is your crazy POV. Hope you'll liked it. Please leave comments and votes. Thank you!

Ally's POV

Hay.... Today is another day! Choss... Parang noodles lang ang peg. Ngayon po Monday, it means na mamaya na ang start ng part time job namin. Sobrang thankful ako kasi may mga kaibigan akong tulad nila. Mabait na... maganda pa... San ka pa?

Nandito kami ngayon sa CUG, remember? Yung tambayan namin. Kasama namin yung apat na asungot. Si Meg kasi eh niyaya pa si Matt, ayan tuloy kasama pati yung mga buntot.

Naglalaro ngayon ng jackstone sila Brie at Calvin. Para ngang bakla tong si Calvin eh, ang galing magjackstone. Kasasabi lang pala samin nitong Brie na ito na sinagot na niya si Charles. Well, naunahan niya pa ang lola niyo. JokeXD. Pero kahit na ayaw namin sa Charles na yun eh, susuportahan namin siya sa gusto niya.

Si Julie at Brian na naman paramg nasa chess tournament. Sobrang tahimik nilang dalawa, walang nagsasalita tapos galaw lang sila ng galaw ng pieces.

Si Meg naman at Matt nagjujumbling tower. Hahaha. Pareho silang tense na tense. Kakaunti na lang kasi ang natitirang blocks at any moment from now ay maaring na itong bumagsak. Newscaster lang ang peg ko? Hahaha.

Eto ako ngayon patagong nakikipagtext kay Jarren. Baka mapagalitan na naman ako ng mga lokarets kong kaibigan. Ayaw kasi nilang gumagamit ng cellphone dito sa school, masyadong loyal. Di ako nito mahuhuli no, nakasilent kaya. Tsk!

Nakayuko ako ngayon dito sa table, katapat ko ang isang kupal. Himala, tahimik ngayon si kupal, tulog ata. Hmpf! Bahala nga siya.

*buzz*

From: Jarren

Anong ginagawa mo ngayon?

To: Jarren

Wala naman... Nandito ako sa CUG. Ikaw anong ginagawa mo?

Sent

*buzz*

From: Jarren

May klase ako ngayon eh. Hahaha. Labas tayo mamaya. :)

Ano na naman kayang trip nitong Jarren na to?

"Bakit ba kanina pa nagvivibrate tong table?!"sabi ni Jake mula sa pagkakatulog. Baka nagising dahil sa vibration ng cellphone ko. Imfairness, ang gwapo niya. Teka, ano ba ang sinabi ko? Mukha nga siyang unggoy eh, oo tama. Hahaha. Mukhang unggoy.

"Shhh. Wag ka nga maingay baka mahuli pa ako eh."pabulong kong sabi.

"Akin na nga yan!"sabi niya sabay hablot ng cellphone ko. Teka, snatcher ka ah!

"Bakit mo kinuha cellphone ko? Meron ka naman ah. Inggit ka no!"halos pabulong kong sabi kasi baka mahuli ako no. Ayokong maconfiscate, mahal ko cellphone ko.
"Hmmm. May date ka pala ha!"sabi ni Jake na parang may namumuong itim na aura sa paligid niya.

"Ehhh. A-ano eh... Hindi naman ako sasama sa kanya mamaya eh, may gagawin kami nila Meg. Teka, bakit ko ba kailangang magpaliwanag sayo, tatay ba kita? Tsaka wag mo ngang basahin yan, hindi naman yan para sayo eh."sabi ko saka pilit na inaagaw ang cellphone ko sa kanya.

"Tsk. Good girl ka naman pala eh. Saan nga pala kayo pupunta mamaya?"tanong niya saka nag-unat unat.

Ang gwapo niya talaga! Kung hindi sana ganyan ang ugali mo baka crush na kita. Ay---Ano bang sinasabi ko?

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon