Crazy Chap 27

44 7 9
                                    

Brie's POV



"Guys! Bilis baka malate tayo sabi pa naman ni tita maraming customers tuwing wednesday.." sabi ni Ally. Ito kami ngayon, tumatakbo pano ba naman kasi si Sir Tedz ang daming alam nangaral nanaman samin kahit bell na. Kaya nung sinabi niyang 'you may now dismissed' nagsitayuan agad kaming apat tsaka tumakbo sa pinto. Buti nalang nasa likod kami kaya nakalabas kami agad.

"Hayst ang dami kasing alam na words of wisdom. Overtime na eh." -Julie

"Kung hindi nga lang kumatok yung best adviser natin malamang baka inabot pa tayo ng six o'clock." -Meg

"Saved by our adviser." sabi ko. Mabuti nalang talaga kundi late na talaga kami.

"Nandito na tayo! Yes nakaabot!" -Ally

Hindi nga nagkakamali si Ally pagkapasok palang namin, marami nang tao. Kakayanin ba namin toh? Pumasok agad kami sa staff room para makapagpalit kasi kailangang kailangang din daw kami ng tita ni Ally.

"Mga nak, puno na ang first floor ng cafe. Binuksan ko na kanina ang second floor, may mga tao na rin doon. May naka-toka na dito sa first floor doon nalang kayong apat bahala sa taas. Naku nak, kailangan mabilis bilis ang kilos mga ineng ha. Salamat hayaan niyo't baka mabigyan ko kayo ng bonus." sabi ng tita ni Ally. Kita sa mukha niya yung haggardness. Baka kahit siya yung may-ari ng cafe, tumutulong na rin siya.

Nag-paalam na rin kami tsaka namin sinimulan yung trabaho. Whoo kaya yan. Kumuha agad ako ng order tsaka ginawa dito sa loob ng kitchen ng cafe. Yung tatlo naman, may sari-sarili naring mundo.

"Ang swerte naman nila bakit sila yung sa taas? Duhh" dinig kong sabi nung isang babaeng nagt-trabaho din ditong mukhang palaka.

"Hayaan mo. Mas nakakapagod kaya, baba akyat hindi kaya sila maagang magkarayuma? Hahaha apir girl!" sabi naman nung isang parang clown dahil sa kapal ng make-up.

"Hay sabagay. Balita ko kase, may nagpareserve sa taas eh. You know, eh mga nagpapareserve lang dito mayayaman tsaka pogi diba?" sabi ulit nang palaka.

"Sus malay mo naman hindi. Malay mo mga gurang tapos may business meeting. Hay simula na nga tayo mahahaggard ang beauty natin kakaisip." sabi nung clown tsaka umalis. Aba binunggo pa talaga ako huh. Tch pasalamat sila busy ako. Kung hindi baka nabuhos ko sa pagmumukha nila tong mainit na kape.

"Ma'am, kung may kailangan po kayo tawagin niyo nalang po ako. Enjoy your drinks.." pagkatapos non, bumaba na ko para kumuha ng basahan tsaka trashcan. Nagkakasundo naman kaming apat sa taas kasi tingin palang nagkakaintindihan na kami.

"Nasan nga ba dito yung cleaning equipments... Ayun! Spray, basahan, mop, tsaka trashcan. Taralets." madali lang naman bitbitin lahat kasi nakalagay siya sa parang pushcart na may gulong. Basta ganun. Lumabas agad ako mamaya may bagong dating na na customer sa taas.

"Miss excuse me, may tatanong lang ako. Ito yung pass namin, nasan yung pinareserve naming table for four?" yan yung bungad agad sakin pagkalabas ko ng staff room habang tinutulak ko yung cleaning equipments.

"Calvin Emerson Lee Cameron University" hindi ako makagalaw nung nakita ko yung i.d niya. Patay na bakit sa dinami rami ng lugar dito pa. Shiiz buti nalang nakatungo ako hindi niya pa rin nakikita yung mukha ko. Para akong tuod dito. Anong gagawin ko?

"Miss ba—" naputol yung sasabihin niya nung nakisingit si clown.

"Ano yun pogi? Haha alam mo busy kasi siya wala siyang time para sayo. Anong kailangan mo sakin mo nalang itanong. " sabay irap sakin. Well, saved by the clown. Ito na yung pagkakataon para umalis ako tumakbo agad ako sa second floor para ituloy yung trabaho ko. Hooo nakahinga ako dun ah. Nakita ko dun yung tatlo. Si Ally nagseserve ng orders. Si Julie naman, naglilinis ng table. Si Meg naman, kumukuha ng orders sa customer. Nilapitan ko si Julie pero siyempre pasimple lang. Medyo dulo yung table na nililinis niya para ngang pang-VIP eh kasi ang ganda ng pwesto. Sabi nga pala ng tita ni Ally, iwasan muna daw ang usap-usap. Bago ako magsimula magsalita, nagmop muna ko.

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon