Crazy Chap 21

49 8 3
                                    

Crazy Note:
Hi guyths. Sorry medyo matagal na ding hindi nakapag-UD. Miss niyo na ba sina Meg, Ally, Julie, at Brie? O baka naman sina Matt, Jake, Brian, at Calvin ang hinahanap niyo? Sana po patuloy niyo pong suportahan ang IOCLW at wag kayong magsawang basahin tong story. Thanks to my loyal guyths!

Meg's POV

Nandito kami ngayon sa canteen since breaktime. Hindi naman kami gutom, gusto lang talaga namin dito tumambay ngayon. Nakaupo kami sa 8 seaters na table kahit apat lang kami. Bale mayroon kaming tig-iisang extra chairs.

"Uy Ally, ano pala sabi ng tita mo about dun sa pagpapart-time job natin? Ikaw Brie, pumayag ba parents mo? Julie, baka makasagabal pa iyon sa ginagawa mo, pansin ko kasi may pinagkakaabalahan noong nakaraang araw. Hays! Kakasya kaya ang sweldo natin dun para mabi----"

"MEG! PWEDE BA! HINAY-HINAY LANG HA!"-Ally

"Pwede ba wag ka sumigaw? Di tayo elepante sa Manila Zoo para maging Center of Attraction, okay?"-Meg

"Sorry naman."sabi ni Ally habang yumuyuko na parang Japanese.

"Uso naman ang period, Meg."-Julie

"Kelan pa? Trending na ba ang period?"-Meg

"Kalma lang, may date ka? Ayiee!"-Brie

"As if naman. Kelan kaya ako yayain ni Matt?"Hay! Ano kayang mangyayari sa date namin? Siguro dun niya aaminin na gusto niya ako. Waaah.

"Meg, matagal ko na itong tinatago sa iyo pero siguro ito na ang tamang time na sabihin ko sayong... Matagal na kitang gusto. Will you be my girlfriend?" sabi ni Matt habang nakaluhod.

"Sige."Waah! Si Matt, boyfriend ko?

"Talaga?" Teka, bakit naging babae ang boses?

"Oo nga." Naku, Matt. Hindi ako makapaniwalang magiging boyfriend na kita.

"So tayo na?"-Matt

"Totoo ba ito? Sampalin mo nga ako baka panaginip lang to. Hindi ako makapaniwalang boyfriend na kita!"

*paaaak*

"Aray ko naman! Bakit naman kailangang manampal?"ang lutong ng sampal. Sino bang matino ang mananampal ng hindi naman siya inaano?

" Hoy Meggy, ikaw pa ang may ganang magalit ha? Ikaw tong nagpapasampal tapos magagalit ka?"sabi Ally na parang nagtitimpi sa galit. Naku! Ang bulkang Ally sasabog na.

"Ano na naman bang iniisip mo? Ay, mali pala. SINO?"sabi ni Julie habang hinuhuli ang tingin ko. Mukhang alam nila naman ata eh kung sino.

"Akala namin nakikinig ka tapos yun pala gumagala na naman ang imagination mo kay---"naputol ang sasabihin ni Brie kasi dumating yung crush ko kasama yung tatlong buntot niya.

"Hi Bie!"sabi ni Calvin sabay akabay kay Brie.

"Bie your face. Panira ka naman ng moment."sabi ni Brie habang tinatanggal ang kamay ni Calvin na nakaakbay sa kanya.

"Anong pinag-uusapan niyo?"-Calvin

"Ahhh.. W-wala. Wala yun."Ingay kasi nitong si Brie eh.

"Hi Girls. Hi Ally!"masiglang bati ni Jake.

"Ngayon pa lang Jake, tigilan mo na ako. Nakakasira ka ng araw eh."mataray na sabi ni Ally.

"Asus, pakipot pa. Yung ibang babae dyan halos magkandarapa na para lang batiin sila."sabi ni Jake saka nagwave sa mga babae sa kabilang table.

Oh my gosh! Nag-hi siya sakin!

Hindi kaya sakin, duling ka ata eh.

Dito siya nakatingin oh, ibig sabihin ako yun. Wag kayong feeler!

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon