Crazy Chap 18

74 7 2
                                    

Julie's POV

Another day for my precious identity card na pabalikin sa lace niya. Well, hindi ko naman siya ganun ikinakabahala kasi hindi naman pansin yung gamit kong temporary 'expired' i.d everyday. Maliban nalang kung ininspect talaga nila. It was actually time for lunch pero mas pinili ko paring hanapin yung bagay na hinahanap kong ilang araw nang nawawala. Ginamit ko ang fake call slip as excused sa mga kaibigan ko. Ohhhh diba nakalusot ako. Pero kailangan kong bilisan pag-uusapan daw namin yung tungkol sa pagpunta sa bahay ni Brie sa sabado.

Last chance, last destination. Kapag wala dito, ibig sabihin nawala na yun outside ng school and no choice na mag-request na ng bago sa Head ng student's council. Oo na! i.d na ng i.d lagi yung puntirya ko simula nung nakaraang araw pero, importante kasi yun eh. You know, haha part yun ng pagkatao ko bilang estudyante. O diba. Kakatok na ko sa discipline's office ng..

"Julie! Where's Aubrie?" sigaw ng hingal na hingal na lalaking papunta sa direksyon ko. English english pa palibhasa rich kid, mabadtrip nga tong isang toh.

"Huh? Mukha ba kong lost and found or information center?" walang emosyon kong sagot sa  tanong ni Charles. Matapos ng ginawa nila nung nakaraan kay Brie tama ba namang mag-away sa harap ng babae mukha lang silang mga basag ulo. Hindi rin siya nagparamdam kay Brie kahapon.

"You'll just tell where. Simple question, simple answer. Akala ko ba matalino ka?" hindi ko ata nagustuhan yung tono ng pananalita niya. Nakakainit ng ulo. Bukod don sinasayang niya oras ko, as if namang may gana si Brie ngayong makipag-usap sa kanya.

"Then do anything else to simply answer your own simple question." irita kong sagot. Guguluhin niya nanaman si Brie. Oras kaya ng kainan ngayon. Hinayaan ko na si Charles doon hindi ko alam kung umalis na ba siya o naka-tanga lang diyan. 

"It  helps Andrew thanks for nothing." nandiyan pa pala siya hindi pa sinara ang bunganga. Masyado na kong naiinis kakahanap ng i.d na ilang araw na nawawala dadagdag pa siya? Hindi ko akalaing ganyan niya ko tratuhin kapag nakatalikod si Brie. Maybe this time palalampasin ko toh. Siguro nagkataon lang na pareho kaming badtrip.

"It's okay, your not welcome then." ini-expect ko na hindi na siya sasagot. Pero what the h*ck ang daldal rin ng tabas ng dila nito ah.

"Nag-sorry ako nung isang araw kay Brie, but don't assume na magso-sorry ako sayo. By the way, nice punch. Dapat, mas pinili niyo nalang hindi makialam." so ikinasusungit pala sakin nito nung sinikmuraan ko siya that day? Ang babaw. Lalaki ba toh? Si Calvin nga nung sinuntok ni Ally hindi naman nag-alburoto sa room. Weak. Hindi ko akalaing may side pala siyang ganun.

"I don't assume. Pwede ka nang umalis baka madulas pa yung dila ko sa discipline's head na may nangyaring boxing nung isang araw sa parking lot." umeffect naman yung pananakot ko mukha bang tototohanin ko? Eh di damay kami pagnagkataon lalo na si Brie.

Pumasok na ko sa discipline's office and nandun naman yung head. Kinausap niya ko about sa kunwaring may naiwan akong wallet pero tinanong niya sa maintenance ng office na wala naman daw siyang nakitang gamit na naiwan as of this month. So meaning, kahit i.d wala. Kaya ending. Uuwing luhaan. No choice pero wala kong magagawa na manghingi ng permit sa student's council for new i.d. May first meeting pa naman kami sa chess mamaya. Balik nalang muna ko sa room wala naman akong magagawa kailangan nila ng permission sa parents eh wala pa ngang kaalam-alam yung magulang ko sa ginawa ko.

*grrrrrrrrrr*

"Aw may leon na sa loob ni tummy bear. Bibili na nga ko, baka magka-ulcer pa ko." dumiretso na muna ko sa canteen. Kahit light meals lang sapat na hahaha sayang yung baon ko sa taas next break ko nalang yun kakainin.

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon