Crazy Chap 06

225 11 8
                                    

Matt's POV

"Geez!"Bakit pa kasi kailangan lumipat pa kami ng school. Ayos naman dun sa previous kong school, ililipat pa. Ang gusto nila sa Cameron University daw, eh pare-parehas lang naman ang tinuturo.

"Huy Matt! Magsasalita ka na nga lang, wala pang kwenta. Babae yan noh?"-Jake-

*death glare*

"Kung wala kang sasabihing maganda pwede bang tumahimik ka na lang. Wag mo kong idamay dyan sa kabulastugan mo. Tsk!" kainis na Jake na yan. Nangyari na ang lahat-lahat eh babae pa rin ang nasaisip.

"Oooh! Natatakot ako. Papa Brian oh, si Matt nang-aaway sa akin."sumbong ni Jake kay Brian habang naka-pout, mukha tuloy siyang pato.

"Tigilan mo nga yang kabaklaan mo Jake. Nakakaurat na yang itsura mo mukhang patong nalugi ng isang milyon sa lotto tsaka asa kang papatol ako sayo no, sa gwapo kong to di nababagay sa tulad mo."isa pa tong Brian na toh. Nagyabang na ang panget.

"Aba! Nagsalita na ang panget. Pare masyadong mataas ang lipad ng pangarap mo ah baka sumabit sa puno. Eh wala ka pa sa kalingkingan ng kagwapuhan ko noh. Ako yata ang batayan ng kagwapuhan sa mundo."mayabang na sabi ni Jake.

"Pffft! Hahahaha. Dre, priceless ng reaction mo. Basag pala banat mo eh! Alam naman natin talaga kung sino ang pinakagwapo dito. Di nyo na kailangang sabihin pa kasi kitang-kita niyo naman ang gwapo kong mukha."natatawang sabi ni Calvin na kanina ay busy sa kanyang cellphone.

"Kung sa usapang gwapo kayo nagtatalo, tumigil na kayo. Nagsasayang lang kayo ng laway kasi kahit bali-baliktarin niyo pa ang mundo, ako pa rin ang pinakagwapo dito."Tsk! dami niyong sinasabi, tanging kasinungalingan lang ang mga pinagsasabi niyo. Kahit itanong niyo pa sa kanunu-nunuan ko, sa dugo ko nananalaytay ang kagwapuhan. Kawawa ang mundo kapag nawala ako, wala ng saysay ang kagwapuhan dito.

Andito kami ngayon sa kotse KO. Oo, akin na ang kotseng to kahit 16 pa lang ako, yun nga lang hindi ako ang nagdadrive. Hindi pa raw ako pwede kasi masyado pang bata at wala pang lisensya, nag-hire pa sila ng driver. Papunta kami sa bagong school na lilipatan namin. Dahil nga magkakabusiness-partners ang parents namin at magkakaibigan na kami since birth, nagpagpasyahan nilang ilipat kami sa Cameron University para----ewan. Tsk! Di ko alam kung bakit kailangan pang-lumipat sa pesteng eskuwelahan na. yan.

"Booo!"

"Sh*t! ANO BANG PROBLEMA MOO!!!" Lintek na Jake na yan wala na talagang ginawa kundi bwisitin ang bwisit na araw ko.

"Tama na kasi dre ang pagdaydream. Wala ka bang balak bumaba kanina pa tayo nandito." sabi naman ni Brian sabay tapik sa likod ko at bumaba na ng sasakyan.

"Hindi ako nagde-daydream. Pwede ba tumigil na kayo at pag-uuntugin ko na kayong dalawa."sigaw ko sa kanila at bumaba na rin ng kotse ko.
Ito pala ang Cameron University. So what's hot?

"Whooot! Daming chix dito mga dre. Siguradong magiging masaya ang school year ko nito."sabi ni Jake at mukhang tuwang tuwa ang mokong sa mga tili ng mga babae.

"Yeah! Ginaganahan ata ako ngayong araw na to ah." sabi naman ni Calvin. Tsk! Mga adibs naman ang mga to eh. Pabida, di naman talaga sila ang bida.

"Pagdating talaga sa babae, nagdidiwang mga kaluluwa niyo. Tumigil nga kayo di na kayo nahiya." masungit na sabi ni Brian.

"Uy mga Dre. Dito na lang ba tayo? Punta na tayo sa Principal's Office baka hinahanap na ang kagwapuhan ko don."-Jake-

"Libre lang mangarap kaya pagbibigyan na kita. Tara na nga, di kayo halatang mga excited ha." sabi ko sabay talikod at naglakad na. Tss. Saan kaya dito ang PO nila? Masyadong pa-misterious.

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon