Crazy Chap 31

37 8 6
                                    

Crazy note:

Hi Crazy Readers! I'm your new author Lady_Mizzy! Joke. Ako parin yung dati pinalitan ko lang yung name kasi walang. BTW, natutuwa ako kasi nagustuhan niyo yung last chap and kahit konti na lang yung mga readers ko (nakakasad talaga) tuloy pa rin po kami sa paguupdate. Sorry po sa slow update and many thank you para sa patuloy na support ng mga crazy readers. Add niyo po ako sa fb Lady Mizzy WP. Lovelots...

Meg's POV

Hmmm. Sino kayang naglagay ng frapuccino sa bag ko? Baka nagkamali ng lagay ng bag. Tsk! Sayang naman pera niya. Kesa naman mapanis eh ininom ko na lang, nandyan na eh.

Bakit kaya may sorry yun? Siguro may nagawa yung kasalanan kaya may nakalagay na sorry. Siguro yung lalaki nakikipag-ayos sa girl. Ang sweet naman! Pano kaya kung si Maty nagbigay nun sakin? Pwede na akong mamatay nun pero joke lang.

Saturday ngayon at nagreready na ako kasi may date kami ni Matt ngayon. Well, di talaga siya date na iniisip niyo pero kasi... Maghahanap kami ng lugar para sa pagshu-shootingan ng project namin.

Nakasuot ako ngayon ng jeans lang tapos three-fourths na shirt. Nag-sandals lang ako para kumportable.
Tinali ko yung buhok ko into ponytail kasi mainit, as always naman eh. Tapos nagdala ako ng bag, backpack na maliit lang. Dun ko nilagay ang payong, cap, pera, cellphone, tissue, kikay kits, tubig, chocolates, biscuits at flashlight. Hehehe. Nagdala na ako ng flashlight para ready. Ang dami noh? Kasya naman kahit papaano.

Mag-cocomute lang kami kasi madudumihan daw kotse niya tapos mahal daw gas. Damot talaga pero crush ko.

Sinuot ko na yung relo ko tapos ayan, ready na. Bumaba na ako tapos nagpaalam na kay mommy.

Sumakay na ako ng jeep. Sa plaza daw kasi ang meeting place namin, 10:00 am daw sharp. 9:50 pa lang naman eh sakto 10:00 nandun na ako. Hehehe.

Pagkababa ko ng jeep nakita ko na siya agad dun sa may silong. Mainit na kasi tapos tirik pa ang araw. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkainis pero ang hot niya pa rin kahit pinagpapawisan.

"Waah! Ang gwapo naman nun!"

"Sino kaya hinihintay niya?"

"Baka may date siya."

"Ay, sayang naman. Taken na."

Haizzt! Nagpapantig talaga ang tenga ko. Pagpantasyahan ba naman si Matt? Pwede ko silang ipakulong. Grrr.

Lumapit na ako kay Matt tapos humawak ako sa braso niya.

"Hi Matt! Kanina ka pa ba naghihintay?"sabi ko na parang naglalambing. Mainggit kayo!

"Don't you know what time is it?"sabi niya habang nakakunot na naman ang mga noo niya.

"Sino yung girl?"

"Baka yun yung gf niya."

"Ay! Ang panget naman."

"Oo nga eh. Mas maganda pa ako dyan eh."

Grrr. Kalma lang Meg. Wag mo silang patulan.

Hinila ko na lang si Matt palayo dun sa mga babaeng yun. Nakakarindi talaga.

"What the f*ck are you doing?"naiirita niyang tanong.

"Wala. Nilayo pang kita sa masamang hangin. Mabaho yun eh."sabi ko.

"Hey Miss. Alam mo bang late ka? Kanina pa ako naghihintay dun? Ang init-init pa."Hay! Napakaarte naman. Kung hindi ka lang si Matt eh naku, baka kung ano ng magawa ko sayo.

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon