Crazy Chap 37

32 5 8
                                    


Julie's POV

3:00 PM

"And cut!!" bulyaw ni Jake matapos kunan yung last scene. Last day na namin dito sa resort patapos na rin kasi yung sembreak kaya kailangan maayos na rin yung video presentation namin bago magpasukan.

"Guys! Pack up na tayo dalawang oras nalang stay natin dito." sigaw ni Meg habang 'hindi inaalis yung tingin sa palm sized niyang camera. Nilapitan ko siya para sana tanungin kung

"Miss try mo kayang tumulong tss." singit nung napadaang kumag na Brian habang bitbit yung maletang puno ng damit. Galing siguro toh sa dressing room.

"Alam ko mga gagawin ko epal."

Umalis na rin ako agad sa puwesto ko. Nawala din tuloy si Meg. San naman kaya nagsususuot yung babaeng yon.

"Ay leche ka! Bat mo isasama yan? Delete mo yan! Ayoko yan makita! Isa." kumusta naman kaya tenga ni Jake sa sigaw ni Ally ang lapit pa nila sa isa't isa.

"Pang-bloopers yan. Kung ayaw mo makita pumikit ka." hinayaan ko nalang muna sila. Dinala ako ng paa ko sa salas ng stay-in room namin dito sa resort. Nandito na pala mga gamit namin. Pati kaya yung gamit na nasa hotel nadala na nila dito? Hmmm wala namang tao kaya pumasok na ko para i-check kung nandito na nga ba yung- "Who's this?" nilibot ko yung paningin ko para malaman kung sinong nagsasalita. Ako ba kausap? Minamaligno ata ko. Hindi ko muna sasagutin kase baka "Sino ka nga. Wrong number ka ata miss-- What? Becka?" natanaw ko si Charles na nakaupo sa barstool ng kitchen nitong room. Buti nakatalikod siya hindi ako kita. May kausap ata siya sa phone at sa pagkakadinig ko si Becka yung kausap niya. Nagtago ako sa malaking attic vase para hindi niya ko makita.

"Hoy! ligpitin mo mga gamit don sa--" anak ng.

"Problema mo ba Brian? Diba sabi ko alam ko naman mga ginagawa ko. Wag mo nga kong utusan." bukod sa nagulat ba naman kase ako muntikan pa ko makabasag. Sa pagkakataong yon napatingin sa direksyon namin si Charles. Tumayo siya saka dumiretso sa garden ng resort ng hindi pa rin binababa yung phone niya.

"Yan wala na lumabas tuloy. Panira ka kase ng plano eh. Sayang effort ko magtago tsk. Hoy--" ayos. Wala na pala si Brian sa likod ko. Para kong tanga dito.

"O sakto. Juls nakita mo si Brie?" biglang sulpot naman nitong si Calvin. Saang lagusan ba sila lumulusot. Parang mga kabute eh.

"Sa saturn." tipid kong sagot. Hanapan ba ko ng nawawalang kaibigan.

"Haha! Pareho kayo ng sinagot ni Brian. Yun nga lang sabi niya nasa pluto. Ano ba namang mga sagot yun." kesa sagutin, lalabas na dapat ako ng pinto ng may kusang bumukas. Galing naman ng timing nandito na hinahanap ni Calvin.

In Our Crazy Little WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon